CHAPTER 19

250 7 0
                                    

PAGKATAPOS NANG gabing iyon nawala na lahat nang pangamba na nasa puso ni Felix, alam niyang kailangan lang nila nang maikling panahon, panahong sasapat para hilumin ang mga sugatan nilang puso.

Alam niyang mahal nila ang isa't isa at kailangan lang nang kaunting pagtitiis para maging masaya na silang tuluyan. Alam niyang mahal siya nito kahit hindi nito sabihin, sapat na iyon para sa kanya na ang tanging hangad ay patawarin at mahalin pabalik nang babaeng minamahal niya.

Hindi niya inakala na sa pagdaan nang sampong taon, ito parin ang may kakayahang pangitiin at may kakayahang guluhin ang sistema niya.

Pinapangako niyang hindi siya susuko, siya dapat ang malakas, dahil siya ang mas kailangan nito. Dapat wag siyang susuko, dahil may mga bagay, na hindi dapat sinusukuan nang ganun na lang, lalo na kapag tungkol iyon sa babaeng minamahal mo nang sobra.

" Oh Felix! Andito ka pala, kumain kana ba?"  Napatingin siya sa Ina ni Zarmaine, may hawak itong libro at nakasuot nang salamin.

Ngumiti siya at nagmano sa Ginang na tinawanan naman siya. "Feeling ko tuloy ang tanda-tanda ko na! Hahaha! "  Napakamot siya sa kanyang ulo dahil sa pagkapahiya. " By the way, natutulog si Zarmaine, kumain kana muna nang meryenda pagkatapos dalhan mo siya doon nang makakain nang meryenda. "  Agad siyang ngumiti at sumunod dito papunta sa kusina.

Binigyan siya nito nang champorado at condensed milk naman sa may maliit na kopita. 

" Naisipan kasi nang Tito mo na kumain niyan, kaya nagluto ako." Ngumiti siya at agad na tinikman iyon, hinipan niya muna bago isinubo dahil umuusok iyon sa init.

Nanuot agad ang perpektong pagkakatimpla nang tamis at nang gatas. "Ang sarap po, salamat."  Nakita niyang nakatingin sakanya ang Ginang at may kakaibang kislap ang mata. Nagtataka naman siya kaya naman nakita niyang ngumiti ang Ginang na napansin ata ang pagkailang niya. 

" Sorry, masaya lang ako dahil sayu bumalik ulit dito si Zarmaine. "  Agad niyang nakita ang malamlam nitong mga mata ang sakit na naroon.

Hindi lingid sa kaalaman niya ang relasyon nang mag-ina mula noon nang makilala niya ang dalaga ay galit na galit na ito sa Ina niya. Alam niya ang dahilan kaya hindi niya masisisi ang dalaga, at ang Ginang naman ay halatang alam din ang pinagmumulan nang galit nang anak niya.

" Thank you for bringing her back to me again."  Naramdaman niya ang panunubig nang mata nang Ginang kaya agad siyang nabahala. " I'm sorry, nagiging emotional lang ako. Simula kasi nang makabalik ako rito, kasama siya at ang Papa niya, kahit kelan, hindi pa kami nagkakausap, ni kahit ang tignan niya ako sa mga mata ay di niya pa nagagawa.

" Palagi siyang umiiwas saakin, ni kahit ang kausapin ako ay hindi niya magawa. Nawalan nang galang saakin ang anak ko, nawalan nang respeto, kasalanan ko ang lahat nang yun. Hindi ko siya masisisi kaya naman hinayaan ko na lang iyon. Hindi ko alam na magtatagal iyon hanggang sa maipanganak ko ang pangalawa niyang kapatid.

I Will Always Back To YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon