I missed you Zarmaine...
NANG MARINIG ko ang mga salitang iyon ay natigilan ako at hindi nakapagsalita, hindi makatingin saakin si Felix na ngayon ay umiiyak na naman, kanina pa namin ito sinundan dito at naabutang umiiyak ito kaya naman ay hindi ko na muna inabala at pinagmasdan lang muna.
Heto, at umiiyak na naman ito, at heto na naman ang pakiramdam niya na gusto niyang lapitan upang yakapin ang dating kasintahan.
Gusto kong magsalita at sabihin sakanyang tumahan na, pero hindi ko alam kung saan magsisimula, kung paano magsasalita.
" Sorry Za,... Sorry. H-Hindi ko lang kayang —
" I know Felix, alam kong ginawa mo lang yun para mas hindi ako mahirapan sa pagpili. At alam ko ring, ginawa mo yun para madugtungan pa ang buhay ni Shawn na hindi mo man aminin ay alam kong ipinagbabahala mo. Naaintindihan ko Felix, hindi mo na kailangan pang ipaliwanag kung bakit mo yun nagawa. Hindi mahina ang utak ko para intindihin ang ginawa mo, ginawa mo lang ang sa tingin mong tama." Sa wakas ay bigkas ko rin.
" Pero nasaktan kita, " hindi pa rin ito makatingin saakin. Sa nagdaang sampong taon ay mas nahubog lalo ang kakisigan nito. At hindi ko maitatanggi ang kagwapuhang taglay nito ngayon.
Huminga ako nang malalim. "Nasaktan mo nga ako, at sobrang sakit ang naranasan ko dahil sa pagkawala mo. Pero parte iyon nang pagmamahal." Huminga ako nang malalim at panandaliang tumigil bago nagsalitang muli.
"Gusto kong sabihin sayo ngayon lahat, para isang bagsakan na, hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa Felix. Oo, nasaktan mo ako, para mo akong pinatay nang iwan mo ako, hindi ba't nangako kang hindi mo ako iiwan? At nangako kang hangga't lumalaban ako ay hindi ka susuko para ipaglaban din ako? Pero hindi pa ako sumusuko ay iniwan mo na ako at iniwan sa gitna, araw-araw kong binabasa ang sulat mo, pilit kong sinasabi sa sarili ko na hindi iyon totoo, na babalik ka pagkaraan nang ilang araw. Pero dumaan ang mga buwan at taon, walang Felix na dumating, walang ikaw na dumating. Alam mong ikaw ang pipiliin ko, kaya mo yun ginawa, alam mong pagpinili kita ay mapapahamak si Shawn, alam kong mahirap iyon sayo, pero Felix, alam mo ring mahina ako, lalo na kapag wala ka sa tabi ko." Pagpapaintindi ko sakanya, hindi ko mapigilan ang bugso nang damdamin ko at ang hinanakit na nasa puso ko. Ako ang klase nang tao, na hindi na naghahantay nang pangalawang pagkakataon para sabihin ang laman nang puso ko, hindi ako yung taong hihintayin pa ang tamang panahon para sabihin ang hinanakit, dahil kahit anumang pagkakataon ang piliin mo, masasaktan o makakasakit ka parin.
" Zarmaine..."
" Halos mabaliw ako Lix! Hindi ko halos kayanin ang isang araw na dumadaan, na wala ka. Namimiss kita, hinahanap kita! Kaunting kilos iiyak, maluluha, kaunting bagay na nagpapaalala sayo bigla-bigla na lamang akong nanghihina, hirap na hirap na ako Lix, sa sobrang sakit na tinitiis ko ay kinakailangan ko pang uminom nang pills para makatulog sa gabi, kailangan ko pang inom ang anti-depresant na gamot para magpatuloy sa buhay.
" Hinanap kita Lix, hinanap kita, pero walang ikaw. Nang umuwe ako dito nang nagkasakit si Papa, almost five years ago, I saw you!" Rumihestro ang gulat sa mga mata nito at puno nang pagtataka ang mukha. Napangisi ako, "yeah, I saw you, in the bar, drinking alcohol with a woman in your lap, and kissing your nape. Alam mo kung anu yung mas masakit? Ang nakita kitang gumanti sa halik at biglang umalis at pumasok sa kung saang kwarto sa loob ng bar mo! Sobrang sakit. "
Pilit kong hindi maiyak pero hindi ko pa rin mapigilan, "bumalik ako sa America, and then, naaksidente ako, akala ko mamatay na ako, mabuti, buhay pa ako. Sana,, sana namatay na lang ako. "
" ZARMAINE! " SIGAW KO sakanya nang marinig iyon mula sa labi niya hindi ko na napigilan pa ang hindi siya yakapin, yinakap ko ito at naginginig ang mga kamay ko at hindi ko maisip ang bagay na mamatay siya, pero heto siya, hinihiling na sana namatay na lang siya. "Alam kong ang sama nang ginawa ko, alam na alam ko Za, pero wag mong hihilingin na sana namatay kana lang! Sasabihin ko sayo Za, hindi halata, pero mas mahina kaming mga lalaki kesa sa mga babae, lalo na kung sa babaeng mahal namin, sobrang hina namin pagdating sainyo, kayo ang lakas at kahinaan namin, akala niyo, malakas kami, hindi. Napakahina namin, nabobobo kami pagdating sainyu! Kailangan naming mag-isip pero walang kahit anung lumalabas sa utak namin! Ang alam lang namin ay uminom, kasi baka maibsan pa ang sakit, nakakagawa kami nang mga bagay na hindi maganda kasi hindi na rin namin alam kung anung gagawin! Pero Zarmaine, kahit ganun kaming mga lalaki, kung mahal namin kayo, kahit anung mangyare, kayo parin ang laman nang puso namin! Nahihirapan lang kami nang sobra kaya nagagawa namin ang mga bagay na yun! Oo! Maling-mali! Sobrang mali na gumagamit kami nang iba para maibsan ang sakit, maling-mali, at kahit na anung gawin namin, ay mali iyon! Pero.. .. wag mo namang sasabihing sana namatay ka na lang! Hindi niyo alam kung gaanu kasakit para saamin ang maiwan! Oo, kasalanan ko! Pero Za naman! Alam mong mahal kita! W-Wag mong hihilingin ang bagay, na parang hiniling mo na rin na sana mamatay na ako. " Bumagsak ang mukha ko dibdib niya at doon humagulhol nang iyak. Napakahigpit nang yakap ko sakanya, sa sobrang takot na narinig ko ay hindi na mahinto ang pag-iyak ko, ako ang lalaki pero ako yung iyak nang iyak, pero, kahit sinu, kapag nasasaktan, may karapatang umiyak, dahil tao rin kaming mga lalaki, nasasaktan.
BINABASA MO ANG
I Will Always Back To You
RomanceYung lalaking mahal na mahal mo na kasama mo na ng sobrang tagal na halos di niyo na maimagine ang araw na di kayo magkasama bigla na lang aalis ng walang pasabi, at tanging sulat lang na nagsasabing "Goodbye and live your life without me, and be ha...
