Chapter 2

2.4K 167 16
                                    

Zoey's POV

Papasok na sana siya sa loob nang kwarto kung saan naka admit ang lalaking tinulungan niya nang makadinig siya nang ingay. She slightly open the door pero agad ding napasinghap nang makasalubong ang tingin nang lalaki. Mukhang kagigising lang nito mula sa isa at kalahating araw na pagkakatulog.

"Ahm hi." She said bago pumasok.

"Hello ma'am Zoey." Bati nang nurse sa kanya bago ito nagpaalam na aalis.

Napatingin siya sa lalaki na ngayon ay nakatitig sa kanya. Tumikhim siya bago lumapit.

"Kamusta na pakiramdam mo?" She ask.

Napakurap ito bago namula ang tenga. "Ikaw ba ang tumulong sa akin?" He ask kaya tumango siya. "Salamat." Sabi nito.

"I've ask my people to review the cctv camera around my building and they say that you got robbed and got stabbed." She said bago huminga ng malalim. "Malalim ang sugat mo kaya inoperahan ka agad. You're lucky na walang internal organs na nadamay kaya gagaling ka kaagad."

"Pucha." Bulong nito kaya napakunot noo siya.

"What?"

"May cellphone ka ba?" Tanong nito kaya tumango siya at agad iyong ipinakita dito. "Pahiram." He said kaya binigay niya agad.

She look at him habang may tila tinitext ito. Nang tumunog ang phone niya ay ipinakita nito ang tumawag sa kanya.

"Kapatid ko." He said kaya tumango siya at hinayaan ito. "Elias nasa hospital ako. Tangna nasasaksak ako at dinukutan pa. Oo wag kang mag alala ok ako. Kayo ok ka yo diyan? Mabuti naman. Sige na tatawag ako ulit mamaya pag may nurse na dumaan. Diko alam ang pangalan nang hospital n——-."

"Manuel Elizalde Generel Hospital." She said kaya napatingin ito sa kanya. "Nasa MEGH ka, third floor room 309." Sabi niya tumango ito bago bumaling sa phone.

"Oh nadinig mo? Ha? Anak ng putsa malay ko bang sa private hospital ako dadalhin. Ugh sige na hihintayin ko nalang kayo dito. Kumain muna kayo bago mag punta. Mag ingat kayo sa daan Elias. Bye." Sabi nito bago tumingin sa kanya at bigay nang phone niya. "Salamat."

Tumango siya bago huminga ng malalim. "If you're worrying about the hospital bill, don't worry wala kang babayaran. Nasa property kita nang masasak ka kaya kargo ka parin nang kumpanya." Sabi niya at kitang kita niya ang gulat sa itsura nito.

"Anghel ka ba?" Tanong nito kaya napakunot noo siya.

She look at herself at naisip na nakaputi siyang lahat maliban sa sapatos na itim at bag na itim. Tumingin siya sa lalaki at umiling.

Ngumisi ito bago umiwas nang tingin. "Akala ko anghel eh, maganda na nga mabait pa." Bulong nito pero dinig naman niya.

"Hindi ako mabait." Sabi niya kaya napabaling ulit ito sa kanya. Without smiling she step closer to him. "Im Zoey Elizalde and you are?"

Tumingin ito sa kamay niyang nakalahad bago nito iyon inabot. Magaspang ang kamay nito, halatang batak sa trabaho.

"Enoch, Enoch Briones ."

Tumango siya bago hinila ang kamay dahil bumibilis na naman ang tibok ng puso niya,  tumingin siya sa relong suot para maiwasan ang tingin nito.

"Ahm I still have a meeting so I better go. Dumaan lang talaga ako dito para makitang buhay ka." She said bago tumalikod.

"Zoey."

She stop walking pero hindi siya lumingin.

"Babalik ka ba ulit?" Tanong nito kaya napatingin siya sa lalaki.

"No." She said bago tuluyang umalis sa kwarto.

Nang maisara niya ang pinto ay agad siyang napasandal sa may dingding at napahawak sa dibdib niya.

Bat ang lakas nang tibok mo?

————————————-
Enoch's POV

Napabuntong hininga siya nang umalis na ang babae. Tsk sa ilang minuto nilang pag uusap eh hindi man lang ito ngumiti o kahit na magpakita ng konting emosyon. Tila ito robot na walang pakiramdam.

Walang kabuhay buhay ang mga mata pero maganda parin. Mukha talaga itong anghel kanina lalo na nung pagbukas ng pinto ay kasabay nang pagpasok nito eh tila inilawan ito lalo nang mga ilaw sa kwarto.

"Zoey, Zoey." Bulong niya bago napangiti. "Mali ka, magkikita parin tayo dahil hindi pa ako nakakapag pa salamat nang taos puso sayo." He said bago umayos nang higa.

At bago paman siya lamunin nang antok ay isang imahe ang naisip niya.

Zoey

Only OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon