Chapter 17

2.5K 217 31
                                    

Zoey's POV

Napatingin siya sa likuran niya nang may maglagay nang kumot sa kanya.

"Malamig na, di kapa papasok?" Enoch ask kaya ngumiti siya bago umiling.

Umupo ito sa tabi niya at katulad niya ay tumingin din ito sa kalangitan na punong puno nang bituin.

"Alam mo bang birthday ko nang araw na yun?" She said without looking at him pero ramdam niya ang pag tingin nito sa kanya. "I woke up so lonely that night. Tas nang makita kung lagpas alas dose na mas nalungkot ako dahil mag isa na naman ako sa birthday ko. Then I remember you" she said bago tumingin dito at tipid na ngumiti.

"Pinuntahan kita dahil alam ko ikaw ang makakapagpasaya sa akin. But when you reject me.." huminga siya nang malalim, "nasaktan ako. In my mind that time Im asking kung bakit walang taong gustong makasama ako? Di ba ako karapatdapat? Bat ako di nagiging masaya? I was so succumb in my emotions na huli na nung makita ko ang truck—————-."

"Sinundan kita madam. Andun ako nung mangyari ang aksidente. I hated myself for saying no to you. Ilang ulit pa ba kitang madidisappoint? Ako na nangakong papasayahin ka pero ako mismo ang di tumutupad sa pangako. Kaya sorry madam. Sorry talaga." Sinsero nitong sabi kaya napangiti siya.

"Masaya akong nagising na ikaw ang unang nakita ko. Yun palang sapat na sapat na." She said bago tumingin sa langit. "Gusto kong umalis Enoch." She said bago pumikit. "Life is truly short at ayaw ko nang magsayang nang panahon na hindi nagagawa ang mga gusto ko."

"Iiwan mo ako?"

Napamulat siya bago bumaling sa katabi na titig na titig sa kanya. "Oo." Hindi niya alam kung guni guni lang ba pero tila may dumaang sakit sa mga mata nito sa sinabi niya.

"I will leave everything in your care now enoch. Lahat lahat ibibigay ko sa yo. Isa lang ang kahilingan ko, pangalagaan mo ang kumpanyang pinaghirapan nang lolo ko." She said bago tumingin sa mga mata nito. "Sorry kong gagawin ko to sayo pero gustong mahanap ang sarili ko at kung ano ang makakapagpasaya sakin. At ikaw lang ang taong nararapat sa lahat nang meron ako. Ikaw lang ang di nang iwan o sumuko sa akin at maraming salamat dahil don."

"Pero paano ako Zoey? Paano ako?" He ask with pain in his voice.

"Anong paano ka?"

"Tangna naman." Inis na sabi nito bago tumingin sa langit nang ilang segundo bago siya tiningnan ulit. "Paano ako? So ganun ganun nalang yun?  Sa palagay mo bat ko to ginagawa ha? Bat ako nananatili sa tabi mo?"

"Enoch?"

"Mahal kita madam." He said at napanganga siya. "Tangna mahal kita ok? Mahal kita. Nung naaksidente ka pinangako ko sa sarili ko na magising ka lang ipaparamdam ko sayo ang tunay na nararamdaman ko. I almost lost you tas ngayon iiwan mo ako? No Zoey. Asawa na kita. At nagbago na isip ko, ayaw ko nang ma annul sayo. At mas ayaw kong iwan mo ako. Mananatili ka dito sa tabi ko madam. Dito lang sa tabi ko."

"Enoch.."

"At ayaw ko rin nang kumpanya mo. Manatili ka dito, magpagaling ka at kaw ang mamalakad nang kumpanya mo. Tutulungan kita habang nag aaral ako. Pero dito ka lang."

She wanna cry, is it bad? Is it bad to be this happy all of a sudden? Ang sarap pala, ang sarap pala ng pakiramdam na may isang taong takot maiwan ko.

"But I need to leave enoch." She said at umiling ito. "Kailangan ko to at alam mo yun." Sabi niya bago hinawakan ang kamay nito. "Ang saya ng puso ko sa sinabi mo. Hintayin mo ako, babalikan kita enoch."

Matagal itong sumagot pero dahan dahan itong tumango? "Promise?" He ask na parang bata kaya mas napangiti siya.

"Promise. Dahil ikaw ang tahanan ko enoch. Ikaw lang."

——————————-####—————————-

Only OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon