Chapter 4

2.2K 171 20
                                    

Zoey's POV

"Ma'am na trap daw po sa traffic si Mang andoy." Cory said patukoy sa driver niya.

Bumuntong hininga siya bago tumayo. "Call him sabihin mong sa condo ko ako uuwi at mag tataxi nalang." She said at hindi na hinintay ang sagot ni Cory, lumabas na siya at dinig niya pa ang pag papaalam nang dalawa pero di na siya sumagot.

When she reach the lobby ay kitang kita njya ang pagmamadali nang mga empleyado niya, but when they saw her ay tila nahawi ang mga ito dahil nagsipuntahan ang mga to sa gilid.

"Goodbye po ma'am." One employee said na sinundan nang iba. Hindi siya ngumiti pero tumango siya bilang sagot.

"Zoey."

Napatingin siya sa gilid at napakunot noo nang makita si Enoch na nagmamadaling lumapit sa kanya. "Uwi ka na?" He ask.

Kumunot ang noo niya bago sumagot. "Oo bakit?"

Napakamot ito nang ulo bago tumingin sa paligid. "Asan ang kotse mo?"

"Magtataxi ako." She said.

"Hatid kita kung ok lang?"

Napatda siya. "Maglalakad tayo?" She ask at agad itong ngumiti. Damn he really got a beautiful dreamy smile.

"Grabe siya, may isang daan naman ako dito. Syempre mag jijeep tayo." Tila nahihiya nitong sabi. "O kung ok lang sayo eh sa motor ko nalang." Sabi nito at itinuro ang single motorcycle.

"That's yours?" She ask.

Tumango ito. "Oo, halos walong taong na yang akin. Diko lang masyadong nagagamit dahil si Elias ang gumagamit." Sabi nito.

Tumitig siya sa mukha nito bago tumingin sa motor nito at sa mukha ulit nito.

"Hindi pa ako nakakasakay nang motor." Mahinang sabi niya.

"Mag iingat ako sa pag dadrive." Sabi nito.

Huminga siya nang malalim at tatanggi na sana nang makasalubong niya ang mga mata nito. "Ok."

Ngumiti ito nang malapad bago hinawakan ang kamay niya at hinila siya palapit sa motor nito. She look at their hands at ramdam niya ang init na nagmumula sa mga palad nito. And it felt good for some reason.

Bumitaw ito sa kanya at naunang sumakay nang motor at nag suot nang helmet.

"Lapit ka." Utos nito at sumunod naman siya .

Ganun  nalang ang kabog nang puso niya nang ito mismo ang mag suot nang helmet sa kanya. Ang lapit nang mukha nito at amoy na amoy niya ang natural scent nito na lalaking lalaki.

"Yan tapos na." Ngumiti ito bago hinawakan ang kamay niya. "Sakay ka na sa likod." Utos nito at tumango siya.

Nang makaupo siya sa may likuran ay kinuha nito ang bag niya at inilagay sa harapan nito. "Hawak ka sa balikat ko, o sa bewang. Pag malakas ang pagpapatakbo ko tapikin mo lang ang balikat ko ok?" He said.

"Ok."

"Tsk tipid sumagot nang magandang dilag." Sabi nito. "Saan pala kita ihahatid." Tanong nito kay sinabi niya ang address nang condo niya na labing limang minuto lang ang layo sa kumpanya niya.

Nang magsimula itong magmaneho ay umatikong humawak ang mga kamay niya sa bewang nito. Kahit may kalumaan ang motor nito ay maganda parin ang takbo.

Pagbumibilis ng konti ang takbo nito imbes na tapikin ang balikat nito ay mas lalo lang humihigpit ang yakap niya sa bewang nito. Nilalamig siya pero ang init nang katawan nito kaya inihilig niya ang ulo sa may likod nito na tila ikinatigil nito. She sighed before closing her eyes.

"Andito na tayo."

Umatikong dumilat ang mga mata niya at umayos siya nang upo nang tumigil ang motor nito. Kakalas na sana siya nang hawakan nito ang mga kamay niyang nakayakap sa bewang nito.

"Mukhang pagod na pagod ka. Gusto mong umidlip sa likod ko? Ok lang." Malumanay nitong sabi kaya huminga siya nang malalim bago isinandal ang ulo sa likod nito ulit.

"Enoch."

"Hmm." Sagot nito bago hinihimas ang mga kamay niyang nasa bewang nito.

"Bat di ako masaya? Bat ang hirap sumaya?" Mahinang sabi niya.

Huminga ito nang malalim bago sumagot. "Bat hindi ka masaya? Ang daming dahilan sa mundo para sumaya Zoey, buhay ka yun palang dapat masaya ka na. Mayaman at successful dapat yun din dapat masaya ka. Nasa tao lang kasi yan eh, wag mong piliin ang magpapasaya sayo. Dapat isipin mo na lahat nang nangyayari na maganda sa paligid mo eh magpapasaya sayo. Happiness is a choice Zoey, maniwala ka english yun."

And for some reason napangiti siya kaya isiniksik niya ang katawan sa likod nito lalo. "Thank you Enoch."

Di ito sumagot at sa loob nang limang minuto ay nakaakap siya sa likod nito habang nilalaro nito ang kamay niyang naka yakap sa bewang nito.

"Enoch."

"Hmm."

"Can you do me a favor?"

"Ano yun?"

Huminga siya nang malalim bago kumalas dito kaya napalingon ito sa kanya. Ang gwapo nito.

"Pasayahin mo ako. Make me smile again Enoch." Seryosong sabi niya.

Ngumiti ito kaya pinagsawa niya ang sarili na titigan ang magandang ngiti nito.

"Oo ba. Pero hindi ako mayaman kaya kung ipapasyal kita kung saan saan ay wag kang mag expect nang mga bonggang pakain o pasyalan ha?" Sabi nito kaya tumango siya. "Ngumiti ka Zoey."

Bumuntong hininga siya bago tipid na ngumiti dito. Napa tsk ito bago bumaba nang motor at inilalayan siyang bumaba. "Akyat kana para makapag pahinga ka."sabi nito bago lumapit sa kanya ay ito na mismo ang nagtanggal nang helmet niya. Inayos pa nito ang buhok niya bago ngumiti ulit. "Goodnight Zoey."

Tumango siya bago umatras nang sumakay ito sa motor. Inabot nito ang bag niya bago bumaling ulit sa kanya. "Text mo ako pag kailangan mo ako ha? Nasa iyo ang number ko, nasave mo ba?"

Tumango siya kaya mas lumapad ang ngiti nito.

"O pano ba yan, uwi na ko. Goodnight." He said at ipapaandar na sana ang motor nang lumapit siya dito at tapikin ang balikat nito kaya napatingin ito sa kanya.

"Mag iingat ka Enoch." She said bago tumalikod dito. Nang madinig niya ang papalayo nitong motor ay napatingin siya sa kamay niyang nilalaro nito kanina. And for some reason it put a small smile in her face.

Enoch

Only OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon