Chapter 3

2.2K 168 43
                                    

Zoey's POV

Napaangat siya nang tingin sa pinto nang bumukas iyon at iluwa si Anna.

"Sorry po ma'am pero may naghahanap daw po sa inyo sa baba. Wala po siya sa listahan ng mga makakameeting niyo pero mapilit po." She said.

"Name?" She ask at nagpatuloy sa pagbabasa nang papeles.

"Enoch Briones daw po."

Agad siyang napatigil sa pagbabasa at tumingin kay Anna. "Who?"

"Enoch Briones po." Ulit nito kaya napasinghap siya.

It's been a month since she last saw him. Hindi na siya bumalik sa ospital though his doctors is reporting his recovery to her everyday hanggang sa makalabas ito.

Huminga siya nang malalim bago tumango at tumayo. Walang salita na lumabas siya at bumaba sa lobby. When she get out of the elevator in the lobby ay agad na dumeretso ang tingin niya sa lalaking nakatingin sa sahig na tila may interesanting bagay na andun.

"Does my floor looks so appealing to you?" She ask nang makalapit dito.

Agad itong nag angat nang tingin at gulat na tumingin sa kanya. Tumikhim siya bago ito pinag taasan ng kilay. "May kailangan ka sa akin?" She ask.

Huminga ito nang malalim bago tumango. "Ahm kumain ka naba? Pananghalian na, kumain ka naba?" Tanong nito.

Nagtataka man ay umiling siya bilang sagot. Ngumiti ito bago may kinuha sa lamesa sa lobby. "Nagluto ako nang pagkain. At ito pasasalamat ko sa pagtulong sa akin." Sabi nito.

Aayaw na sana siya pero tila hindi niya kayang umayaw sa klase nang ngiti nito. Tumikhim siya bago inabot ang dala nito. "Salamat." She said.

She look at him and she just notice na nakasimpleng pantalon lang ito at itim na tshirt at may kalumaang rubber shoes. Pero kahit sa simpleng pananamit nito ay ang gwapo parin dahil kanina pa niya napapansin ang mga empleyado niyang babae na palingon lingon dito.

"Oh sige yun lang pinunta ko. Alis na ako. Salamat ulit sa pag ligtas sa akin. Kaya kung may magagawa man ako para mabayaran ang utang na loob ko sana wag kang mag dalawang isip na kausapin ako. Nasa loob nang bag ang numero ng cellphone ko. Baka lang gusto mong itxt." Nakangiti nitong sabi.

Tumango siya pero hindi na nagsalita. Umiling ito bago kinuha ang backpack nito tsaka ulit nagpaalam sa kanya. "Bye Zoey." He said bago ito tumalikod.

"Enoch." Tawag niya nang maka limang hakbang na ito palayo. Nang lumingon ito ay itinaas niya ang bigay nitong pagkain. "Kumain ka na?" She ask.

Umiling ito at nagtataka siyang tiningnan. Huminga siya nang malalim bago sinalubong nang tingin ang mga mata nito.

"Samahan mo akong kumain nang luto mo." She said bago tumalikod at naglakad na without waiting for his answer.

Malapit na siya sa elevator nang biglang may kumuha nang bitbit niya and when she look at the person who grab it, she saw Enoch smiling at her. "Ako na ang magdadala." Sabi nito kaya tumango siya at sabay silang pumasok nang elevator.

When they get in her office floor ay sabay na tumayo sina Cory at Anna.

"Pakihanda nang pantry." She said bago kinuha ang dala ni Enoch at binigay iyon sa mga sekretarya niya. After few minutes ay lumabas sina Cory at sinabing handa na ang pagkain kaya inutusan niya ang dalawang sekretarya na mag lunch out na din.

"What is that smell?" She ask nang may ma amoy siyang mabaho. She look at Enoch at napakamot ito sa ulo.

"Tuyo?" Sagot nito at agad namula ang tenga na tila nahihiya.

Di na siya nagsalita at tiningnan ang mga pagkaing dala nito. Bali apat na putahe iyon. Pero karamehan ay gulay kaya napalunok siya. Damn she don't eat vegetables.

Tumingin siya sa binata. "Masarap ba yang tuyo?" She ask at tumango naman ito. "Ok upo ka na." Sabi niya bago umupo at ito naman sa harap niya.

Sasandok na sana siya nang unahan siya nito kaya napatitig siya sa lalaki. Seryoso nitong nilalagyan nang kanin at mga ulam ang pinggan niya. Nang matapos nitong gawin iyon ay ngumiti ito sa kanya bago ito naglagay nang pagkain sa sarili nitong pinggan.

Nang magsimula itong kumain ay tila gutom na gutom ito dahil hindi man lang gumamit nang kutsara at talagang kinamay lang ang pagkain.

"Kain ka na." Sabi nito nang mapansing hindi niya ginagalaw ang pagkain niya.

"Hindi ako kumakain nang gulay." Sabi niya kaya napatigil ito.

"Ganun ba? Sorry ha gulay at tuyo  lang kasi nakaya nang budget ko. Sige next time pag nakapagtrabaho na ako ulit ililibre kita nang fried chicken." Sabi nito.

Huminga siya nang malalim bago tinabi ang kutsara bago ginaya ang pagkain nito nang nakakamay. Even if its her first time to eat tuyo its still better that the vegetables.

After eating and washing their hands ay ito na ang nagligpit nang pinagkainan nila.

"Salamat sa lahat Zoey." Sabi nito nang tumapat sila sa Elevator.

"Welcome."

"Talaga bang ganyan ka?" Tanong nito kaya napatingin siya dito. "Hindi ngumingiti?"

Hindi siya sumagot kaya napabuntong hininga ito. "Anong oras ka uuwi mamaya?" He ask again.

"7pm." Hindi niya alam pero napapasagot talaga siya nito sa mga tanong nito.

Tumango ito bago sumakay sa elevator nang bumukas iyon. "Sige alis na ako. Salamat ulit." He said.

Tumango siya at deretsong nakatayo at nakatitig lang dito. "Sige." She said bago tumalikod na.

"Zoey." Tawag nito kaya lumingon siya.

"Ngumiti ka, mas maganda ka pag ngumiti." Sabi nito bago sumara ang elevator at maiwan siyang nakatayo sa harap nun.

It took her few seconds bago siya naiiling na pumasok sa opisina niya. She go to her private bathroom para mag toothbrush nang mapatingin siya sa sarili sa salamin.

(Mas maganda ka pag ngumiti)

Napailing siya bago tumitig sa sariling replika.

"Wala ka nang dahilan para ngumiti Zoey. Wala na."

———————————-####—————————

Only OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon