Chapter 15

2.4K 197 47
                                    

Zoey's POV

🎶Happy birthday to you,  Happy birthday to you. Happy birthday my dear Zoey happy birthday to you.🎶

Agad siyang napabangon sa kama at hingal na napasabunot sa buhok. And even if she tried so hard ay hindi na nagpapigil ang mga luha niya. Hanggang sa ang pag iyak ay naging hagulgol.

She misses her grandpa so much. She wipe her tears bago tumingin sa orasan. Its already 12:03 in the morning.

"Happy birthday Zoey." Mahinang bulong niya bago pumikit. Damn another birthday  has passed and here she is still freaking alone.

Enoch.

Agad siyang napadilat nang maisip ang binata. And without minding her pajama outfit ay kumuha lang siya nang jacket bago kinuha ang susi nang kotse. She needs to see enoch. She needs to see the person that can make her calm and happy.

Dahil malalim na ang gabi ay mabilis siyang nakarating sa lugar nang binata. Some of the tambays even send her to Enoch's place para daw safe siya.

She knocks three times bago iyon bumukas at iluwa ang lalaking antok na antok pa.

"Enoch."

Napakurap kurap ito bago tila gulat na makita siya. "Madam? Hala bat ka andito? Ikaw lang ba? Sino ang naghatid sayo? Jusko naman Zoey bat di ka tumawag para ako nalang sana  ang nagpunta sayo. Paano kung may mangyaring masama say——-."

Napatigil ito sa pagsasalita nang Agad siyang yumakap dito. She closed her eyes and hug him tighter. God this is what she needed.

"Hey ok ka lang?" Mahinang tanong nito bago yumakap din sa kanya. "May problema ba Zoey?"

Umiling siya at mas yumakap pa dito.

"Pasok nga tayo, malamig sa labas." Sabi nito at umatras ito papasok habang yakap yakap nila ang isat isa. "Now sabihin mo, anong problema ha!"

"I felt so alone and lonely Enoch. At ikaw ang unang naisip ko para makalimutan kong nag iisa lang ako."

Bumuntong hininga ito bago sinapo ang mukha niya. "Tsk sana tumawag ka. Diko nagustuhan ang pagdadrive mo nang ganitong oras mapuntahan lang ako."

"Sorry." Mahinang sabi niya.

"Hays oo na. Maupo ka nga." He said bago siya inalalayang maupo sa silya. "Gusto mong kape madam?"

Tumango siya at sinundan lang ito nang tingin habang nagtitempla nang kape nilang dalawa. Nakasuot lang ito nang puting sando at itim na pajama. Magulo ang buhok pero ang lakas parin ng dating.

"Enoch."

"Hmmm."

"Pwede bang wag kang pumasok sa trabaho ngayong araw? Can you spend your whole day with me?" She ask.

"Hala madam di pwede. May malaking catering kasi sina aling bebe kaya kailangan ako dun." He said kaya kahit tila gusto niya nang umiyak ay tumango nalang siya at yumuko.

Damn alone on her birthday? She guess it wont change at all.

"Ahm uuwi na ako." Mahinang sabi niya na nagpagulat dito.

"Ha? Eh kadarating mo lang. No madam dito ka matutulog."

Umiling siya. "No I'm ok now. Sige uuwi na ako."

"Zoey isa. Pag sinabi kong dito ka matutulog ibig sabihin dito ka matutulog." Matigas nitong sabi kaya napatigil siya sa paglalakad.

Maya maya pa ay ramdam na niya ang precensiya nito sa likuran niya.

"Nagtatampo ka ba? Sige oo na di na ako papasok bukas. Basta para sayo kung ano ang gusto mo siyang masusunod." Malambing nitong sabi kaya napakagat labi siya. "Zoey madam sige na ha, di na ako papasok bukas. Sasamahan na kita. Wag na magtampo."

Napakuyom siya bago umiling. "Hindi ok lang. sige alis na ako. And please wag mo akong sundan." She said bago tuluyang umalis at halos patakbong tumungo sa kotse niya. Di niya alintana ang pagsunod nito. 

Nang makasakay sa kotse ay di niya alintana ang pagpupumilit nitong makausap siya. Ni hindi niya ito tiningnan at mabilis na pina andar ang sasakyan paalis sa lugar nito.

Nang makalayo ay doon niya inilabas ang luhang kanina pa niya pinipigilan. She cried with so much drama dahil sa awa sa sarili.

At dahil sa subrang pagkain nang emosyon sa kanya ay hindi niya napansin ang isang truck na mabilis ang andar patungo sa kanya. She tried to move the car but her reflexes is not enough kaya nabangga siya nito.

And before darkness eats her consciousness ay isang mukha lang ang nakikita niya.

Enoch

———————————
Enoch's POV

"ZOEYYYY."

Sigaw niya at isang kisap lang kitang kita niya ang pag araro nang truck sa sinasakyan nito. Dali dali siyang bumaba sa motor niya at patakbong tinungo ang kotse nang dalaga.

"No no no." Paulit ulit niyang sabi nang makita ang duguan nitong itsura. Pilit niyang binubuksan ang pinto at naluluhang dinaluhan ito. "Zoey gising. Madam gising na." He said bago tumingin sa paligid at ng may makitang mga taong papalapit sa kanila ay agad siyang sumigaw. "Please tumawag kayo nang ambulansiya."

"Zoey gising. Wag ganito madam gising na." Umiiyak na sabi niya. Binalot nang subrang takot ang buo niyang pagkatao nang hindi man lang ito nag response sa kanya.

Hindi niya alam kung gaano katagal siyang naghintay pero ang laking pasasalamat niya nang may dumating na ambulansiya.

At habang inaasekaso ng mga to si Zoey ay mahigpit niyang hawak ang kamay nang dalaga. At nang dalhin ito sa hospital ay sumama din siya, napatigil lang siya sa pagsunod dito nang ipasok ito sa loob nang operating room.

At habang naghihintay ay gusto niyang saktan ang sarili. Kung sana pumayag agad siya sa gusto nito at di na hinintay na magtampo ito ay baka nasa bahay sila at masayang nag uusap.

Putangina Enoch, putangina.

"Sir kaano ano po kayo nang pasyente?" Agad siyang napabaling sa nagsalita.

"Bakit?"

"Kailangan po kasi naming operahan si Ma'am dahil malala ang lagay niya ngayon. Kailangan po namin nang consent sa pamilya niya." Sabi nito.

And without thinking ang nagsalita na siya.

"Gawin niyo ang lahat nang makakaya niyo mabuhay lang ang asawa ko. Asawa ko siya miss, kaya gawin niyo ang lahat nang makakabuti sa kanya pakiusap."

Tumango ito bago nagpaalam sa kanya. Nanghihinang napaupo siya sa sahig sa harap nang operating room at tiningnan ang Nanginginig na kamay na puno nang dugo ni Zoey.

Madam wag mo kong iwan.

———————————####——————————

Only OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon