Chapter 11

2.2K 197 30
                                    

Zoey's POV

"Bat ang tagal mo?" Napasimangot niyang sabi nang makapasok ang binata sa opisina niya.

"Luh?"

Bumuntong hininga siya bago tiningnan ang relo. "I called you ten minutes ago enoch.. bat ngayon ka lang dumating?"

"Ay sandali lang naman madam. Baka lang naman po maisip mong traffic dito sa manila." Dahilan nito kaya tiningnan niya ito nang masama.

"Enoch nasa harap ka nang building ko nagtatrabaho. So don't make the traffic as your excuse."

Napakamot ito sa ulo habang may naglalarong ngiti sa labi. "Alam na alam ng madam ko ang schedule ko ah." He said bago ito lumapit sa kanya at inilapag ang pagkain sa harap niya. "Yan po ang dahilan madam. Kaloka toh  pinaghanda po kita nang makakain tas nagpaalam pa po ako sa amo ko at naglakad ako mula sa kabilang kalsada hanggang dito madam kaya talagang aabot nang sampung minuto yon." Malumanay nitong sabi kaya napasimangot siya.

"Tsk." She said bago nag iwas nang tingin.

"Oi nahihiya si Zoey." Pang aasar nito.

"Echosera siya." She said kaya napatawa ito.

"Lika nga. Namiss mo ako noh?" He said.

"At bakit kita mamimiss?"

Ngumiti ito bago umupo sa harap niya. "Bakit nga ba?"he said bago tila nag isip. "Ah dahil hindi kana sa bahay nakatira, dahil hindi muna nasisilayan ang kagwapohan ko pag gising mo sa umaga tas pag titimpla mo akong kape habang nag aagahan mga kapatid ko. Tas paghahanda mo akong pagkain bago ka uupo sa tabi ko tas sabay tayong kakain. Umamin ka madam namiss mong alagaan ako noh?"

Napaikot ang mata niya nang isa isahin nito ang ginagawa niya dito sa umaga. At aaminin niya namimiss nga niya yun  kahit isang araw pa naman siyang nakaalis sa bahay nito. Pero nunkang sabihin niya yun.

"Di noh."

Napa tsk ito bago umiling. "Buti di kana bata madam dahil ang batang sinungaling pinapalo sa pwet."

Namula siya bago tumayo at may kinuhang files at binigay ito dito.  The main reason why she needed him.

"Whatever enoch. Hala basahin mo na yan." Pagtataray niya para mapagtakpan ang pagkapahiya.

Napailing ito bago kinuha ang folder at nagsimula itong magbasa and it give her time to check on him. Nakaputing damit ito at ripped na jeans. Simple pero ang lakas nang dating nang lalaking to. And with the way he carry his clothes ay walang mag aakala na mahirap lang ito.

"Kung apoy ka lang at yelo ako, siguradong tunaw na tunaw na ako ngayon sa mga titig mo madam."

Namula siya bago lumapit dito at kinurot ang pisngi nito nang mariin na ikinaaray nang lalaki at ikinangisi niya. "Tantanan mo ako sa mga pasimpleng pang aasar mo ha!"

"Aray oo na madam to naman." He said at agad nitong inilayo ang mukha  nang makalapit siya. "Grabe ka madam ang sakit nun ha. Tsk but anyway, ano ba to?" Sabi nito bago itinaas ang folder.

Mukhang tapos na nito iyong basahin.

"You've read it."

"Nabasa ko nga, eh bat ako ang magdedecide madam? Malay ko ba  sa paraan nang pamamalakad mo sa negosyo mo. Pero sige ibibigay ko ang sagot ko. Maganda ang plano madam. Deserve nang mga empleyado mo ang bakasyon. Pero wag mo namang lahatin agad baka pagbalik niyo ay bumagsak na tong kumpanya niyo. Mga singkwenta katao muna tas sa susunod na buwan singkwenta ulit hanggang sa lahat nang mga tauhan mo ay naipagbakasyon mo na." Sabi nito at tumango siya.

"So sino ang uunahin ko?" She asked. Actually her plans is to take all her employees in a beach vacation foR two days. Bali team building and relaxation at the same time and all is paid.

"Mga utility mo muna madam. Magsimula ka sa mababa. Tas habang wala sila eh mag rent ka nalang nang mga taong mag lilinis nang buong kumpanya sa buong dalawang araw tas pagkatapos nila eh by department na. Wag naman yung lahat agad dahil unang una paniguradong kukulangin ang mga hotel sa dami niyo."

Tumango tango siya. Bago ngumiti dito.

"Sasamahan mo akong I announce yan diba?" She ask dahil bigla siyang tinubuan nang hiya para gumawa nG mabuti para sa mga empleyado niya.

"Eh madam may trabaho pa ako mamaya."

Agad siyang napasimangot bago tumalikod dito.

"Hays Oo na nga. Bat ba diko matiis ang babaeng to lord?" Sabi nito kaya napatawa siya bago humarap dito. "Lika nga madam. Kanina ka pa ah, dapat pag dating ko pa to pero ang hina nang signal mo dimo madetect ang gusto ng gwapong ako." He playfully said.

"At ano ang gusto nang gwapong ikaw?" She said nang humarap dito.

Ibinuka nito ang mga braso bago siya tiningnan sa mata. "Yakap madam, yan ang gusto ko na alam kung gusto mo rin."

Napailing siya bago naglakad palapit dito, she then  hug him at sabay pa silang napabuntong hininga habang nakayakap sa isat isa.

"I miss you madam."

She smiled bago umayos nang yakap dito, she leaned her head on his chest and close her eyes.

"Miss you too enoch, sa bahay mo ako matutulog mamaya ha?" Mahinang sabi niya.

"Hmmm." He answered bago siya tila isinayaw habang yakap yakap siya.

"Madam."

"Bakit?" She answered habang nakapikit parin.

"Gusto kitang isayaw nang mabagal." Pakanta nitong bulong sa kanya at he swayed. He danced with her in his arms slowly in the middle of her office. He them hum a song bago humigpit ang yakap sa kanya.

Its legit, inside his arms is surely her home. And for some reason bigla siyang natakot. Is she falling? Or did she fall already?

She opened her eyes and look at Enoch na nakatitig pala sa kanya. A smile appears on his face na nagpalakas naman ng tibok nang puso niya.

Damn Enoch

——————————####—————————

Only OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon