Enoch's POV
Napatingin siya sa babaeng kasama nang humigpit ang kapit nito sa braso niya. Papasok na sila nang looban at kitang kita niya ang nagtatakang mukha nang mga kapitbahay niya. Sino ba ang hindi eh madam na madam ang itsura ni Zoey, naka pang opisina pa ito.
"Ok ka lang." Tanong niya at tumango naman ito.
Walang mababakas na pandidiri o disgusto sa itsura nito. Bagkos mangha ang nababakas niya sa mga mata ng dalaga.
"Oi enoch jowa mo?" Tanong nang mga tambay.
"Oo brad kaya wag niyong pagtripan kundi ako makakalaban niyo." Sabi niya at sumaludo ang mga to. "Sorry madam ha kailangan kong sabihin yun para di ka pagtripan." Sabi niya.
"Ok lang." sagot nito.
"Ay ito pala ang bahay namin." Sabi niya bago ito hinila papasok sa bahay nila. Agad nag sitayuan ang mga kapatid niya na nakasalampak kanina sa sahig habang gumagawa nang mga assignment.
"Kuya."
Tumingin siya sa katabi at tinuro isa isa ang mga kapatid. "Zoey mga kapatid ko, Enzo, Ethos, Ethan at Elias." Sabi niya. At humarap siya sa mga kapatid. "Si Ate Zoey niyo, siya yung nagligtas sa akin." Sukat sa sinabi ay tumakbo at yumakap sa babae si Enzo na ikinagulat niya, pero mas nagulat siya nang sumunod ang kambal at si Elias sa pagyakap sa dalaga. "Hoyyy."
"Salamat po sa pagligtas kay Kuya ate Zoey." Sabi ni Enzo.
"Maraming salamat po ate." Sabay sabay na sabi nang mga kapatid niya kaya napakamot siya sa ulo.
"Oh tama na yan, baka di pa kayo naliligo mababahoan si——-."
"Walang anuman." Sabi ni Zoey kaya napatingin siya dito, nakangiti ito habang nakatingin sa kanya.
Putangina. Bulong niya nang tila magrambulan ang lakas ng tibok ng puso niya habang nakatitig dito.
Kumalas na sa pagkakayakap ang mga kapatid niya at manghang tumingin sa dalaga.
"Ay Elias tawagin mo nga si Aling Cecil, isama mo nadin sina boy at luningning. Papuntahin mo dito." Utos niya sa kapatid at agad naman itong sumunod.
"Pasensiya na sa bahay namin madam ha." Sabi niya nang makita ang paglibot nang tingin nito. "Kung ayaw mo dito, ok lang sa kotse mo na lang tayo mag hintay." Sabi niya.
Umiling ito bago tumingin sa kanya, "no its ok. Your house may look small pero malinis naman at homey." Sabi nito bago tumingin sa suot. "Ahm pwede makihiram nang tshirt? Masyadong pormal ang suot ko eh."
Napangisi siya bago tumango. Agad niyang hinila ang kamay nito at hawak kamay silang nagpunta sa kwarto niya. Pagkakuha nang tshirt na puti ay agad niya iyong ibinigay sa dalaga. "Ito madam. Magbihis kana, sa labas lang ako mag hihintay." Sabi niya bago lumabas nang kwarto at iwan ito.
"Kuya patulong nga nitong math ko." Sabi ni Ethos kaya agad siyang umupo sa sahig sa tabi nito at tiningnan ang assignment nito.
Kahit naman high school graduate lang siya eh maalam naman siya. Palagi kasi siyang nagbabasa nang mga libro nina Elias at minsan inaaral din niya ang mga aralin nang mga kapatid.
————————————
Zoey's POVShe look at Enoch at napangiti nang makitang seryoso itong nagtuturo sa mga kapatid nito. Kanina pa siya tapos magbihis at iniwan niya sa kwarto nito ang pang itaas na suot niya at sapatos niya kaya nakapaa lang siya ngayon.
