Chapter 16

2.4K 204 40
                                    

One year and five months Later

Enoch's POV

"Please finish that report and I want it done by tomorrow."

"Yes sir." Sabi nang department head ng finance bago nagpaalam sa kanya.

When he left ay agad niyang niluwagan ang necktie na suot at tumayo. He pick up his suit bago lumabas nang opisina.

"Cory cancel my meeting later please. Uuwi na ako." Sabi niya sa sekretarya.

"Opo sir. Ingat po." Sabi nito at tumango lang siya.

When he reach home ay napangiti siya nang makita ang kambal at ang bunso nilang tumutulong sa gawaing bahay sa malaking mansion na to. Instead of greeting them ay dumeretso na siya sa second floor at tumuloy sa master bedroom.

"Kamusta na siya Elias." Sabi niya nang makapasok.

"Kuya." Bati nang kapatid niya. "Ganun parin eh, stable naman si Ate Zoey pero wala paring kahit anong sign na magigising siya." sabi nito kaya tumango bago umupo sa gilid nang kama ni Zoey. When Elias left ay hinawakan niya ang  kamay nang dalaga at nilaro iyon gamit ang daliri niya.

"Madam gising na. Ang tagal mo nang natutulog." Mahinang sabi niya. Looking at her peacefully sleeping brings two emotions in him. One is relief dahil kahit papano eh buhay ito but two is pain dahil gustong gusto na niyang makita ang mga maldita nitong mata na laging sinasalubong ang tingin niya.

Isat kalahating taon ang nagdaan at masasabi niyang ang laki nang nagbago sa buhay nila. He runs Zoey's business now at nakatira silang magkakapatid sa mansion nito. Not that he wants too but he doesn't have a choice.

Nung tinawagan niya ang sekretarya nito at sinabi ang lagay nang dalaga ay biglang may attorney na nagpakita sa kanya sa hospital at sinabing nakasaad sa testamento nang dalaga na kung may mangyayari dito ay siya ang gagamit o mamamalakad nang buong kumpanya nito. So the lawyer ask someone to train him in a short period of time

Mahirap pero kinaya niya, there are times na halos dalawang araw siyang walang tulog para lang mapag aralan ang pasikot sikot nang kumpanya nang dalaga, he needs to know everything hindi para sa sarili kundi para sa dalaga para pag gising nito eh buhay na buhay at nakatayo pa ang kumpanyang pinaghirapan nito at nang mahal nitong lolo. At pagkaya na nang madam niya he will gladly give her back her company.

And her parents? Tsk mas umusbong ang awa niya sa dalaga nang mula sa unang araw nang aksidente nito eh isang beses lang ito dinalaw nang magulang nito. If only he have the right to talk back ay baka nasagot na niya ang nanay nito nang sabihin nitong nagpapapansin lang si zoey kaya na aksidente. At busy daw ang mga ito buhay nang mga to at isang tinik sa lalamunan nang mga to kung pati si Zoey eh aalahanin pa. He never expected her parents to act so careless about their daughter but they did. Kitang kita niya ang kawalan ng amor nang nanay at tatay nang dalaga. And when the doctor said that she's alive ay umalis ang mga to at di na bumalik pa.

And looking at Zoey now bigla niyang naalala ang sinabi nang doctor sa kanya. Na its up to Zoey now if she wanna wake up. Sabi nito ang mga pasyente na nahuhulog sa malalim na pagkakatulog ay maraming dahilan, one is brain injury but they already did operation on Zoey kaya ang malaking factor ngayon ay baka wala nang dahilan pa na nakikita ang dalaga para magising sa magulong mundo. Pero hindi siya sumuko, alam gigising din ang madam niya. Kailangan nitong gumising para sa kanya.

"Madam saan ka ba namamasyal diyan sa panaginip mo? Uwi na at imulat mo na yang mata mo. Naghihintay na sayo ang gwapong asawa mo oh." He said bago napangiti.

Yes asawa. Her lawyer said he can pull some strings para iparehistro ang kasal nila ni Zoey kahit pa tulog ito and we just gonna use her fingerprint instead of signature. Plus we have to do it para hindi magtaka ang mga investors nang kumpanya nito sa biglaan niyang pagsulpot sa mundo nang mga negosyante. So here they are he was married to the great Zoey Entrata. And for some reason in felts so damn right. But when Zoey wake up at gusto nitong makawala sa kanya he would gladly sign an annulment paper. Dahil siya parin naman si Enoch na mahirap. Wala parin naman siyang narating at hindi parin siya nababagay sa madam niya.

Napakurap kurap siya nang makita niya ang pag galaw ng kamay nito,  "madam? Oh god madam nadidinig mo ba ako? Isang galaw pa nang daliri madam." Masuyo at may pag asang sabi niya. At halos maiyak siya nang gumalaw nga ulit ang kamay nito. "Elias Elias." Sigaw niya at agad namang pumasok ang kapatid niya.

"Ate Zoey." Gulat nitong sabi kaya napatingin siya mukha ni Zoey at gulat nang makitang mulat iyon at deretsong nakatingin sa kanya. "Kuya tatawag lang ako nang doctor."

"Madam." He said bago humarap dito. Nag uulap ang mga mata niya at subrang kabog nang puso niya habang nakatunghay dito. "Oh god salamat po." He whispered bago niyakap ang dalaga.

Nang humiwalay siya ay tiningnan niya ang mga mata nitong nakatingin parin sa kanya. "do you still remember me madam? Damn Are you having an amnesia now, its me Enoch."

Akala niya di ito sasagot pero nang bumukas ang labi nito ay agad siyang napangiti at napayakap dito dahil sa sagot nito.

"N-Nag eenglish ka na."
——————————####———————————

Only OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon