Chapter 8

2.1K 183 34
                                    

Enoch's POV

"Madam dala mo ba ang buong mansion mo?" Tanong niya ng makita ang halos sampung maleta na ipinasok nang mga tauhan nito sa bahay niya.

Tila nahiya ito. "Ahm kulang pa ba? Mga damit ko kasi yan lahat."

Napatampal siya sa noo bago tumingin sa mga kapatid niyang nakatingin sa kanila. "Madam isang lingo ka lang diba kasi sabi mo walang mag mamanage nang kumpanya mo? Eh bat parang panghabang buhay mo nang mga gamit yan?" Sabi niya.

Nang makitang mas namula ito ay napailing siya bago hinawakan ang kamay nito. "Umamin ka madam, may balak ka bang wag na umalis sa bahay namin?" Tanong niya at agad napahalakhak ng samaan siya nito nang tingin. "Joke lang. Hala upo ka muna iaayos ko mga gamit mo sa kwarto." Sabi niya bago ito inalalayang maupo.

Pagkatapos ipasok ang lahat nang gamit nito ay nakita niyang tila tsinicheck nito ang buong paligid ng bahay nila. Kahit nakaupo lang ito sa upuan ay lumalabas talaga dito ang awrang mayaman at masungit. Kaya minsan nakakapagtaka na nakikisama ito sa isang tulad niya.

"Nga pala sa kwarto ko ikaw matulog, tas dito naman kami sa sala ni Bunso." Nagtataka itong tumingin sa kanya. "Dalawa lang kasi ang kwarto namin, ayaw naman kitang patulugin sa sala."

Ngumiti ito bago tumango. "Salamat enoch."

Tumango siya bago lumapit dito. "So anong plano madam? Anong buhay mahirap ang gusto mong maranansan?"

"First dahil isang linggo lang ako dito, isang libo lang din ang dala kung pera." Sabi nito at napangiti siya nang tila tuwang tuwa itong ipakita ang pera sa kanya. "Sabi mo I should live like how you guys live diba? Don't treat me like a princess Enoch,"

Umiling siya bago nangalumbaba para matitigan ito. "Di naman kita itatratong prinsesa madam, reyna ka wag mong ibaba ang level mo." Sabi niya bago umayos nang upo. "Tsaka ang hirap nito sakin ha? Paano kita di matatrato na parang maharlika eh ikaw ang aking reyna?"

"Enoch!!!"

"Hahahaha totoo naman kasi madam. Pero hala sige ayaw mong tratohin kitang reyna, pwes misis nalang. Sige nga bahay bahayan nalang tayo. Ikaw misis ko ako mister mo, tas mga kapatid ko ang mga anak natin." Sabi niya at ang sarap pangigilang lang pisngi nito nang mamula iyon. "Ayaw mo madam? Sayang din tong kagwapuhan ko, ayaw din naman kitang maging kapatid. Asawa nalang talaga ang option."

Ngumuso ito. "Asawa talaga? Di ba pwedeng tenant lang ako dito?" Reklamo nito kaya napatawa siya.

"Ang sakit madam, nireject mo offer ko." Nakangisi niyang sabi bago tumango. "Oo na tenant na kung tenant. At dahil first day mo sige nga magluto ka nang pananghalian natin. Nasa school mga kapatid ko kaya tayo lang ang kakain."

Sa pagtataka niya ay tila natakot ito. "Oa sa reaksiyon madam wala akong balak na mag take advantage sayo."

"Di naman yun ang kinatatakot ko eh." Mahinang sabi nito. "Enoch!!! Di ako marunong mag luto."

"Seryoso?" Tanong niya nang tumango ito ay napatampal siya sa noo at napabuntong hininga. Tumayo siya at hinila ito patayo. "Halika." Sabi niya bago hinawakan ang kamay nito at hinila papuntang kusina.

"What are we going to do here?"

"Magluluto madam."

"But I don't know how to cook." Reklamo nito kaya napangisi siya. Inilapit niya ang mukha dito bago bumulong.

"Pwes matototo ka ngayon. Tuturuan ng gwapong mister ang kanyang malareynang misis."

—————————####——————————
Bat ang cute??? Hahahahahaha have you ever meet someone na subrang kumportable mo lang na tipong matagal na kayong magkakilala kahit di naman?

Only OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon