Chapter 14

2.1K 192 17
                                    

Enoch's POV

"Si Zoey?" Tanong niya sa sekretarya nito.

"Nasa loob po sir. At mukhang galit." Tila natatakot nitong sabi kaya napailing siya.

He decided na bisitahin ito dahil dalawang araw na silang di nagkikita. Puro tawag lang sa cellphone at hindi siya nakokontento. Gusto niyang masilayan ang mukha nito at ang kamditahan nito.

"Pwede bang pumasok?" He ask at agad na nagsitango ang mga sekretarya ni Zoey.

Ilang beses naba siyang nagpunta dito? Madami na kaya kilalang kilala na siya nang mga empleyado nang dalaga.

Kumatok muna siya bago dahan dahang binuksan ang opisina nito. Agad siyang napangiwi nang madinig ang pakikipag usap nito sa kung sino man.

"Damn it, will better do something about it or I'll be flying there tonight and skin you alive. I want a good result in five hours. Wag na wag mo akong gagalitin Mr. Chan dahil dimo ako kilala pag galit." Singhal nito sa kung sino man si Mr. Chan bago nito padabog na binaba ang telepono.

"Madam." Tawag niya at agad siyang napangiti nang salubungin nang napasimangot itong itsura ang mga mata niya. Pumasok na siya nang tuluyan at lumapit dito. "Ok ka lang?"

Ngumuso ito bago umiling.

"Hays kawawa naman ang madam ko. Halika nga." Sabi niya at agad naman itong tumayo at yumakap sa kanya. Bumuntong hininga siya nang maramdaman ang yakap nito. "Relax ok? Being mad to someone won't help anything, mas magkakamali ang mga inuutusan mo pag galit ka dahil natataranta sila." Malumanay niyang sabi bago ito hinalikan sa buhok.

"Tsk." Sagot nito kaya napangiti siya.

"Namiss kita kaya ako nagpunta dito." He said na agad nagpangiti dito.

"Sa bahay ako uuwi mamaya enoch." She said patukoy sa bahay niya na mukhang pag aari nadin nito. Maka angkin wagas eh. Pero ok lang naman.

"Hmm hintayin nalang kita para sabay tayo."

"Magjejeep tayo?" She ask kaya agad siyang umiling.

"Sweldo ko ngayon madam kaya Syempre mag tatricycle tayo." Sabi niya at agad siyang napahalakhak nang sumimangot ito. "Oo na mag jejeep na."

When Zoey smile ay agad na nakaramdam siya nang saya. Napaka dali nitong pasayahin at talagang nagulat siya sa pag akap nito sa simpleng buhay niya. Ni hindi niya ito kinakitaan nang pandidiri o Ano. Kaya nga mahal na mahal ito nang mga kapitbahay niya dahil marunong itong makisama.

Plus ang sarap kayang umuwi sa bahay habang may naghihintay sayo. Oo na aaminin na niya, nagayuma ata siya nang kamandag nang madam niya. Pero alam niyang suntok sa buwan ang pangarapin nito. Mulat naman siya at alam niyang subrang layo nang agwat nila. Hindi ang kagaya niya ang nababagay dito.

Kaya nakukuntento na siya sa relasyong meron sila ngayon. Bah siya lang ang bukod tanging lalaki na nakakaakap at halik sa noo nito. Swerte na siya kung tutuusin. Kaya kahit mahirap magpigil minsan ay pilit niyang pinapaalala sa sarili na langit ito at mahirap abutin ang langit. Gwapo lang siya pero kulang na kulang yun.

"Natahimik ka." Zoey said.

Ngumiti siya bago tinitigan ang buo nitong itsura. "Ang swerte ko dahil nakilala kita madam. Subrang swerte." Sabi niya at totoo yun. Minus ang kayamanan nito kung naging kasing level niya lang si Zoey baka niligawan na niya ito.

Ngayo kahit gustohin niya ay pinipigil siya nang realidad na hindi sila magkalevel.

And it sucks, maniwala kayo inglis yun.

—————————-####——————————-

Only OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon