Zoey's POV
"ENOCHHHHH."
"HAHAHAHAHAHA."
Inis na hinampas niya ang lalaki kaya napa aray ito at napatigil sa pagtawa. Akala niya kasi binuksan nito ang bottled water niya para makainom siya pero ito ang uminom doon.
"Ang sama mo." She said.
"Sorry na madam." Sabi nito pero halatang naaaliw sa inis niyang itsura.
Nasa labas sila nang condo dahil tinext niya ito at agad naman itong nagpunta. Alas onse na nang gabi pero talagang natuwa siya nang walang pag dadalawang isip itong nagpunta.
Umirap siya bago sumandal sa motor nito. "Uwi ka na nga." She said.
Napakamot ito nang ulo bago may kinuha sa bulsa nito. When she look at it isa iyong candy.
"Sorry na, bati na tayo madam." Sabi nito bago tumabi nang sandal sa kanya. Napailing siya pero kinuha niya ang candy na bigay nito. "Ano nga pala kailangan mo?"
"Wala lang. eh ikaw bat ka agad nagpunta dito?"
Ngumiti ito bago tumingin sa kanya. "Paano ko di pupuntahan ang taong dahilan nang pangalawang buhay ko? I owe you my life Zoey maniwala ka english yun."
Napailing siya bago tumingin sa kalsada. "Your thank you is enough enoch. Maniwala ka din dahil english yun." She said na ikinahalakhak nito.
She felt jealous habang nakatitig dito. Wala namang nakakatawa sa sinabi niya pero ang saya nitong tingnan. Bumuntong hininga sjya bago pumikit.
"Gusto mong mag roadtest? Palibot lang dito." Sabi nito. She look at him bago tumango.
Habang angkas sa motor nito ay inilibot siya nito bali limang block ang layo sa condo niya. She was about to ask him to go home na nang bigla itong huminto.
"Bakit?" She ask pero di ito sumagot.
"Boy." Sigaw nito patawag sa isang bata na may bitbit na basket.
"Oi kuya enoch kamusta po." She look at the kid and saw na nasa mga sampu o eleven years old lang ito.
"Ok lang. Bat nasa labas ka pa? Diba may pasok ka pa bukas?" Enoch said.
Nakatingin lang siya sa mga ito at nakikinig.
Napakamot nang ulo ang bata bago tumingin sa dala nitong basket. "Tumigil na ako kuya. Nagkasakit kasi si luningning, tas kulang ang pera ni nanay pang gastos sa amin kaya kailangan kong maglako nang balot para makatulong."
Parang kinurot ang puso niya sa nadinig.
"Tsk madami pa ba yan——."
"Kumain kana bata?" Singit niya sa usapan.
Tila noon lang napansin na andun siya. "Hala syota mo kuya?"
Napailing siya pero hindi si Enoch. "Bagay ba kami boy?" Nakangisi nitong tanong sa bata.
"Opo." Sagot nito kaya kinurot niya si Enoch na nagpahalakhak dito.
"Oo na ma'am titigil na." Nakangiti nitong sabi bago hinarap ulit ang bata. "Kumain ka na?"
"Di pa po kuya."
Napabuntong hininga siya bago tumingin sa paligid. "Halika ka kain tayo." She said na nagpagulat sa dalawa. "What?" She ask Enoch.
"Libre mo madam? Singkwenta lang pera ko eh.. Fishball lang kaya ko." Sabi nito kaya napa iling siya.
"Tsk tara na." She said bago tumingin sa bata. "Lika dito ka sa gitna maupo." She said at inalalayan itong makaupo bago siya umupo sa likod nito. "Doon tayo sa mcdo Enoch." She said dahil malapit lang yun dito nasa dulong kalsada lang.
Nang makarating sila nang mcdo ay pinaorder niya ang bata nang gusto nitong kainin. Its also her first time to come here kaya naninibago siya. When they get their food ay agad silang umupo at nakapangalumbabang nakatingin ang siya sa batang ganadong kumain. Mukhang gutom nga talaga ito.
"Salamat ate." Sabi nang bata nang mapatingin ito sa kanya. "First time ko pong makakain dito, mahal kasi ang mga pagkain eh." Sabi nito na ikinalungkot niya.
"Gusto mo bang mag aral ulit?"
————————————-
Enoch's POVNapabaling siya kay Zoey dahil sa itinanong nito sa bata.
"Opo, pero di po pwede eh. Wala pong makakatulong si Nanay sa pagtatrabaho para may makain kami."
Kitang kita niya ang awa sa mga mata nang dalaga habang nakatitig kay boy. Kaya mas minabuti niyang Tumahimik nalang at makinig.
"Asan ba ang tatay mo?"
"Patay na po ate. Kami nalang po nila nanay at luningning ang magkasama."
Napatda siya nang tumingin si Zoey sa kanya. "Kilala mo ba ang nanay niya?" Tanong nito.
Tumango siya bago sumandal nang maayos sa upuan. "Oo naman. Kapit bahay ko yan eh." Sabi niya.
Tumango ito bago tila nag isip. "Ok pwede ba akong mag punta sa lugar niyo?" Tanong nito.
"Bakit?"
"Gusto kong makita kung saan kayo nakatira." Sagot nito.
"May balak ka bang manligaw sakin ha madam?" Tanong niya at nang manlaki ang mga mata nito ay agad siyang napahalakhak na umani nang hampas mula dito. "Joke lang." sabi niya pero umirap lang ito bilang sagot.
Tumikhim siya bago sumeryoso. "Bakit muna kasi madam?"
"I wanna see and meet his mom. Gusto ko siyang pag aralin Enoch. Napakabata pa niya para maglako nang paninda sa kalsada and worst gabi pa napakadilikado."
Napangiti siya bago tumango. "Anghel ngang tunay." Sabi niya.
"What?"
"Wala, ang sabi ko oo na. Bukas na bukas din ipapasyal kita sa lugar namin." Sabi niya.
At sa unang pagkakataon ay ngumiti ito sa kanya. "Salamat Enoch."
Dug Dug Dug
Putangina
———————————####——————————
![](https://img.wattpad.com/cover/203208736-288-k530422.jpg)