Zoey's POV
Agad niyang nginuya ang pagkaing isinubo ni Enoch sa kanya. Nasa may kusina sila nang bahay nito at ini enjoy ang pagkain na niluto ni Aling cecil.
"Tas sabi nga nang kaklase ko ate na sabay daw kaming mag pasa nang application form para makapagduty sa M.E hospital." Elias said kaya napangiti siya.
"Ipasa niyo nalang sa akin at ako na mag eendorse sa HR doon." She said at ngumanga ulit nang may isubo na naman si Enoch.
"Talaga po? Kilala mo po ang may ari?" Tumango siya bago kukuha sana nang tubig nang may baso na lumitaw sa harap niya curtesy of Enoch. Ininom niya iyon bago humarap kay Elias.
"Hmm." She said bago ngumiti dito. "Basta sabihin mo sa kaklase mo na ipasa sayo at ipasa mo naman sa akin ang mga application letter niyo ako nang bahala." Sabi niya na ikinatuwa nito at agad itong nagpaalam sa kanila.
"Salamat madam ha." Enoch said kaya ngumiti siya dito at di na nagsalita. Bukal naman sa loob niya ang sinabi, isa pa sa ilang araw na nakasama niya ang mga ito masasabi niyang matalino at talagang pursigedo ang magkakapatid na makaahon sa buhay. "Oh huling subo na." He said kaya tumango siya at kinain ang isinubo nitong pagkain.
Nahihiya siya nung una pero mapilit ito na subuan siya, kabayaran daw iyon nang pag iyak niya. Nakakahiya tuloy, but... she loves the attention enoch is giving her.
"Dito ka matutulog madam?" Tanong nito at kahit gusto niyang tumango ay umiling siya.
"May tatapusin pa akong trabaho eh." She said at agad siyang napangiti nang hilahin siya nito patayo at sabay silang nagpunta sa sala at sabay na umupo sa sofa.
"Enoch." Tawag niya dito nang iangat nito ang dalawang paa niya at ilagay iyon sa kandungan nito at sinimulang masahein.
"Hmmm."
"Your pampering me too much, spoiled na spoiled na ako sayo today." She said pero ngumiti lang ito. Gwapong ngiti.
"Napaiyak ko kasi ang madam ko. Eh nangako pa naman akong pasasayahin siya kaya ito ang paraan ko nang pagbabayad sa luhang naitulo mo kanina."
"Di na naman kailangan eh." She said.
"Kailangan madam. Reyna kita kaya hayaan mo nalang ako." Malambing nitong sabi kaya napaiwas siya nang tingin dito.
Tangna naman enoch.
"Nga pala bat ka nagpunta dito?" He ask.
"Ay oo nga nakalimutan ko. I came here to ask you if you know anyone that can cook big servings of food. I can ask for a catering but if you know someone might as well hire them, para may pagkakitaan naman sila." She said at napabuntong hininga dahil sa sarap nang pagmasahe nito sa paa niya.
"Naman madam. Sina aleng tikla at mga ka binggo niya ang laging nagluluto sa bahay nina kapitan pag may malaking handaan. Pero para saan ba yan?" Tanong nito.
"Sa opisina. Dahil subrang busy namin this past few days baka matagalan pa ang bakasyon na pinaplano ko sa kanila kaya magpapakain nalang ako sa lahat. From lunch to snack at dinner." Kaswal niyang sabi.
"Ay ang bait naman talaga nang madam ko." Nakangiti nitong sabi kaya napangiti din siya.
"Ok na." She said patukoy sa pagmamasahe nito sa paa niya.
"Babalik kana sa opisina mo?"
Tumango siya. "Yeah I have a meeting at 7 pm."
Napailing ito bago tumayo at may kinuhang sapatos sa kwarto nito. He then kneel infront of her at isinuot sa kanya ang sapatos nito. The shoes is big for her but seeing him do this melts her.
"Yan muna suotin mo madam ha? Hahanapin ko muna sa kalsada ang sapatos mo na naitapon mo kanina." He said bago tumayo.
Aalis na sana ito nang tawagin niya.
"Enoch."
"Bakit?"
Ngumiti siya bago lumapit dito at tumingkayad para mahalikan ito sa pisngi.
"Salamat."
——————————####——————————
Huling update today..5:40 am na dito hahahahah matutulog na ako.
