The Deal - Night Before

68.2K 839 8
                                    




SHE was sitting on her favorite spot inside the noisy but cozy bar while sipping the usual bottle of wine she likes. Pinapanood niya ang mga taong nagpapakawala sa dance floor. May mga kababaihang nakikipaglandian sa mga lalaking nakakasayaw. Meron din naman na walang pakialam sa paligid basta sila ay nagsasayaw.

Kanina pa siya naroon at maraming iniisip. Alam niyang hindi magandang lugar ang bar para mag-isip but for her this is the perfect place to clear her thoughts. Although minsan napuputol ang pag-iisip niya ng mga bagay na nasa paligid niya. Katulad na lang ng grupo ng kabatan na nakatingin sa kanya ngayon. Iniayos niya ang pagkakasuot ng salamin saka bumaling sa kabilang dako ng bar para maiwasan ang mga mata ng mga kabataang nakatingin sa kanya. But it's too late.

"Excuse me po. Pwede po ba magpapicture?"

Pilit siyang ngumiti at tumango. Agad namang pumwesto sa tabi niya ang apat na babaeng abot tenga ang ngiti.

"Ang ganda niyo po talaga sa personal, Miss Rika. Idol na idol ko po kayo."

"Lagi ko pong pinapanood ang teleserye niyo."

"Pwede po bang pa-autograph po dito. " Iniabot sa kanya ng isang babae ang sling bag nito at pentelpen. She saw her photos on the teen's bag. Hindi masyadong halata na idolo nga siya nito. Kinuha niya ito at pinirmahan.

"Thank you po." Nagtatatalon sa sobrang saya ang babae habang yakap ang bag na may pirma niya.

"Welcome," aniya saka umahon mula sa kinauupuan at umalis habang abala pa ang mga kabataan sa kasiyahan.

Nagtungo siya sa ladies room para ayusin ang disguise na suot. She needs it. Being an actress is not an easy job. She has no privacy and everyone is waiting for a news about her. At present, she's making a teleserye with another famous actor who happened to be his boyfriend also. Dylan Brusa is her long time boyfriend. They've been together for seven years and she's been waiting for Dylan to get down on his knees and put a ring on her finger but it looks like she'll be waiting for another year for it. Ok naman sila nito kaya nagtataka siya kung bakit hindi pa nauuwi sa kasal ang maayos naman nilang relasyon.

They love each other at financially stable naman sila. Kahit nga hindi na sila mag-artista ay kaya nilang bumuhay ng isang pamilya kaya nagtataka siya kung bakit hindi pa siya nito niyayaya na magpakasal. Wala naman siyang makitang dahilan para masira ang relasyon nila not until tonight when a little bird told her that Dylan is with another woman. Gusto niyang patunayan sa chismosang nagpadala sa kanya ng litrato ni Dylan at ng babae na hindi siya niloloko ng kasintahan.

She's here to prove that her man will never cheat on her. Malas nga lang dahil may nakakilala sa kanya. Huwag sanang makarating sa mga kasama ni Dylan na narito siya or else masisira ang plano niya.

Muli siyang humarap sa salamin para tingnan ang sarili. Hindi naman niya ito gagawin kung hindi dahil sa masamang kutob na nararamdaman niya.

Mabilis siyang pumasok sa isa sa mga cubicle nang may pumasok na isang babae sa ladies room. May kausap sa cellphone ang babae kaya sigurado siyang hindi na nito napansin ang mukha niya.

Ang mga sumunod na pangyayari ang hindi niya inaasahan.

"Yeah, babe. I'm already here. Nasaan ka na ba? Tinawagan ko si Tita Paloma kanina, wala na daw kayong taping. So what's taking you so long?"

Tita Paloma is Dylan's manager. Mukhang tama ang ibon na nagsabi sa kanya na may ibang babae si Dylan. Base sa boses nito mukhang kilala niya ito at malapit ito sa kanila ni Dylan.

"Dylan babe, hihintayin kita dito sa favorite bar natin. We will have a wonderful night tonight. Just make sure your boring girlfriend won't know anything about this. Bakit kasi hindi mo pa hiwalayan ang Rika na 'yon. She's a loser. Kung hindi lang ako nag-give way sa teleserye project na 'yon baka ako ang leading lady mo. Such a regret on my part."

Accidentally Married a BillionaireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon