13 - Home Sweet Home

21.5K 544 6
                                    

  
   
   
GABI NA NANG marating nila ang bahay na tinirhan nila ng ina.

Makikita sa bahay ang kalungkutan. Ilang taon na rin na hindi niya ito nabibisita. Walang pinagbago ang bahay na kinalakhan niya kasama ang ina sa loob ng labing-isang taon.

"Home sweet home," aniya nang makababa ng sasakyan.

Hindi kalakihan ang bahay na iyon. It was just a two storey house like any other house of ordinary people. Yari sa kahoy ang bahay. Kung tutuusin ay antigo ang bahay na iyon dahil namana pa iyon ng ina sa mga magulang nito.

Maayos naman ang paligid ng bahay. Mukhang naaalagaan ito ng matalik na kaibigan ng kanyang Mama na pinagbilinan niya ng bahay bago siya lumuwas ng Maynila.

"Is this the place where you grew up?"

Napatingin siya kay Jaxin na manghang-mangha sa nakikita.

"Yes, pasok na tayo." Lumikha ng ingay ang gate nang buksan niya ito. Hinintay niyang makapasok si Jaxin bago iyon muling isinara. "Nasaan na nga pala sina Sean?"

Wala na kasi ang kotse na minamaneho nito na kasunod lang nila kanina.

"They're on their position to keep you safe."

"Keep me safe from whom?"

"From your father and his allies."

Napakunot ang noo niya habang naglalakad sila palapit sa kabahayan. Malawak ang palibot ng kabahayan dahil mahilig sila ng ina na magtanim ng mga bulaklak. That's their hobby as well as bonding.

"Kaya ba talaga akong ipahamak ng ama ko?"

Huminto siya sa paglalakad nang huminto si Jaxin at tumingin sa kanya.

"Yes, he can especially his allies. Maraming illegal na trabaho ang ama mo Harika. Mga trabaho na pwedeng ikapahamak mo at ng pamilya niya pero wala kang dapat ipag-alala dahil hindi kita hahayaang mapahamak."

Napatango na lamang siya sa sinabi ni Jaxin. Sa ngayon wala siyang ibang pinagkakatiwalaan maliban sa kanyang asawa. Siya lang ang kakampi na mayroon siya.

Kinuha niya ang lumang susi ng bahay mula sa kanyang bag saka binuksan ang pinto. Bumungad sa kanila ang tahimik na kabahayan.

She reached for the main switch para magakaroon ng kuryente ang buong bahay. Kahit madilim ay kabisadong kabisado niya pa rin ang pasikot-sikot sa bahay. Wala naman kasing nagbago. Lights filled the house. Muli niyang nakita ang mga lumang muwebles at kagamitan na naroon. Maging ang mga litrato at malalaking larawan ng ina at ng mga magulang nito ay naroon pa rin.

"I missed this place," aniya habang inililibot ang tingin sa bahay. "Walang nagbago at naalagaang mabuti ang bahay."

"Is she your mom?" Tinuro ni Jaxin ang larawan ng isang ginang na nakapinta. Nakasabit ito sa may hagdan patungo sa ikalawang palapag.

"Yes. She's Jenny Cuenco, my mom. Mom, this Jaxin Del Mundo, my husband." Nakangiti niyang pinagmasdan ang larawan ng ina na nakangiti at bakas ang kasiyahan sa maamong mukha.

"You look like your mother."

"Yan din ang sabi ng nakararami. I am a great resemblance of my mother. Parang wala nga daw ako nakuhang feature mula sa aking ama."

Ipinasok ni Jaxin ang mga gamit niya pero napansin niya na wala itong gamit na dala.

"You don't have your things with you?" tanong niya rito.

Napakamot naman ito sa ulo at nahihiyang ngumiti.

"Nagmamadali kasi ako na makapunta rito kanina kaya nakalimutan ko nang mag-impake. Inutusan ko na din naman si Sean na bumili ng mga gamit ko. I just hope he found a store at this hour."

Naiiling na lamang siya sa asawa. Pasado alas-siete na ng gabi kaya sigurado siyang wala nang mabibilhan ng mga damit si Sean. Wala pa naman siyang mga extrang damit na panlalaki sa bahay.

"Rika?? Ikaw ba iyan, ineng?"

Sabay silang napalingon ni Jaxin sa pinanggalingan ng boses. Isang babaeng nasa katanghalian na ang edad ang nakatayo sa may pinto at nakatingin sa kanya. Ilang segundo pa bago niya ito nakilala.

"Tita Cielo!"

Sinugod niya ng yakap ang ginang na gumanti naman ng mahigpit na yakap sa kanya.

"Nakakatuwa naman na makita kang narito sa bahay ng Mama mo. Sandali, nagkita na ba kayo ng iyong ama. Balitang-balita sa baryo na ika'y lumagay na sa tahimik. Naku, anong galit ng iyong ama ng malaman iyon. Ako'y natakot para sa iyo, ineng."

"Nagkaharap na po kami ni Papa, Tita. At nagpapasalamat po ako sa aking asawa dahil hindi niya ako pinabayaan na masaktan ni Papa." Tiningnan niya si Jaxin na abala sa pagtanggal ng mga puting tela na nakabalot sa ibang mga gamit na naroon.

"Siya ba ang asawa mo?"

Tumango siya bilang tugon.

"Babe.." tawag niya sa asawa na agad na tumingin sa kanya. Sinenyasan niya ito na lumapit sa kanila ng ginang. "Ito nga pala si Tita Cielo, best friend siya ni Mama at siya din ang nag-aalaga dito sa bahay noong wala ako."

"Magandang gabi po," bati nito sa ginang.

"Tita, siya naman po si Jaxin, ang asawa ko po."

"Aba! Ay kagwapong bata naman pala ang napangasawa mo, ineng. Kung nabubuhay ang iyong Mama tiyak na matutuwa iyon. Mukhang mabait at maalaga ang asawa mo."

"Maswerte po ako sa asawa ko dahil lagi siyang nasa tabi ko at hindi ako pinapabayaan," wika niya kasabay ng ngiti na mula sa puso niyang kinikilig.

"I will always be beside you, babe," wika pa nito na mas nagpakilig sa puso niya.

"Kayo ba ay naghapunan na? May inihanda ang iyong Tito na hapunan, ipagdadala ko kayo. Sandali lamang."

Umalis ang ginang at nagtungo sa bahay nito na katapat lamang ng bahay nila.

She turned to Jaxin to see him looking at her.

"What?" tanong niya rito dahil titig na titig ito sa kanya.

"Do you mean what you said earlier? That you're lucky to have me?"

"Yes, I mean it. Nagbago ang buhay ko nang dumating ka. It was a chaos at first but later on I found a blessing in disguise in you."

Natatakot siya na baka isipin ni Jaxin na tinitake for granted niya ito at ang pagiging mag-asawa nila.

"Malapit ko nang isipin na nagugustuhan mo na ako," wika nito.

"Bawal ba?"

Jaxin looked at her. Nagtama ang kanilang mga mata at nagsasaya ang kanyang puso sa hindi niya malamang dahilan. Alam niyang hinahangaan niya ang asawa at malaki ang posibilidad na mahulog ang loob niya rito. Ang kinakatakot niya ay ang posibilidad na hindi nitonkayang suklian ang kanyang nararamdaman. Hindi niya pa lubusang kilala ang asawa at wala siyang masyadong alam rito. Malay niya ba na katulad ito ni Dylan na lolokohin lang siya.

She must stop whatever she's feeling right now.

Nag-iwas siyavng tingin at akmang lalayo nang hapitin siya palapit ng asawa at ikulong sa mga bisig nito. Ramdam niya ang init ng katawan nito dahil sa pagkakayakap nito sa kanya.

"I like you, Rika."
  
   
   
    
= = = = = = = = = = = = = = = =

Accidentally Married a BillionaireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon