6 - Approved

23.9K 527 5
                                    

  
   
    
ABALA sila ni Margaux sa pag-aalmusal nang tumunog ang doorbell. Siya na ang nagbukas dahil siya ang mas malapit sa direksiyon ng pinto.

Nang buksan niya ang pinto ay nanlaki ang kanyang mata sa taong nasa harap niya.

"Jaxin.."

Hindi niya inaasahan ang presensiya nito nang napakaaga. Mukhang may mahalaga itong pakay kaya sinadya siya sa condo.

"Anong ginagawa mo dito?" tanong niya rito.

Hindi ito sumagot bagkus ay pumasok ito sa loob ng condo nila at sinuyod ng tingin ang kabuuan nito.

"Boss, ang aga naman yata ng pagsundo mo sa asawa mo? Excited ba?" Nakasilip mula sa maliit nilang dining area si Margaux habang kumakain ng mansanas at itlog.

"Mabuti na ang maaga baka takasan ako ng kaibigan mo." Jaxin looked at her suspiciously.

"Teka lang ha? Bakit parang pakiramdam ko ay pinagkakaisahan ninyo ako?" Isinara niya ang pinto at binalingan si Margaux. "Margaux, anong ibig mong sabihin na susunduin ako ni Jaxin? I have no idea about that."

"Hindi ko na nasabi sa iyo kagabi, friend. Nakakatakot ka kasi baka mapektusan mo na naman ako. Kaya ito surprise na lang. Lilipat na tayo sa bahay niyo ni Jaxin. Ayoko nga sana sumama pero inalala ka pa rin ng asawa mo na baka hindi ka maging komportable kaya naman pinayagan niya akong tumira doon for a month para samahan kang masanay bilang Mrs. Del Mundo." Humagikhik pa ito bago muling kumubli sa wooden carvings na division ng living area at dining area.

"Are you serious?" baling naman niya kay Jaxin.

"Yes, I am serious. So pack your things and we will go," wika nito saka siya nilampasan at naupo sa couch.

She was left dumbfounded. Hindi siya makapaniwala sa nangyayari. Siya? Titira sa bahay ni Jaxin bilang asawa nito? No way!

Can't you just do him a favor. Kapalit ng lahat ng pabor na ginawa niya para sa iyo sa nakalipas na tatlong taon. She wanted to protest to her inner thought but on a second thought, may punto ito.

Ito lang ang hinihiling na pabor ni Jaxin. Wala naman mawawala sa kanya kung titira sila sa iisang bahay. Not unless may iba pa itong gustong mangyari which is hindi niya papayagan.

"Fine," aniya at naglakas pabalik sa kusina para ligpitin ang pinagkainan niya.

Namimilog naman ang mata na sumalubong sa kanya si Margaux.

"Totoo ba ang narinig ko? Sumang-ayon ka sa desisyon ng asawa mo," halos pabulong na nitong wika.

"Ito lang ang magagawa ko kapalit ng lahat ng ginawa niya para sa akin sa tatlong taon na wala akong alam sa tunay naming relasyon. I'm just doing him a favor." Pagkasabi non ay nagtungo na siya sa silid para mag-impake ngunit laking gulat niya nang makita ang tatlong malalaking maleta sa ibabaw ng kanyang kama. "Margaux!!" tawag niya sa kaibigan.

Lumapit ito sa kanya. "Yes??"

Itinuro niya ang mga maleta.

"Oh! Nakalimutan ko, tapos na nga pala tayong mag-impake. Ginawa ko na kanina habang nagluluto at naliligo ka. Galing ko diba?" Pumalakpak pa ito bago umalis at nagtungo sa sala kung saan naghihintay pa rin si Jaxin.

Napailing na lang siya at hinila ang isang maleta. Pero mukhang kakalas ang mga buto niya sa bigat ng mga maleta. May mga boxes pa na nasa sahig dahil sa mga sapatos at bags nilang magkaibigan.

"Leave it there. Magpapadala na lang ako ng tao para kunin ang mga gamit niyo. Let's go." Hindi niya namalayan na nakapasok na pala sa silid niya si Jaxin. Hinawakan nito ang kamay niya at hinila siya papalabas ng silid hanggang sa marating nila ang sala. Margaux was not surprised to see Jaxin holding his hand. Hindi naman niya mabawi dahil mahigpit ang pagkakahawak nito na akala mo ay tatakas siya.

Accidentally Married a BillionaireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon