4 - Married with a Del Mundo

27K 568 3
                                    

  
   
   
BAGSAK ang balikat niya na umuwi sa condo nila ni Margaux. Walang nangyari sa pag-uusap nila ni Jaxin. Annulment is not a good idea for Jaxin. Masyado nitong pinapahalagahan ang kasal kahit na wala namang feelings na involve. Their marriage was just a piece of paper that happened because she was drunk and became impulsive. Naging padalos-dalos amg mga desisyon niya.

Hindi ng din niya akalain na tinawagan pa niya ang mayor na kilala ng ama niya para ikasal sila. That man maybe not telling to her father about her marriage. Dahil kung nalaman ng Dad niya ang tungkol doon siguradong babalik siya sa impyernong bahay nito sa probinsiya kasama ang pamilya nito na kinamumuhian siya.

"Let me guess, hindi siya pumayag sa gusto mo."

Umupo si Margaux sa couch katabi niya.

"Yep. Mukhang kakailanganin ko ng mga koneksiyon pra maipa-annul ang kasal."

Yon na lang ang huling naiisip niyang paraan bago pa makarating sa ama niya ang balita.

"At sa tingin mo naman, walang mga koneksiyon ang asawa mo. Nakalimutan mo na yata na isang Del Mundo ang pinakasalan mo."

Lalo siyang na-stress sa sinabi ni Margaux. Kanino ba ito kampi? Sa kanya o sa Del Mundo na yon. Pakiramdam niya wala siyang karamay.

"Ano bang meron sa pagiging Del Mundo ng lalaking yon para hindi ko siya pwedeng hiwalayan? Kung tutuusin nga pabor pa sa kanya ang gagawin ko dahil nas makakahanap siya ng matinong asawa! Nakakainis naman oh!" Hindi niya napigilang magpapadyak sa sobrang inis.

Margaux laughed at her.

"Paano kung ikaw yung gusto niya?"

Iningusan niya ang kaibigan.

"That's impossible!" Kontra niya ngunit sa puso niya ay may saya siyang naramdaman. Heart, huwag kang malandi. Hindi pa tayo nakakamove-on sa panloloko ni Dylan baka di mo na kayanin kapag naulit pa yon. "Imposible ang sinasabi mo, Margaux. Jaxin won't like me."

Bago pa may masabing hindi maganda si Margaux ay iniwan na niya ito at nagtungo siya sa kanyang silid. Kinuha niya ang kanyang laptop at binuksan chrome app. She googled Jaxin Del Mundo. Curious na curious siya sa katauhan ng lalaking pinakasalan niya nong gabing wala siya sa sarili.

Maraming resulta ang lumabas pero isa ang nakapukaw ng atensiyon niya. Impormasyon iyon tungkol sa family background nito. Doon niya nalaman na pareho pala sila ng sitwasyon nito. He's an illegitimate child like her. They're on the same boat. Kaya pala napakahalaga para rito ng kasal. Dahil iyon ang ipinagkait sa ina nito kaya ito naging anak sa labas. Now she knows where he's coming from. Nauunawaan niya ito sa bagay na iyon. Pero iba ang sitwasyon nila sa sitwasyon ng ina at ama nito. Wala silang anak.

Hindi na niya binasa pa ang ibang detalye, isinara niya ang laptop at pasalampak na humiga sa kama. She stared at the ceiling while thoughts keep coming and go in her head.

Napabangon lamang siya nang kumatok at pumasok sa kanyang silid si Margaux.

"May naghahanap sa iyo," she announced.

Nagsalubong ang dalawang kilay niya. Wala siyang inaasahang bisita sa pagkakaalam niya.

"Sino?" tanong niya.

"Si Vio."

Mas lalong nagsalubong ang kilay niya.

"Vio? Wala akong kilalamg Vio," aniya saka muling humiga.

"Kaibigan siya ni Jaxin at mukhang asawa mo ang may pakana kaya nandito si Vio."

Napabuga na lamang siya ng hangin saka bumangon at lumabas ng silid. Nabungara niya ang pamikyar na lalaki sa kanilang living room. Kasama nga ito ni Jaxin nong mag-opening ang shop nila.

Accidentally Married a BillionaireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon