8 - His Side

21.7K 541 8
                                    

  
   
   
HUMINTO ang kotse na sinasakyan nila sa tapat ng isang malaking bahay. As in malaking bahay. Makikita sa arkitektura ng kabahayan na pinagkagastusan at piniling mabuti ang mga materyales na ginamit rito. Hindi maitatanggi ang antas sa buhay ng nakatira rito.

Ipinasok ni Jaxin ang kotse sa garahe kung saan may mahigit sampu na iba't ibang uri ng sasakyan at halos lahat at mamahalin. Gaano ba kayaman ang mga Del Mundo lalo na ang ama ni Jaxin?

"Let's go. They're waiting."

Tumango lang siya at sumunod kay Jaxin. Napahinto siya sa paglalakad ng huminto ito at nilingon siya.

"Nagmumukha kang sekretarya ko," wika nito sabay kuha sa kamay niya at pinagsalikop ang kanilang mga palad. Saka sila naglakad papasok ng kabahayan.

HHWW with Jaxin Del Mundo. Emeged. Kinikilig ako.

Nagtungo sila sa isang parte ng bahay na sa wari niya ay ang opisina ng ama ni Jaxin. Nadatnan nila roon ang isang lalaking na sa wari niya ay nasa 60s na. Kasama nito ang isang ginang na nakapostura na kulang na lamang ay gawing canvass ang mukha para sa isang painting. Katabi ng ginang sa couch ang isa pang lalaki na parang kasing edad ni Jaxin at isang babae na sa tingin niya kaedad niya.

Lumapit sila ni Jaxin sa matandang lalaki. Nagmano si Jaxin kaya nagmano din siya rito.

"Hello po." Nakangiting bati niya sa ginoo.

Hindi naman nakalampas sa paningin niya ang pag-irap na ginawa ng ginang at ng katabi nitong babae.

"I'm glad you're here, Jaxin. And you too, Harika. Salamat at pinaunlakan mo ang aking imbitasyon. Maupo kayo."

Naupo sila sa couch katapat ng inuupuan ng iba pang naroon. Ang matandang Del Mundo ay inuokupa ang ottoman na nasa kabisera ng rectangular na coffe table.

"Bakit pinatawag niyo kami, Dad?" tanong ni Jaxin.

Hindi maalis ang tingin niya sa dalawang babae na nasa tapat nila at panay ang irap sa asawa niya. Ang sarap dukutin ng mga mata nila.

"I called this urgent reunion to announce that I am dying."

Shock were written in everyone's face except Jaxin.  Seryoso lang itong nakatingin sa ama at hinihintay ang susunod nitong sasabihin.

"Jason! Ano bang kalokohan ito? Anong mamatay ka na?! Hindi pwede! Sinong maiiwan sa mga negosyo mo?! Sinong magmamanage nito kapag nawala ka?!" Walang pag-aalala o lungkot siyang nakita sa mukha ng ginang na asawa ng ama ni Jaxin.

Sila ba ang dahilan kaya ayaw ni Jaxin na mapag-usapan ang pamilya nito? Hindi pala nalalayo ang sitwasyon nila sa kanilang mga pamilya.

"That's the reason why I called everyone here. Matagal kong sinekreto ang sakit ko upang malaman kung sino ang nararapat na pumalit sa akin bilang President ng kompanya at dapat na mamahala ng mga maiiwan ko."

"Kung ganoon naman pala, bakit narito ang anak mo sa labas?" sabat ng ginang na tiningnan ng masama si Jaxin.

Walang reaksiyon naman ang kanyang asawa sa kinikilos at mga tingin ng ginang.

"He is still my child, Sefrina!" Napayuko naman ang ginang sa pagtaas ng boses ng matanda. "He won't be the one you call him if it's not because of your selfishness!"

Napatingin ako sa matanda na sakto namang tumingin sa katabi niya. Jaxin was just staring blankly at the woman across them.

"That's already in the past, Jason. Bakit ba lagi mong binabalikan yon?" Malumanay na ngayon ang tono ng ginang. Lahat sila roon ay tahimik at palipat-lipat lang ng tingin sa dalawang matanda.

"Dahil hindi ko makakalimutan kung paano mo sinira ang buhay ko." Malumanay ngunit mariin ang mga salitang binitiwan ng ama ni Jaxin na nagbigay ng hindi magandang reaksiyon sa ginang at sa mga anak nito. "Ngayon, kung may reklamo ka pa sabihin mo na habang buhay pa ako dahil ayoko na magkakagulo pa kayo kapag nawala na ako."

"Daddy, ano ba 'yang sinasabi mo?" The woman at her age spoke. "Ano po bang sakit ninyo?"

Tumingin sa aming lahat ang matanda saka nagsalita.

"I have a chronic heart disease."

Wala sa mga taong naroon ang nagulat sa hinayag ng matanda. It's like they already know his disease. Kahit si Jaxin ay hindi na nagulat.

"Looks like you all know," turan ng matanda. Umahon ito sa kinauupuan at may kinuha sa kanyang mesa. "So make this meeting short because I know all of you don't want to be in the same room for hours. "

Inilapag ng matanda ang dalawang folder sa coffee table na nasa pagitan ng ginang at nila ni Jaxin.

"That is your copy of my last will and testament. The original is kept on my safe where only one person can open."

"At sino po 'yon, Dad?" sa wakas ay narinig din niya na magsalita ang lalaking nasa kaliwa ng ginang. Ito siguro yung Joseff na step-brother ni Jaxin.

"Only that person will know." Ngumisi sa kanya ang matanda na agad din namang umiwas upang hindi siguro mapansin ng ibang naroon. "Take that copy and read it on your own. Nothing will be change on my will unless the person involved gave it away voluntarily."

Pagkasabi ng matanda no'n ay lumabas na ito ng silid.

Kinuha ni Jaxin ang isang folder saka kinuha ang kamay niya.

"Let's go," anito. Agad naman siyang tumayo pero nakakailang hakbang pa lamang sila nang magwika ang ginang.

"Napakakapal talaga ng mukha mo! Magpapakita ka sa amin matapos kayong magtago ng ina mo sa kung saang basurahan para ano? Para makihati sa pera ng asawa ko? Mga mukhang pera!"

"Mom, enough! We both know where we are in this house so stop." Nakita niya ang pagkapahiya sa mukha ni Joseff sa inasal ng ina.

"Why should I stop, Joseff? Tama naman ang sinasabi ko. Kayo lang ni Jenin ang may karapatan sa lahat ng maiiwan ng Daddy ninyo. Walang karapatan ang bastardo na iyan sa kung anong naipundar ng ama mo."

Hindi niya magawang tingnan ang ginang dahil alam niyang nagpupuyos ito sa galit.

Naramdaman na lamang niya ang paghigpit ng hawak ni Jaxin sa kamay niya. Pinipigilan nito ang galit.

"Mom, I already told you the law and besides desisyon yon ni Dad. In the first place, dapat si Kuya lang ang magmamana ng lahat pero nakihati pa tayo dahil sa inyo. Masaya dapat silang pamilya pero dahil sa inyo naging isang anak sa labas si Kuya gayong siya lamang ang tunay na anak rito."

Iyon ang nakapagpalingon sa kanya upang tingnan ang ginang. Kay Joseff ito nakatingin at galit na galit ang mga mata nito. Namumula na din ang mukha nito na anytime ay owedeng sumabog sa galit.

"Shut up your mouth, Joseff! Dapat nga magpasalamat ka sa akin dahil kung hindi ko ginawa ang ginawa ko baka tayo ang pupulutin sa basurahan. Ako ang asawa at kayo ang legal na anak namin kaya kayo lang dapat ang may karapatan!"

Magsasalita pa sana si Joseff nang harapin ni Jaxin ang ginang.

"Kung pera lang din ni Dad ang habol niyo, pwede niyo namang ibenta ang mapupunta na property sa inyo. Pero kung ano ang iniwan sa akin ng aking ama ay iingatan ko. Anak ako labas pero nakalimutan mo yata na ang aking ina ang tanging minahal ng aking ama at hindi ikaw. Bakit ka nga ba pinakasalan ni Dad? Dahil sa pamimikot mo na may anak kayo which happened to be a lie dahil napatunayan ni Dad na you're incapable of bearing a child. Maswerte pa talaga kayo dahil may iiwan pa rin sa inyo si Dad. Actually, I don't even need his money because I have my own company to manage. But since mukhang malaki ang tiwala sa akin ng asawa mo na ama ko, sa akin niya iniwan ang kompanya."

Napanganga ang ginang sa sinabi ni Jaxin. Binuklat at binasa nito ang nilalaman ng folder at base sa reaksiyon nito ay tama ang sinabi ni Jaxin.

"No, this can't be. Jason!!" tawag nito sa asawa na kanina pa umalis ng silid.

"Take care of your mother, Joseff. She needs her medication," pahabol na wika ni Jaxin bago sila tuluyang umalis.

Naging tahimik lamang ang biyahe nila hanggang sa makarating sila sa kanilang pupuntahan.
  
   
   
   
= = = = = = = = = = = = = = =

Accidentally Married a BillionaireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon