2 - Aftermath

33.5K 681 9
                                    




"HAPPY BIRTHDAY!!"

Halos mabingi siya sa sigaw ng kaibigang si Margaux. Margaux is her childgood friend. Saksi ito sa mga pinagdaanan niya sa buhay bago siya naging isang artista. Ito rin ng dumamay sa kanya noong nagluluksa ang puso niya. If Miah is her best friend that turned enemy, si Marga naman ang kanyang true friend.

Pupungas-pungas siyang bumangon. Ang sarap pa ng tulog niya eh. Hindi naman niya first birthday pero bakit kung makabati naman ang kaibigan niya ay parang ito ang unang kaarawan niya.

"What's with the cake and confetti, Marga. It's my 28th birthday, not my first." Hinawi niya ito para makaalis siya sa higaan.

Nagtungo siya sa CR para maghilamos at magtoothbrush.

"Yes, it's your 28th birthday pero wala ka bang ibang naaalala na dapat nating icelebrate ngayon?" Nakasandal ito sa pinto ng CR habang nakatingin sa kanya.

She looked at Marga with a confused face.

"Aside from the fact that I've been single for three years, may iba pa ba akong dapat ikatuwa at icelebrate?" Sarkastiko niyang tanong sa kaibigan.

Makahulugan naman itong ngumiti sa kanya.

"Oo naman. You should celebrate your upcoming wedding!"

Muntik na niyang malunok ang minumumog na tubig dahil sa pagkabigla sa sinabi ni Marga. Agad niyang pinunasan ang bibig at humarap sa kaibigan.

"What did you say? My upcoming wedding?! Where did that idea come from?" Natatawa siyang lumabas ng CR at dumiretso sa walk-in closet at kumuha ng damit. "It's just my birthday, Margaux. Nothing's special."

"Are you sure?"

"Ewan ko sa'yo, Margaux."

Hinawi niya ito sa daraanan niya dahil iba ang ngiti nito habang nakatingin sa bawat kilos niya. She locked herself inside the comfort room para maiwasan si Margaux.

She removed all her clothes and went into the shower. Habang dumadaloy ang maligamgam na tubig sa kanyang katawan ay hindi mawala sa kanyang isipan ang sinabi ni Margaux.

"Wedding. Silly idea." Naiiling niyang wika.

Alam niyang kinukumbinse lamang niya ang sarili na hindi totoo ang sinasabi ni Margaux because she had this dream for these past three years about a guy that she will marry soon. Ang problema ay hindi niya makita sa panaginip ang mukha ng lalaki. All she knows is that he has a tattoo on his wrist. A number. 22. But his face is blur. Ilang beses na niyang napapanaginipan ang lalaki na 'yon sa loob ng tatlong taon simula ng maghiwalay sila ni Dylan.

"Harika, matagal ka pa ba? Baka malate tayo sa opening ng coffee shop mo."

It was Margaux. Ngayon nga pala ang ribbon cutting ng bago niyang business. Isang coffee shop para sa mga taong mahilig sa mga coffe and drinks. May snacks din para sa mga taong may hinihintay katulad niya.

"I'm almost done," aniya saka naglagay ng shower gel at shampoo.

Mabilis ang mga kilos niya dahil ilang minuto na lang bago magsimula ang program. Nauna na si Margaux dahil sobrang tagal daw niya. Kasalanan naman nito kaya siya natagalan. Ginulo nito ang isip niya tungkol sa kasal na 'yon.

She put on her makeup and before leaving, she made sure she's perfectly beautiful.

Mabilis ang pagpapatakbo na ginawa niya sa kotse upang makarating kaagad sa coffee shop. Sakto naman na pagdating niya doon ay magsisimula pa lang ang program. All eyes were on her when she got off her car. Sunod-sunod ang pagkislap ng mga camera sa kanya. Sanay na siya rito. Ganito ang buhay niya noong artista pa siya pero simula nang malaman niya ang katarantaduhan ng boyfriend niya ay unayaw na siya sa pag-aartista. Nagfocus na lamang siya sa pagnenegosyo kasama si Margaux.

Accidentally Married a BillionaireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon