10 - Past

21.4K 486 2
                                    

  
  
   
   
ALAM NA NG marami ang tungkol sa kanila ni Jaxin. Marami ang nagulat lalo na sa mga kaibigan niya. Marami din naman ang bumati pero mas marami pa rin ang walang magawa kundi gumawa ng kwento para makapanira ng tao.

"Rika Villamarin, namikot ng negosyante."

"Rika, nakahanap ng lugar sa Business World."

Napatakip na lamang siya ng tenga upng hindi marinig ang mga binabasa ni Margaux sa internet at newspapers. She didn't expect the harshness of people's judgment.

This is what Jaxin was talking about. Pag-uusapan ng lahat ang tungkol sa kanila.

"Kaya pa, girl?" tanong sa kanya ni Margaux.

Nasa lanai sila ng bahay nila ni Jaxin. Margaux paid a visit and she's thankful for that dahil wala si Jaxin. Nasa isang business expansion ito sa Davao at 2 weeks itong wala kaya nagpapasalamat siya na narito si Margaux. May makakausap siya kahit papaano. Tatlong araw na rin kasi na wala si Jaxin at tatlong araw na din na mga kasambahay lang ang kasama niya sa bahay at ang kanang kamay ni Jaxin na si Sean. Sean is also her personal bodyguard.

"I have no other choice but to be strong."

"Magpapa-annul din naman kayo 'di ba?" Sandali siyang natigilan sa sinabi ni Margaux.

Annulment. That's her initial plan but upon learning her husband's life, her decision suddenly changed.

"I don't think we need that. Jaxin is a nice person. At kung may plano si Kupido sa amin, wala naman sigurong masama doon 'di ba?"

Namuo ang makahulugang ngiti sa labi ni Margaux. Inilapag nito ang cellphone sa coffee table at matamang tinitigan ang kanyang mga mata.

"Umamin ka nga, Harika Jinx! Nahuhulog na ba ang loob mo sa asawa mo?" tanong nito.

Napatawa siya sa sinabi ng kaibigan. Natatawa siya dahil kilalang kilala siya nito.

"Is it bad to fall for your former boss?" balik tanong niya.

"Of course not! 'Yon na nga lang ang kulang sa inyo. Feelings and emotions. Sabi ko naman kasi sa iyo, mabait ang boss ko na 'yon. Medyo mainitin lang ang ulo pagdating sa pamilya ng Daddy niya pero aside from those people, napakabait na ni Jaxin sa ibang tao."

Sang-ayon siya sa sinabi ni Margaux. Iba ang awra ni Jaxin kapag kaharap ang asawa at mga anak ng Dad nito. Para itong galit na nagtitimpi lamang.

"Hindi mahirap mahalin si Jaxin. Ang kinakatakot ko lang ay ang magising ako sa katotohanan na ako lang pala ang nagmamahal." Sadness filled her emotions. "Ayoko nang masaktan ulit katulad ng dati. I might do something stupid thing again kapag nasaktan ako."

"Lahat ng nagmamahal nasasaktan. 'Yan ang tatandaan mo. Walang nagmamahal ang hindi nasasaktan, kailangan mo lamang mahanap ang taong worthy sa iyong sakit na mararamdaman."

"Is he worth it, Marg?"

Kibit balikat ang naitugon sa kanya ng kaibigan.
  
Tinapos lamang ni Margaux ang breakfast na inihanda niya bago ito umalis para asikasuhin ang business nila. Maiiwan na naman siyang mag-isa sa napakalaking bahay nila ni Jaxin.

Para patayin ang inip niya ay inabala na lamang niya ang sarili sa panonood ng mga horror movies. Actually pwede naman siyang lumabas para magshopping at mamasyal pero ayaw niyang pagkaguluhan ng media kaya magkukulong na lang siya sa bahay nila.

Habang nanonood ay tumunog ang kanyang cellphone. An unexpected caller was registered in his phone. Nanginginig ang kamay na dinampot niya ang cellphone at sinagot ang tawag. Napalunok siya ng laway nang marinig ang tinig sa kabilang linya.

Accidentally Married a BillionaireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon