22 - Renewal

22.4K 497 6
                                    

 
  
  
HINDI kaagad sumagot si Jaxin sa tanong niya. Sa halip ay hinila siya nito pasakay sa kotse at sinenyasan si Sean na aalis na sila. Tumango naman si Sean saka nagthumbs-up sa asawa niya. Nagtaka siya sa ginawang gesture ni Sean.

"Hindi mo sinasagot ang tanong ko, Del Mundo. Kinasal ba talaga tayo?!" Nagsisimula nang uminit ang ulo niya. Hindi pa din kasi niya nakakalimutan ang sinabi ni Miah.

"Can you please calm down, Rika? Sasagutin ko lahat ng tanong mo once we arrived at our destination. Okay?"

Inirapan niya ito. She crossed her arms over her chest and looked away. Itinuon niya ang pansin sa dinaraanan nila. Ngayon niya lang napagtanto na sa isang malayong bukid pala siya dinala ni Dexter at dito din nito dinala ang Mama niya. Hindi niya lubos maisip kung paano tiniis ng Mama niya ang lahat ng ginawa ni Hector at Dexter dito.

Kunot-noo siyang napatingin kay Jaxin nang huminto ito sa tapat ng isang tindahan ng mga damit nang makarating sila sa sentro ng bayan.

"What are we doing here?"

"Before we continue our ride, I wang you to change your clothes. Here." Inabot nito sa kanya ang isang paper bag na puti. Kanina niya pa ito nakita sa back seat pero hindi niya pinansin sa pag-aakala na gamit ito ni Jaxin.

"Para saan ito? Saan ba tayo pupunta at kailangan ko magpalit ng damit?" Naiinis na siya rito.

Ito namam ay ngumiti lang. Bumaba ito ng kotse at pinagbuksan siya ng pinto.

"Sasagutin ko ang mga tanong mo kapag nakarating na tayo sa pupuntahan natin. Kaya magpalit ka na. I'll wait for you here."

Tiningnan niya muna ito ng masama bago tumalima at pumasok sa loob ng shop. Nagpaalam siya sa tindera na magpapalit lang siya ng damit na agad namang pumayag. Tiningnan niya ang laman ng paper bag. Bumungad sa kanya ang kulay puting blouse na sleeveless at puting pantalon. Kasama din ng pares ng damit ang pares ng 5 inches sandals.

Nagtataka man ay nagpalit na lamang siya ng damit tulad ng request ni Jaxin. Lalabas na sana siya ng CR nang mapansin na may laman pa ang paper bag. Nang ilabas niya ang laman ay bumungad sa kanya ang make-up set.

"Ano bang pinaplano ng lalaking 'yon?" tanong niya sa sarili habang nag-aapply ng light make-up.

Nang matapos ay agad siyang lumabas ng CR dala ang paper na naglalaman ng damit na suot niya kanina. Nang makarating sa tapat ng kotse ay abot tenga ang ngiti ni Jaxin nang makita siya.

"You're gorgeous, Mrs. Del Mundo," komento nito na inirapan lamang niya.

Dumiretso siya sa loob ng kotse at doon nakangusong umupo. Hinintay niyang makasakay sa driver's seat si Jaxin.

"Ano bang pinaplano mo? Bakit ganito ang suot ko?" tanong niya rito.

Napansin niya na nakaputi din ito at pormal ang ayos nito na parang may kasal sila na pupuntahan at sila ang mga primary sponsors.

"You'll know when we get there." Nakangiti nitong sagot saka muling pinaandar ang kotse.

Ilang minuto silang bumyahe bago nakarating sa isang napakagandang lugar. Nasa isa silang garden kung saan may isang two storey house na yari sa kahoy. Magagandang klase ng kahoy ang ginamit upang mabuo ang animo ay cabin house sa gitna ng hardin ng mga bulaklak.

Bumaba sila ng kotse ni Jaxin. Pagkababa niya ay agad na may sumalubong sa kanyang dalawang babae na inabutan siya ng bouquet at ang isa naman ay may kinabit na belo sa kanyang ulo.

"Wait, what's this?" Nilingon niya si Jaxin ngunit hindi niya ito nakita. Nawala na ito sa paningin niya dahil sa dalawang babae na nasa harap niya.

Accidentally Married a BillionaireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon