7 - Something New

23.1K 563 6
                                    




MALAKAS niyang hinila ang silya sa dining table kung saan naroon si Jaxin. Padabog soyang naupo at tiningnan ng masama ang lalaki sa kabilang panig ng rectangular wooden table. Nagbabasa ito ng balita sa tablet nito katulad ng lagi nitong ginagawa sa umaga. Saulo na niya ang routine nito araw-araw. Sa mahigit dalawang linggo nilang paninirahang ni Margaux sa bahay ay wala naman silang naging problema maliban sa tuwing aalis siya ng bahay.

"Doing so won't make me change my mind, Harika," wika nito na ang tinutukoy ay ang padabog niyang kilos.

"Bakit ba kasi bawal akong lumabas ng bahay?!"

Nilapag nito ang tablet at tumingin sa kanya. Seryoso ang mga tingin nito na minsan lamang niya makita rito.

"The press is all around and they're dying to know who my wife is. Kaya kung gusto mong pagpiyestahan ng media ang mukha mo, sige lumabas ka at ipangalandakan mo na ikaw ang aking asawa. I know your father will not be happy to hear that news."

Nanlaki ang mata niya rito.

"How did you know about my father?"

Ngumiti ito at sumubo ng toasted bread na may butter bago sumagot.

"I know everything about you, Harika. Just trust and obey me and everything will fall to its place."

Tumayo na ito para maghanda sa pagpunta sa opisina. Pag-alis nito maghapon na naman siyang mabuburo sa bahay. Wala si Margaux dahil ito ang nag-aasikaso ngayon ng mga business nila dahil wala siya. Ilang araw na itong hindi nakakauwi dahil medto malayo sa shop ang bahay nila. Sa condo na muna ito nakatira habang hindi pa siya pwedeng lumabas ng bahay.

Malungkot niyang hinigop ang kape na nasa mesa. Ano na naman kaya ang gagawin niya para malibang sa buong maghapon?

"Do you really want to go out?"

Napalingon siya sa asawa. Yes! Asawa na talaga.
Akala niy ay nakapanhik na ito sa silid nito. Naroon pa pala at nakatingin sa kanya.

"Oo naman. Nakaka-boring kaya dito." Nakanguso niyang wika.

"You can come with me."

Lumiwanag ang mukha niya sa sinabi nito.

"Talaga? Isasama mo ako??"

"Yes. Get ready in 10 minutes."

Upon hearing those words ay mabilis siyang nagtungo sa silid at naligo. Mabilis ang mga kilos niya para hindi naman maghintay si Jaxin. She applied a natural look make-up saka nagsuot ng casual na damit. In just a few minutes ay tapos na siya. She grabbed her sling bag and head off the room.

Nasa hagdan pa lamang siya ay tanaw na niya si Jaxin sa dulo ng hagdan. May kausap ito sa telepononat mukhang hindi maganda ang kanilang pinag-uusapan dahil magkasalubong ang kilay nito. Lumapit siya rito. He saw her and didn't removed his eyes at her. Ngumiti siya rito at sinenyasan ito na aayusin niya ang tie nito na hindi pa nakabuhol. Tumango naman ito at binigyan siya ng access sa leeg.

Sa ilang taon nilang relasyon ni Dylan, pinag-aralan niya talaga ang pagbubuhol ng tie dahil pangarap niya noon na siya ang gagawa non kay Dylan. Pero ang loko ay nagloko. Ang mga pangarap niya noon kasama si Dylan ay natutupad ngunit ibang lalaki ang kasama niya.

"I'll be there." Narinig niyang wika ni Jaxin saka ibinaba ang cellphone at inilagay sa bulsa.

"Sino 'yon?" It seems that she forgot how to do the tie dahil sa mga tingin sa kanya ni Jaxin. Marahan ang bawat kilos ng kamay niya.

"It's Joseff."

Joseff? Parang narinig na niya ang pangalan na yon. Saan nga ba? Napakunot ang noo niya sa pag-iisip.

"He's my half brother. Pinapapunta ako ni Papa sa mansion."

Napahinto ang kamay niya sa ginagawa. Ibig sabihin ba nito hindi siya makakasama rito. Iba ang lakad nito at mukhang hindi siya pwedeng sumama.

Tinapos lang niya ang pagbuhol ng tie nito saka pilit na ngumiti rito.

"Magpapalit na lang ulit ako," aniya para iparating rito na alam na niya ang ibig sabihin nito.

"You're coming with me. He wanted to see you. Tatlong taon din niya akong kinukulit tungkol sa babaeng pinakasalan ko and now that you're here, I wanted you to meet the man you married three years ago."

Napatanga siya sa sinabi nito.

"Are you serious?"

"Yes, I'm dead serious. Kapag nakilala ka nila, isa na lang ang problema natin. Ang Papa mo na lang."

Nahihiwagaan na talaga siya sa asawa niya. Alam ba talaga nito lahat ng tungkol sa kanya? Ang tungkol sa kanyang ama pa lang ay malaking bagay na tungkol sa kanyang buhay. Ano pa kaya ang alam nito?

"Let's go?" yaya nito sa kanya.

Tumango naman siya at sumunod rito patungo sa main door ngunit huminto ito para humarap sa kanya. May dinampot itong sunglasses sa table malapit sa pinto saka pinasuot sa kanya.

"You'll need that. Hindi mo gugustuhing makunan ng litrato na papalabas sa bahay ko."

Alam niya ang ibig sabihin nito. May mga nakaabang na media sa labas ng bahay nila. Mabuti na lang pala at hindi ang usual na makeup ang sinuot niya. Madali siyang makikilala ng mga tao dahil madalas siyang nakikita sa telebisyon noon.

Pagkalabas nila ng bahay ay agad siyang inakbayan ni Jaxin upang itago sa mga kislapan ng camera mula sa gate ng bahay nila. Ang private car ni Jaxin ang ginamit nila upang hindi sila makita sa loob. Tinted ang bintana ng kotse kaya nakahinga siya ng maluwag nang makasakay rito.

Nginisian naman siya ng asawa nang makasakay ito sa driver's seat.

"Cons of marrying Rika Villamarin, all eyes are on me."

"Hindi ka pa kasi pumayag sa annulment. Tahimik sana ang buhay mo ngayon," aniya habang nakatingin sa rear view mirror at inaayos ang sarili. Medyo nagulo kasi ang buhok niya sa pag-akbay Ni Jaxin kanina.

"Annulment is not the answer to our situation, Harika. Later you'll know how important marriage is."

Sa sinabi nitong iyon mukhang wala talagang pag-asa ang annulment na gusto niya.

Tinitigan niya si Jaxin. Ang mukha nito na makalaglag panty ang kagwapuhan. Para itong pinagsamang kagwauhan ni Peirce Brosnan at Robert Downey. Yung killer smile ni Peirce Brosnan at serious face ni Robert Downey in one human named Jaxin Del Mundo. Mabait si Jaxin and when she says mabait ibig sabihin ay napaka-upright na tao. What's wrong is wrong and right is right. Ganon siya. When it comes to sweetness, may sweet bones din naman ito lalo na kapag tungkol sa kanya.

She doesn't know if he's concern about her or his just doing his responsibility as her husband. Simula kasi nang tumira sila sa iisang bubong ay hindi siya pumapalya sa mga meals. Breakfast, lunch, snacks and dinner ay si Jaxin ang naghahanda. Kahit nasa opisina ito ay umuuwi pa talaga ito para magluto. Well, malapit lang naman kasi ang JR mall sa subdivision nila kaya nakakauwi ito.

Ang nakakatuwa kasi ay may time talaga ito para ipagluto siya and take note masarap itong magluto. Mga paborito at pasok sa panlasa niya ang mga niluluto nito. Minsan nga kapag pinapanood niya itong magluluto naiisip niya na hindi din naman siya malas sa naging asawa.

"Nagbago na ba ang isip mo about annulment after staring at me for a couple of minutes?"

Sinalubong niya ang mga tingin nito. Kanina pa pala ito nakatingin sa kanya at nahuli nitong nakatitig siya rito.

"No." Tipid niyang sagot saka nag-iwas ng tingin.

But deep inside her mind wants to say yes. Sa ilang araw pa lang na nagsasama sila sa iisang bubong, hindi naman siya sinigawan or sinaktan ni Jaxin. His a good husband actually.

I'm lucky to have him.




= = = = = = = = = = = = = =

Accidentally Married a BillionaireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon