20 - Null Marriage

20.5K 470 7
                                    

 
  
  
  
TUMAKAS siya kay Sean at sa ibang mga bantay niya upang makipagkita sa ama para linawin dito ang lahat ngunit may mga lalaking dumukot sa kanya at may panyo na inilagay sa kanyang ilong kaya nawalan siya ng malay.

Hindi niya alam kung ilang oras siyang walang malay ngunit nagising siya sa loob ng isang silid. Sa wari niya ay lumang bahay ang kinaroroonan nila. Ang paligid ay yari sa kahoy. Halata na luma at sinaunang bahay ito. Ngunit ang kama na hinihigaan niya ay malinis.

Nasaan kaya siya?

May narinig siyang papalapit na yabag kaya bumalik siya sa pagkakahiga at nagpanggap na natutulog. Kailangan niyang malaman kung nasaan siya at kung sino ang nagpadukot sa kanya.

Bumukas ang pinto ng silid at dalawang boses ang narinig niya. Kilala niya ang mga boses na iyon.

Papa at Tito Dexter, sigaw ng isip niya. Ang mga ito ang nagpadukot sa kanya. Bakit?

Nanatili siyang tahimik at nagtulug-tulogan.

"Bakit mo siya dinala rito?!" tanong ng ama niya.

"Para gawin ang ginawa sa ina niya. Sinabi mo na ayaw niyang pumayag na makasal sa anak ko 'di ba? Kaya ito, gumagawa ako ng paraan para matuloy ang ating usapan." It was her Tito Dexter. "Sakto 'di ba? Sa lugar kung saan mo ginahasa ang ina niya ay doon din siya gagahasain ng anak ko. In that way, kapag nabuntis siya ni Dylan wala nang magagawa ang peke niyang asawa. Baka nga kamuhian pa siya. Madali na lang sabihin sa mga tao na katulad siya ng ina niya na isang kaladkarin. Bright idea 'di ba?"

Naikuyom niya ang kamao sa mga narinig. 'Yon pala ang plano nila. Ipapa-rape siya kay Dylan at bubuntisin katulad ng ginawa nila sa Mama niya. Napakasama talaga ng mga ito!

Pinigil niya ang sarili na umimik dahil may gusto pa siyang malaman. Bakit tinawag ng Tito Dexter niya na peke niyang asawa si Jaxin?

"This is not part of our plan, Dexter. Anak ko si Harika. Kahit sabihin mo pa na bunga siya ng panggagahasa ko kay Jenny ay anak ko pa rin siya! Dugo at laman ko ang ipapa-rape mo! Hindi ako papayag."

May tuwa siyang naramdaman sa sinabi ng ama. Kahit papaano naman pala ay may halaga siya rito.

"Hector, nakakalimutan mo yata ang ating usapan. May malaking halaga kang dapat bayaran sa akin kapalit ng pagiging isang politiko mo. Tandaan mo, wala ka sa kinalalagyan mo ngayon kung hindi dahil sa pera ko. Hindi mo nabayaran sa napagkasunduan nating petsa kaya anak mo ang magiging kabayaran."

Nanginig siya sa takot nang marinig iyon. Ipinagkanulo siya ng sariling ama. Hindi niya napigilang impit na mapaiyak.

"Ilang araw lang ang hinihiling kung palugit sa iyo, Dexter. Mababayaran kita. Babayaran ka ng asawa ni Harika."

Napahinto siya sa pag-iyak. Si Jaxin ang tinutukoy ng ama na magbabayad ng utang nito kay Dexter. Anong kinalaman ni Jaxin dito?

"Ang pekeng asawa ng anak mo ang magbabayad ng mga utang mo?!" Tumawa ito ng malakas na parang demonyo. "Hector, nagka-amnesia ka na ba? Paanong magiging asawa iyon ng anak mo? Hindi mo ba alam na kailangan ng birthday certificate sa kasal? Anong birth certificate ang gagamitin ng anak mo, 'di ba nga hindi mo siya ipinarehistro bilang anak mo. You even asked me to produce a fake birth certificate para lang mapapaniwala si Harika na isa siyang Villamarin. Paano siya kakakasal sa Del Mundo na iyon kung birthday certificate ay wala siya. Mag-isip ka nga, Hector." Narinig niya itong naglakad palapit sa kinaroroonan niya. "This woman will be my son's woman tomorrow."

"Dexter, huwag ang anak ko. Kung kinakailangan na ibenta ko lahat ng aking mga ari-arian para  mabayaran ka ay gagawin ko. Huwag mo lang gawing miserable ang buhay ng anak ko."

Accidentally Married a BillionaireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon