5 - Secrets

25.1K 580 12
                                    




"WHY DIDN'T YOU TELL ME EARLIER?" bungad niya sa bagong gising na si Margaux.

Halos wala siyang tulog magdamag dahil sa pag-iisip. Simula nang malaman niya na kasal na siya ay hindi na siya nagkaroon pa ng tahimik na isipan. Nagulo na ang buhay niya dahil sa kasal na iyon at kasalanan ito ng kaibigan niyang si Margaux.

"Ang alin? Ang aga-aga masungit ka na kaagad." Patay malisya itong naglakad patungo sa kusina at naghanda ng kanyang slimming tea.

"Hindi mo kaagad sinabi sa akin ang tungkol sa kasal. You should've told me as soon as I gained my normal self but you didn't. Bakit pinaabot mo pa ng tatlong taon bago sinabi sa akin? Now it's too late, Margaux." Puno ng paninisi niyang wika sa kaibigan na tinaasan lang siya ng kilay saka mahinang tumawa.

"Ayos ka lang, Harika? Nakainom ka lang nong gabing 'yon, hindi ka naaksidente para magkaamnesia!" Umiwas ito sa kanya at umupo sa high chair na nasa counter top. "Pero kung hindi mo talaga maalala ang buong pangyayari ng gabing 'yon, ipapaalala ko sa iyo. Parang hindi pa kasi sapat yong video eh."

Pinameywangan niya ito. "Go to the part where you never told me about the marriage."

"Fine. After niyong magpakasal kay Tito Miguel-"

"Wait si Tito Miguel ang nagkasal sa amin?" Hindi naman kasi niya nakita ang mukha ng mayor na nagkasal sa kanila sa video. Saka marami siyang kilalang mayor, alam mo na, artista.

"Yes, and it's because of me. Si Tito ang tinawagan ko para hindi makarating sa Papa mo." Kaya pala hindi pa siya tinatawagan o kino-contact ng kanyang ama. Wala pa itong alam. "So ayon na nga, kinasal kayo, nagkapirmahan ng marriage contract at inuwi kita sa condo ko which is here. Nagpahinga ka at pagkagising mo kinabukasan sasabihin ko na sana ang tungkol sa kasal but you refused to know. Sa tuwing sasabihin ko ang tungkol sa nangyari ng gabing yon ay pinapatigil mo ako at sinasabi mong ayaw mong malaman ang nangyari ng gabing 'yon. Kakalimutan mo ang lahat. Kaya hindi ko na sinabi sa iyo, not until on your birthday when your husband called to check you. Doon na ako nagdecide na sabihin sa iyo dahil naawa na ako sa asawa mo, gurl. Everyday siyang tumatawag sa akin oara kamustahin ka. Feeling ko nga nainlove sa iyo si Sir Jax kaya concern na concern sa iyo. Alam mo bang siy ang gumawa ng paraan para hindibka kasuhan ng management dahil hindi ka tumupad sa pinirmahan mong kontrata? Binayaran niya ang dapat bayaran para maabswelto ang kaso sa iyo ng management. He even hired a private bodyguards para masiguro na safe ka sa mga paparazzi."

Kaya pala tahimik ang buhay niya kahit na malaking isyu ang ginawa niya sa social media at sa showbiz. It's because of him.

"You lived a peaceful life for three years because of him. Pinatahimik niya din ang issue about Miah and Dylan. He made sure na wala kang matatanggap na balita about the two para hindi magulo ang buhay mo. Nanahimik si Jaxin ng tatlong taon bilang asawa mo para sa iyo. Nirerespeto niya ang desisyon mo kahit ilang beses na siyang nalagay sa alanganin dahil sa naging desisyon mo."

Hindi siya agad nakapagsalita sa naging rebelasyon ni Margaux. Kasalanan pala talaga niya. Hindi naman niya sinabi na gawin nito ang mga bagay na yon.

"Paanong nalagay sa alanganin?"

Margaux sighed.

"May nakapagsabi sa media ng tungkol sa naging kasal niyo sa bar. Inulan ng maraming isyu si Jaxin pero mas maraming isyu ang tungkol sa iyo. May narinig ka ba kahit isa sa mga isyu at tsismis na yon?"

She shook her head. Wala naman talaga siyang naririnig na mga isyu sa kanila ni Dylan sa nakalipas na tatlong taon. Isa iyon sa ipinagtataka niya ngunit hindi lang niya binigyang pansin.

"It's because of him. Hinarap niya ang lahat ng isyu. He admitted that he's married pero hindi sa iyo para mailayo sa iyo ang isyu. He protected you from everything, Harika. He was always there. He supported you're every decisions. Even on your business. Hindi ka ba nagtataka kung saan ko kinuha ang malaking pera para iinvest sa business natin? It's from him. He wanted to help you discreetly."

Accidentally Married a BillionaireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon