14 - Moments with you

21.4K 521 9
                                    

  
   
    
    
"I LIKE YOU, RIKA."
   

Hindi halos makatulog si Harika nang gabing 'yon. Paulit-ulit sa kanyang isipan ang sinabi ni Jaxin kanina.

She wanted to ask him about what he said but Tita Cielo came and hindi na sila nakapag-usap dahil lumabas ito para kausapin si Sean. Hanggang ngayon hindi pa rin ito bumabalik. Madaling araw na pero wala pa rin ito at wala pa rin siyang tulog.

She stepped out of her bed and went outside. Nagtungo siya sa kusina at kumuha ng tubig saka bumalik sa silid. Ngunit nasa pasilyo pa lamang siya ay tanaw na niya ang bulto ng asawa sa tapat ng pinto ng kanyang silid. Her heart raced and she couldn't help it. Malalim ang iniisip nito habang nakatingin sa pinto na nakapinid.

Naglakad siya papalapit rito.

"Jaxin?"

Bahagya itong nagulat ngunit nakabawi rin agad.

"Akala ko nasa loob ka ng kwarto. Anong ginagawa mo rito?"

Ipinakita niya ang hawak na baso ng tubig. "Nauhaw ako kanina kaya bumaba ako saglit para kumuha ng tubig. Ikaw? Anong ginagawa mo rito? Kanina ka pa ba dumating?"

"Kadarating ko lang. I wanted to talk to you but I don't want to disturb you. Akala ko natutulog ka na." Malumanay nitong wika.

"I can't sleep. Naninibago siguro ang katawan ko sa kama."

Pagdadahilan niya kahit na ang totoo ay hindi siya makatulog dahil sa sinabi nito kanina.

"Can we talk about earlier?"

Hindi siya nagsalita ngunit tumango siya bilang tugon. Nagtungo sila sa veranda sa dulo ng pasilyo at inokupa ang mga silya na yari sa bakal na naroon. Ramdam niya ang lamig ng simoy ng hangin sa probinsiya.

"Seryoso ako sa sinabi ko kanina, Rika. I really like you."

Hindi niya alam ang isasagot rito. "I don't know what to say, Jaxin."

Gusto niyang sabihin dito na nahuhulog na ang loob niya sa asawa pero natatakot siya na baka hanggang gusto lang ang nararamdaman nito para sa kanya at hindi katulad ng nararamdaman niya.

"You don't have to say anything, babe. You right here with me is more than enough."

Bahagya siyang umiwas ng tingin sa asawa dahil ramdam niya ang pag-init ng pisngi sa sinabi nito. She hugged her body as the cold air touch her skin. But the cold suddenly altered with warm body wrapped around her. It was Jaxin hugging her from behind.

"Thank you for coming into my life, babe," bulong nito sa kanyang punong tenga.

Nagdulot iyon ng kiliti na dumaloy hanggang sa kaibuturan niya.

"Ako ang dapat magpasalamat sa iyo, Jaxin. Dumating ka sa buhay ko noong panahong kailangang kailangan kita. Kung ibang lalaki siguro ang nahila ko ng gabing 'yon at napakasalan baka miserable pa rin ang buhay ko ngayon." Humarap siya rito at ikinawit ang mga kamay sa batok nito. "Thank you, babe."

Niyakap niya ito at ipinahinga ang baba sa balikat nito. Ilang minuto silang nasa ganoong posisyon nang magsalita si Jaxin.

"Are you still thinking of filing an annulment?"

Saglit siyang napaisip bago sumagot.

"I don't know. Pero sa mga nangyayari ngayon parang ayoko na makipaghiwalay sa iyo. Buhay reyna kaya ako dahil sa'yo," biro niya.

"Dapat lang dahil ikaw lang ang reyna ng buhay ko."

"Kaya nakakapanghinayang na makipaghiwalay sa iyo. Napapaisip nga ako kung gaano ba kayaman ang asawa ko." Niluwagan niyabang pagkakayakap dito para matingnan ang gwapo nitong mukha. "Gaano ka nga ba kayaman?"

Accidentally Married a BillionaireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon