3 - Hello Husband

29.4K 644 10
                                    

  
   
    
HINDI PA DIN niya lubos maisip na kasal at may asawa na siya. Why can't she remember that evening? She only has the video that Margaux took that night. At malinaw na malinaw ang nasa video it was not fake or edited. Siya yun at si Jaxin na asawa kuno niya.

"Hindi ka pa ba kakain?"

Napapitlag siya nang biglang sumulpot mula sa likuran niya si Margaux. Nakapangalumbaba kasi siya habang nakatingin sa kawalan. Maraming gumugulo sa isipan niya kaya hindi na siya nakakamalay sa paligid.

"Are you still thinking about the thing  you learned yesterday?

Napabuntong hininga siya at napasimangot.

"Bakit hindi ko iisipin yon, Margaux? I AM MARRIED WITH JAXIN DEL MUNDO! At hindi ko maalala kung paano yon nangyari." She said in frustration.

"Kaya nga pina-video ni Jaxin ang nangyari ng gabing yon dahil alam niyang mangyayari ito. Ayaw mo naman kasing papigil sa mga desisyon mo non. You really wanted to get married with any man you will meet that night. Maswerte ka na lang talaga dahil si Jaxin ang nakakita sa iyo dahil kung ibang lalaki yon baka miserable pa sa miserable ang buhay mo ngayon. Jaxin saved you, Rika."

Napaisip siya. May punto ito ngunit hindi pa din siya sang-ayon sa katotohanan na kasal at may asawa na siya. Mag-iiba na ang buhay niya. Does it mean na kailangan nilang tumira sa iisang bubong? Do they need to do what a married couple should do?

Lalo siyang nafrustrate sa mga naiisip.

"Friend, hindi ka naman na lugi sa asawa mo. May-ari lang naman ng largest mall and biggest in number of branches in the Philippines ang asawa mo. Plus may mga business pa sa ibang bansa. Kahit ng hindi ka na magnegosyo at humiga lang maghapon at magdamag ay hindi ka magugutom. At ang pinakamagandang advantage ng instant kasal mo ay makakawala ka na sa ama mong walang pakialam sa iyo."

Muli siyang napaisip. Tama na naman si Margaux. Lahat ng sinasabi nito ay may punto. Sobrang yaman ng asawa niya at malaking tulong ito para nakawala siya sa poder ng kanyang ama. Pero ayaw niya naman na samantalahin at gamitin ang kasal na iyon para malaya sa ama. Hindi niya naman alam kung magugustuhan ni Jaxin ang iniisip niya. Baka isipin nito na ginagamit niya lang ito para sa kanyang pansariling kabutihan.

"It's not right, Margaux. Ayokong idamay ang ibang tao sa miserable kong buhay. I will file for an annulment."

Namilog ang mata ni Margaux at mabilis na lumapit sa kanya. Hinawakan siya nito sa magkabilang balikat at tiningnan sa mga mata.

"That's not a good idea, Rika. Jaxin will not be happy yo hear that from you."

"Mas dapat nga siyang mging masaya dahil makakalaya siya sa kasal na pareho naman naming hindi ginusto."

Napailing na lang si Margaux sa sinabi niya.

"Ikaw ang bahala. Sinasabi ko na sayo ang posibleng mangyari."

Tumalikod si Margaux at akma nang aalis nang pigilan niya. Kanina pa kasi niya napapansin na parang kilalang kilala nito si Jaxin.

"Matagal na ba kayong magkakilala ni Jaxin?" tanong niya rito.

"Ahm.. Medyo," sagot nito saka tuluyan nang umalis.

Naiwan naman siya na muling nag-iisip. Kung magpa-file siya ng annulment, kakailanganin niya ng malaking halaga lalo na at isang Del Mundo ang asawa niya. Sigurado siyang magiging mahaba ang proseso ng annulment sa Pilipinas at maraming pera ang kailangan niya. Mas malaking problema kapag nalaman ito ng ama niya.

"Ahhhh!" Sinabunutan niya ang sarili sa sobrang pag-iisip, "Ano bang gagawin ko?!"

"Kumain ka at pumunta sa meeting place niyo ng asawa mo. Kailangan niyong mag-usap. Yon ang dapat mong gawin," sigaw ni Margaux mula sa labas ng kanyang silid.

Nasa sala siguro ito at kumakain ng vegetable salad nito bilang diet. Tumayo siya mula sa inuupuang kama at lumabas ng silid. Tama nga ang hinala niya kumakain si Margaux vegetable salad. Nagtungo siya sa kusina at kumuha ng pagkain. Pero wala siyang gana kumain dahil sa mga bagay na gumugulo sa isipan niya.

Itinapon niya sa lababo ang pagkain na kinuha saka bumalik sa kwarto. Nagtungo sa banyo at naligo. Mas tama siguro na makausap niya si Jaxin tungkol sa kasal. Kailangan niya itong makumbinsi na ipa-annul ang kasal para sa ikabubuti nilang dalawa.

Hindi na siya masyadong nag-ayos dahil si Jaxin lang naman ang tatagpuin niya.

Aalis na sana siya ng condo unit nila ni Margaux nang may maalala siya. Tiningnan niya si Margaux na nakatingin din sa kanya. Mukhang alam na nito ang kailangan niya.

"Saan kami magkikita ni Jaxin?" tanong niya rito.

Ngumisi ito.

"Kanina pa siya naghihintay sa MaRika Coffee Shop." Kinindatan siya nito na ikinakunot ng noo niya.

Mukhang si Margaux ang natutuwa sa mga pangyayari sa buhay niya. Umalis siya at nagtungo sa coffee shop.

 
   
    
SHE parked her car before entering the shop. Marami ng tao kapag breakfast hour kaya expected na niya ang ilang mga nakakakilala sa kanya. Pero hindi iyon ang kanyang pakay. She looked around the shop to see if Jaxin is around. Sa isang mesa sa sulok ng shop ay napansin niya ang lalaking naka-eyeglasses at nagbabasa ng magazine. Hindi siya pwedeng magkamali, si Jaxin ito.

Ang iba nagiging mukhang nerd kapag naka-eyeglasses pero bakit siya mas lalong nakadagdag sa kagwapuhan ang salamin na suot. Hindi nakakasawang pagmasdan ang mukha nito na bagaman laging seryoso ay napakagwapo pa rin.

Their eyes met when he lifted his head and looked at her. His thin lips moved upwards to form a smile. Nakaka-inlove ang ngiti nito kaya hindi niya alam kung ano ang magiging reaksiyon sa ngiti nito. Inayos na lamang niya ang sarili at itinago sa kaloob-looban niya ang paghanga sa kagwapuhan nito.

Naglakad siya palapit sa ino-okupa nitong mesa. She pulled the chair and seated.

"Good morning, Harika," bati nito na tinanggal ang salamin at sinara ang magazine. That's the magazine where she was the cover. That was four years ago. A year after Dylan and her broke up. Bakit kaya ito ang binabasa ni Jaxin? It's a magazine about women.

"Good morning, Mr. Del Mundo," ganting bati niya.

Tumaas ang gilid ng labi nito na nakapagpabuhay sa kanyang tinagong paghanga rito.

"Is that how you want to be called, Mrs. Del Mundo?"

Nanlaki ang mata niya sa pagtawag nito sa kanya.

"That's not what I mean. I am just being formal." Depensa niya. "Harika is fine," aniya.

"Don't be formal in front of me. I am just your husband."

The way he say the word husband feels like she's in heaven. Ang sarap pakinggan pero hindi tama. Yaw niya itong idamay sa gulo ng buhay niya. Marrying him that night is a big mistake.

"And that's what we need to talk about, Jaxin." Umayos siya ng upo para sabihin dito ang plano tungkol sa annulment.

Pero hindi pa siya nagsasalita ay may sinabi na kaagad ito na hindi niya inaasahan.

"If you're thinking about an annulment, that won't work out on me, Harika."

"Pero—"

"Harika, marriage is a sacred union of two people. That's what I've been telling you that night when you kept on pushing about that marriage."

Napabuntong hininga siya at pinipigilan ang sarili na maubos ang pasensiya. Mukhang mahihirapan siya na kumbinsihin ito.

"I was drunk that night. Hindi ko alam ang sinasabi ko."

"Kaya nga ilang beses kitang pinigilan diba? You even called a lawyer and a municipal mayor that you know para lang maikasal tayo. Pinigilan ka din ni Margaux pero ayaw mong magpapigil. Have you watched the video? We kept on explaining the situation to you but you didn't care. Maybe 3 years is more than enough for you to realize the decision you made." Tiim ang bagang na wika ni Jaxin.

Natahimik na lamang siya nang sumeryoso ito.
 
   
   
= = = = = = = = =

Accidentally Married a BillionaireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon