15 - Unwanted

20.9K 498 5
                                    

  
  
   
PAGKAGALING sa puntod ng ina ay nagtungo sila ni Jaxin sa pinakamalaking mall sa probinsiya nila na matatagpuan sa kabisera. Napagdesisyunan kasi nila na mamili ng mga pwede nilang gawing souvenir bago sila bumalik ng Maynila.

Pagpasok pag lang nila sa loob ng mall ay ilang pares na ng mga mata ang nakatingin sa kanila. Hindi na siya magtataka kung maraming makakilala sa kanya dahil dati siyang artista. Ang iniisip niya ay baka hindi sanay si Jaxin na pinagtitinginan ng mga tao.

"Maybe we better go home, Jaxin."

Napatingin sa kanya ang asawa.

"Bakit naman? Wala pa tayong nabibili na kahit na ano para pasalubong kay Margaux."

"All eyes are on us. Baka hindi ka maging komportable."

Jaxin chuckled, "I am used to it, babe."

Hinila siya ni Jaxin sa loob ng isang tindahan ng kilalang brand ng mga damit.

"Anong ginagawa natin dito?"

"Let's buy you some clothes. Simula nang magsama tayo hindi mo pa naispoil ang sarili mo sa mga bagay na dapat para sa iyo. So today, buy everything you want. Use this." Inabot nito ang isang credit card sa kanya.

"Are you serious?" tanong niya rito.

"Of course. I'll just go and talk to Sean."

Hindi na siya nakaimik ng gawaran siya nito ng halik sa pisngi bago umalis. Naiwan siyang palipat-lipat ang tingin sa hawak na credit card at sa mga magagandang damit na nasa loob ng shop. A genuine smile escaped her lips as she giddily walked towards the clothes rack. She scanned the clothes and grabbed everything that suits her taste. Kasunod niya ang isang saleslady na hawak ang lahat ng kanyang magustuhan.

"Ilang milyon na naman kaya ang nahuthot mo sa Daddy pata ipamili ng mga mamahaling damit?" Napalingon siya sa pamilyar na boses na nagsalita. Hindi niya makakalimutan ang mataray, mapangmata at maarteng boses na 'yon na minsang nanghamak sa kanya bilang isang bata.

Hindi siya nagkamali nang makita ang magkapatid na anak ng ama niya sa madrasta. Si Elvi at Elma.

"I heard you came home yesterday. Sayang wala kami ni Elvi sa bahay para kaladkarin ka palabas. You don't belong in our world, Harika. Isa ka lang anak ni Dad sa isang pokpok. Huwag mo nang ipilit ang sarili mo sa mundo naming mayayaman." Tiningnan siya ni Elma mula ulo hanggang paa. She's just wearing her usual self. Simpleng  branded jeans na nabili niya sa US at Gucci shirt na regalo sa kanya ng isang artista na nakatrabaho niya dati. Her feet was covered with Supreme shoes. Simple lang 'di ba?

"Nag-artista ka nga pero ikaw din naman ang sumira sa career mo at idadamay mo pa si Dyan. Look where's Dyan now. Sikat na sikat na sila ni Miah. Unlike you na isang laos na artista and worst is may asawa na pala. Sino kaya sa inyo ni Dylan ang totoong lumandi?" wika ni Elvi na sinundan nito ng tawa kaya nakuha nito ang atensiyon ng ibang namimili.

Hindi niya pinagtuonan ng pansin ang dalawa sa halip ay binalingan niya ang sales lady.

"Bibilhin ko na ang lahat ng laman ng shop ninyo even the stocks."

Nanlaki ang mata ng sales lady. Akala siguro ay nagbibiro siya kaya nilapitan niya ito at binulungan.

"Don't get surprised. Ako lang ito. Si Harika Del Mundo. Go and ready everything. Babayaran ko mamaya may ipapamukha lang ako sa dalawang ito," aniya tukoy sa magkapatid na bakas ang gulat at inggit sa mukha kahit na panay ang ikot ng mga mata ng mga ito.

Agad namang tumango ang sales lady at sinenyasan ang ibang mga kasama na tulungan ito sa pag-aayos.

Nang abala na ang lahat ng nasa loob ng shop ay saka niya binalingan ang magkapatid.

Accidentally Married a BillionaireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon