12 - Face Off

20.6K 533 17
                                    

  
   
   

"WALANG UTANG NA LOOB ANG ASAWA KO SA KAHIT NA SINO SA INYO."

Napaangat siya ng tingin sa nagsalita mula sa likuran niya sa gawing pinto ng silid. Napangiti siya nang makita ang bulto ng asawa. Lumapit ito sa kanya at hinawakan ang kamay niyang nanlalamig sa takot sa ama.

"I'm here now, babe. You don't have to worry," bulong nito sa may tenga niya kasunod ang pagdampi ng labi nito sa kanyang noo. "It's okay now, Sean. Ready the car and my men."

Men? May mga tauhan si Jaxin? Ito ba ang kausap ni Jaxin kanina bago sila pumasok ni Sean sa opisina ng ama?

"Who the hell are you?! Who gave you the permission to enter my house?! Get lost!! This is a family matter!" sigaw ng kanyang ama sa kanila ni Jaxin, binalingan nito ang madrasta na nakatayo di kalayuan sa kanyang ama. "Call the guards!!"

"They're all down, Mr. Villamarin. My men put them down. Your security is so lame that even a handicapped person can passed through them."

"You bastard!!"

Akmang susugod sa kanila ang ama ngunit naging maagap si Jaxin at nailayo siya mula sa marahas na pagsugod nito.

"If you keep on attacking my wife like that I will have no choice but to use force against you, Mr. Villamarin." Mukhang naintindihan naman ng ama niya ang sinabi ni Jaxin dahil kumalma ito. Niluwagan nito ang pagkakakabit ng kurbata saka sila mulang binalingan. "You're Harika's husband, aren't you?"

"Yes, I am. And I'll make sure my wife is safe from your evil intentions."

Napatawa ang ama niya, "Safe? From me?" Muli itong tumawa, "Hindi mo ba alam na kung wala ako ay wala din ang tinatawag mong asawa na 'yan? Kung hindi dahil sa akin ay isa lamang palaboy ang babaeng 'yan or worst isang bayarang babae katulad ng ina niya. Binihisan, pinakain at pinag-aral ko ang babaeng 'yan. Utang ng babaeng 'yan ang buhay niya sa akin kaya wala siyang karapatan na gumawa ng desisyon na hindi sinasabi sa akin lalong lalo na ang pagpapakasal sa taong hindi ko gusto para sa kanya."

Napahigpit ang hawak niya sa manggas ng suot na long sleeves ni Jaxin. Nasasaktan siya sa mga sinasabi ng ama. Ibang tao ang tingin nito sa kanya at hindi isang anak.

"Utang na loob?? Which one? Ang pagkabuo niya sa mundong ito dahil sa panggagahasa sa kanyang ina? O ang pagkupkop mo sa kanya kapalit ng magandang imahe mo pero karumihan ng kanyang ina? O baka naman ang pagpapakain mo sa kanya ng mga pagkaing tira-tira ng iyong pamilya? O ang pagpapadala mo ng pera sa kanya para sa kanyang pag-aaral na hindi naman niya nahahawakan dahil ginagasta ng iyong asawa? Alin ba doon ang utang na loob na sinasabi mo, Mr. Villamarin?"

How did Jaxin know all of that? Ano ang alam nito tungkol sa kanya? Bigla siyang nahiwagaan sa asawa dahil sa mga sinabi nito.

Sa kabilang banda ay nakita niya ang pagkabigla sa mukha ng ama. Noon niya lamang nakita ang mukha ng ama na ganon kabahala at may takot. Buong buhay niya kilala niya ito bilang matapang at bayolenteng tao. Pero ngayon, nakita niya ang takot sa mukha nito.

"Surprised, Mr. Villamarin?" Jaxin chuckled as he wrapped his arms around her waist.

"Ako ang nagpa-aral sa babaeng 'yan. Lahat ng kailangan niya sa pag-aaral binigay ko pero ito ang igaganti niya sa akin? Napakawalang utang na loob!"

Kita niya ang galit sa mga mata ng ama habang nakatingin sa kanya at hindi kay Jaxin.

"Ang pera ba na linggo-linggo mong pinapadala ang tinutukoy mo, Hector? Bakit hindi mo tanungin ang asawa mo kung naipadala nga ba niya ang mga perang iyon o naubos lamang ang pera sa mga luho nilang mag-iina at walang nakakarating na pera kay Rika?"

Napaisip siya sinabi ni Jaxin. Naaalala niya noong nag-aaral siya na lagi siyang kinakapos sa pera. Nahihiya naman siyang humingi sa ama kaya kinailangan niyang maghanap ng scholarship at sinuwerte siya dahil napakabait ng taong nagbigay sa kanya ng scholarship.

"Liar!! Ipinapadala ko ang pera sa babaeng 'yan!" singit ng kanyang madrasta.

"Really? Kaya mo bang patunayan ang sinasabi mo, Mrs. Villamarin? Kasi ako, kaya kong patunayan ang sinasabi ko na ginasta ninyong mag-iina ang pera na para kay Harika," wika ni Jaxin sa kanyang madrasta saka binalingan muli ang ama. "Now tell me, Mr. Villamarin, may utang na loob ba talaga sa iyo ang asawa ko?"

Hindi nakasagot ang ama sa halip ay tiningnan nito ng masama ang asawa na napayuko na lamang. Ibig sabihin y guilty ito sa mga sinabi ni Jaxin. Pero paano nga ba nalaman ni Jaxin ang mga bagay na iyon? At ano pa ang nalalaman niya tungkol sa kanya?

" I know your every little secret and I can ruin your name in just a blink of an eye, Hector. So don't underestimate me. You're my wife's father but once you harm her again, you'll be behind bars or worst buried six feet under the ground. So hands off with my wife. I am now her legal guardian not you."

"Pinagbabantaan mo ba ako?!"

"No, Hector. I am telling you what I can do once you lay a hand on my wife." Nginisian ni Jaxin ang ama niya bago siya nito iginiya patungo sa pinto pero huminto sila nang may huling sabihin ang asawa. "Never ever threaten my wife again or else.."

Nagtagis ang bagang ng ama nang tingnan niya. Nagpupuyos ito sa galit at gigil. Agad naman itong dinaluhan ng madrasta.

Inalalayan naman siya ni Jaxin na makaalis sa impiyernong bahay na iyon. Nakahinga lamang siya ng maluwag nang makasakay siya sa kotse ng asawa. It feels safe when she's with him. She feels safety whenever Jaxin is around.

"Are you okay?" Hinaplos nito ang kamay niya at masuyo itong hinagkan. Nag-aalala ito sa kanya.

"I-I'm fine," aniya saka tipid na ngumiti rito. "Paano mo nalaman na nasa probinsiya ako?"

Sinadya niya kasi na hindi ipaalam rito ang desisyon dahil ayaw niya itong abalahin sa trabaho. Ayaw din niya na idamay ito sa gulo ng pamilya niya pero narito ito ngayon at iniligtas siya sa galit ng ama.

"I always have my eyes on you, babe. Always."

Lihim siyang napangiti sa sinabi nito.

"Babe? Saan naman nanggaling 'yon? Is that our endearment?" Her heart raced.

"Ayaw mo ba?"

"No, I kinda like it. It's sweet." Hindi mapalis ang ngiti sa labi niya ngunit agad nawala nang maisip na walang feelings involved sa kasal nila. "Is this marriage for real, Jaxin?"

Natahimik ang asawa. Ilang segundo pa bago ito muling magsalita.

"This is real for me three years ago, Rika. I want to be a good husband for you. Gusto kong maging maayos ang pagsasama natin. Siguro ngayon nagkakailangan pa tayo pero sooner or later alam ko masasanay din tayonsa isa't isa. Ayoko na pagsisihan mo ang desisyon mo nang gabing pakasalan mo ako, Rika. I want it to be worth it."

"You're worth it, Jaxin. More than worth it."

Isang ngiti ang sumilay sa labi ng asawa. Muli siya nitong hinagkan sa noo na nagdulot ng kuryente sa kanyang buong sistema at nagpabilis ng tibok ng puso niya.

"That's a good start," wika nito saka binuhay ang makina ng kotse. "Sean told me that you'll be staying at your mother's place. Can I stay with you?"

Mahina siyang napatawa rito. Nagpapaalam pa kasi.

"Of course! I'll be more comfortable if you're with me."

Mas lalong lumapad ang ngiti nito saka nagmaneho.
  
   
   
   
   
= = = = = = = = = = = = = = =

Accidentally Married a BillionaireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon