NAMIMIGAT ang buong katawan ni Hope nang magising siya kinaumagahan matapos ang kasal ng kapatid at ng dating nobyo.
Dama pa rin niya ang pag-ikot ng paligid nang kanyang imulat ang mga mata, gayunpaman kaagad na rumehistro sa isipan niyang wala siya sa sariling silid.
Muli niyang pinikit ang mata at pilit inalala ang mga nangyari ngunit tulad ng kanyang inaasahan, hanggang pag-inom lang ng ikatlong copa ng red wine matapos niyang makita ang ama sa wedding reception ang natatandaan niya.
Siya ang tipong hindi naaalala ang mga pinaggagawa kapag nalasing, alam niya ‘yun dahil minsan na siyang nalasing isang taon bago niya makilala si Joey, noong kinse anyos palang siya at ang naging resulta noon sa kanya kinabukasan ay bagay na ayaw na niyang balikan.
Iinat sana niya ang katawan nang maramdama niyang hindi siya nag-iisa sa malambot na kamang kinahihigaan. Napatingin siya sa kanang gilid at pigil ang singhap na napatitig sa katabing lalaki.
Hindi niya matandaang nakilala ang lalaki na sa isang tingin ay agad masasabing hindi Filipino, and what’s worse, nakaunan pa siya sa braso nito!
Marahan siyang kumilos paalis sa kama at sinuri ang sarili.
Mukha namang wala silang ginawa ng nakatabing lalaki, wala siyang kakaibang nadarama sa katawan, kompleto ang kasuotan nito at ganoon din naman siya, suot pa rin niya ang damit na ginamit sa kasalang naganap. Kung kaya wala siyang makitang dahilan para manatili kasama ng estrangherong natutulog.
Dahan-dahan siyang naglakad ng patiyakad at bawat hakbang ay sinusigurong walang ingay hangang sa marating na niya ang pintuan ng silid. Kabubukas lang niya ng pinto nang muli iyong sumara at mula sa kanyang likuran, sa itaas na bahagi ng kanyang balikat ay may isang braso na nakatukod sa pinto.
“Going away without saying goodbye?” tanong ng mabibilog na tinig, his tone was heaving with English accent that made her body shudder excitedly. Nakagat niya ang ibabang labi at napatingala sa lalaking nakangising sinalubong ang tingin niya.
“Hi...” matamlay na bati niya sabay ngiti “...this is not...” muli niyang sinubukang buksan ang pinto ngunit hindi man lang niya iyon maigalaw kahit na isang centemetro. “Look I—” naipit sa lalamunan niya ang iba pang mga kataga na nais sana niyang isigaw sa lalaki nang basta nalang nitong iyuko ang ulo at labis na inilapit ang mukha sa kanya.
“May problema ba, Sis?”
“Sis? Hey I’m not—” Woooh... Grey eyes! Oh! Stop with the admiration and get out! “—teka, marunong kang magtagalog?”
“Yes,” sagot nito binuksan ang pinto at may munting ngiti sa labi siyang nilingon. “Come on Hope, bago ka umalis samahan mo akong mag-almusal”
“Kilala mo ako?”
“Yes I do, sumunod ka nalang sa akin at sasagutin ko lahat ng tanong mo.”
Parang mapagkakatiwalaan naman niya ang estranghero kung kaya tumahik na nga siya at sinundan ito patungo sa kusinang mas organize pang tingnan kaysa sa condo niya.
*****
“SO, Tyler Greene ang buo mong pangalan, stepson ka ng father ko, nagkakilala tayo sa wedding ni Charity sa pamamagitan ni Papa kahapon, pinayagan ka rin niyang isama ako paalis, at ang dahilan kung bakit mo ako inuwi rito sa bahay mo ay dahil sa nakatulog ako sa kotse mo at hindi mo magawang gisingin...correct?” paglilinaw ni Hope sa mga narinig na paliwanag ng lalaking nagpakilalang Tyler at tinatawag ang sariling “stepbrother” niya.
BINABASA MO ANG
I'm Not Gonna Cry (Filipino romance) [complete- to be edited]
RomanceShe has it all… or so she thought. Isang bagay na lamang ang hinihintay ni Hope at iyon ay maganap ang nakatakda nilang kasal ni Joey, ang long time boyfriend niya since high school. Subalit ganoon na lang ang pagkawasak ng mundo niya nang matagpua...