Chapter 9

2.3K 48 0
                                    

NANG mga sumunod na araw at linggo ay nakasanayan na rin ni Hope na bastang tatawagan ni Tyler, dadalawin at kukulitin sa kung ano mang mga nais nito. Minsan natatagpuan nalang niya na nakikipagbalatuhan sa sarili kung ano ang susunod nitong gagawin. Subalit nang araw na iyon ay walang Tyler na nanggulo sa kanya.

Napatayo siya sa pagkakaupo sa sala, naglakad ng konti paikot bago muling naupo.

Bakit wala pa siya? tanong niya sabay tingin sa nakasabit na orasan sa itaas ng pintuan ng sala at nalamang mag-aalas otso na ng gabi. Talagang magagalit ako kapag hindi napakita ang lalaking— pinigil niya ang sarili na patuloy na mag-isip. Wala siyang dapat na kagalitan, wala siyang dapat na asahan, oo, halos araw-araw ay nakakatanggap siya kahit text man lang mula kay Tyler, pero naman nito iyon obligasyong gawin, lalo at wala naman silang pormal na pangako sa isat-isa.

Palabas na siya sa sala ng marinig niyang tumunog ang telepono. Dali-dali niya iyong nilapitan at itinaas ang awditibo.

“Hello?” masiglang bati niya.

“Hi, Hope...” lumukso ng kaunti ang puso niya sa malambing na pagkakasabi ni Tyler sa kanyang pangalan. “You. Me. Dinner. Tonight?”

“Okay ba!” walang gatol na sagot niya, sabay tapak sa isa niyang paa nang maramdaman ang pamimilipit ng kanyang katawan

“Hope? Are you okay?” tanong ni Tyler na narinig ang pag-impit niya, medyo napalakas kasi ang pagkakatapak niya sa paa.

“Yes, of course,” nakangiwi sagot niya, naupo sa malapit na silya habang hinihimas ang nanakit na paa. “Saan ba tayo magkikita?”

“Susunduin nalang kita”

“Ah, okay. Anong oras?”

“I’m on the way,”

“What!”

“Bakit may problema ba?” may pag-aalalang tanong ni Tyler.

“Huh? No...no! Hihintayin kita sige, bye!” Ibinaba na niya ang awditibo at hindi magkandatuto na hinagilap ang mga damit sa closet.

*****

 

I LOOK like a fashion disaster! naisaloob ni Hope matapos lihim na pinasadahan ng tingin ang kasamang si Tyler. Nakasuot ito ng isang simpleng white shirt na pinaiibabawan ng classic cream blazer, blue pants at sneakers.

Masyado akong alangan kompara sa kanya...mangiyak-ngiyak na isip niya. Bumukas ang hinihintay nilang elevator at pumasok sila. Doon, hindi mapakaling tiningnan niya ang sarili sa salamin, tapos ay napailing, talagang hindi siya sang-ayon sa kanyang ayos.

“Huwag kang mag-alala, you looks fine,” nakangiting sabi si Tyler.

“Madali mong nasasabi ‘yan dahil ikaw nakahanda na sa gyera, ako hinahanap ko pa ang armas ko.”

“Huh?” hindi nakakaunawa sa tinutukoy niyang tiningnan siya ni Tyler.

“Wala,” nakangusong wika niya, pinagpatuloy na sinuklay-suklay ang buhok gamit ang mga daliri habang nakaipit sa kanyang kilikili ang maliit na pouch bag na hindi bumagaw sa pantalon at blouse na mabilisan lang niyang pinili. Bigla nalang kasing dumating si Tyler sa condo niya matapos nitong tumawag at bagaman hindi siya nito inapura, siya ang nagmadali dahil sa pag-aalalang mainip ito sa paghihintay sa kanya. At dahil sa pagmamadali nakaligtaan niyang masuklay man lang ang buhok, naalala lang niya iyon nang nakaparada na sila sa parking lot ng isang five star hotel sa Makati. At ngayon nga ay sakay na sila ng elevator paakyat sa panorama restaurant ng mismong hotel.

I'm Not Gonna Cry (Filipino romance) [complete- to be edited]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon