NAMAMAGA na ang mga mata ni Hope sa pag-iyak bago siya nagpasyang maghanda ng pakain. Tumungo siya sa kusina at binuksan ang refrigerator na halos wala ng laman. Blangko ang isipan na muli niya iyong isinara, binuksan ang isa sa mga cabinet at kumuha ng isa sa mga naka-stock niyang can foods. Isang beans soup ang nauna niyang nakahawakan kung kaya iyon na rin ang ipinasya niyang initin. Subalit bago pa niya mabuksan ang lata ay narinig na niya ang doorbell mula sa labas ng apartment building.
Iniwan niya ang lata at sinagot ang tawag. “Delivery for Hope!” bungad ni Tyler pagkaangat niya ng intercom. Aalis na sana siya ng hindi ito pagbubuksan ng muli itong magsalita. “If you don’t let me come up, you’ll regret it?”
What? The nerve of this guy! Nakaangat ang kilay na isip niya ngunit sa hindi malamang dahilan ay pinagbuksan pa rin niya ito.
Hindi nagtagal ay kumakatok na ito sa front door ng condo niya. Binuksan niya ang tatlong ibat-ibang lock at bago pa siya maka-react sa dumating na bisita ay tinaas na nito ang dalawang kamay.
“I have the movie and the food,” wika ng nakangiting si Tyler, hawak nito sa kaliwang kamay ang pelikulang Ghost. At sa kanan ay dalawang take-out Chinese food, alam niya dahil sa nakasulat ang pangalan ng restaurant sa kinalalagyan ng pagkain.
“Hindi ako nagugutom,” simangot ang mukhang wika niya, isasara sanang muli ang pinto ng malakas na magreklamo ang tiyan niya.
Nanlalaki ang mata sa gulat at hiyang sinapo niya ang tiyan.
“Huwag ka nang magpakipot, iyang tiyan mo na tuloy ang sumigaw ng tulong,” tumatawang sabi ni Tyler na agad humawa sa kanya, pati siya ay natawa na rin. Contagious yatang talaga ang mga ngiti at tawa nito sa kanya. Hindi niya magawang mainis rito sa kabila ng labis na nitong pakikialam sa pananahimik niya.
“Okay fine, pumasok ka na.” Tumabi at nang makapasok ang binata. Nang nasa loob na ito ay sinara niya ang pinto
“Wow, nice condo,” tumatango-tangong wika nito na nakatayo sa hallway sa pagitan ng sala at kusina. Lumiko ito pakaliwa patungo sa kusina kasunod siya. “Nice kitchen” Iginala nito ang paningin “real nice,” dagdag pa nitong muli habang hindi inaalis ang paningin sa isang direksyon.
Tinalunton na rin niya kung saan ito nakatingin at napamulagat ng makitang sa nakasampay niyang bra sa isang sandalan ng silyang nasa harap ng kitchen table, ito nakatingin.
Mabilis niya hinablot ang bra at ibinulsa, at noon lang rin niya napagtantong naka-robe pa rin siya at hindi pa nakakapag-suklay. Bigla siyang na-conscious sa sarili, lalo na ng lingunin siya ni Tyler.
“Excuse for a while,” nagpa-panic na wika niya sa binata nang makitang umawang ang bibig nito para magsalita.
Lumabas siyang ng kusina, tumungo sa sala at pinaghahakot lahat ng gamit, pati na rin mga basura patungo sa kanyang silid. Mabilisan siyang pumili ng damit at nagpalit. Naghilamos nalang siya at medyo sinuklay ng konti ang buhok. Magiging kalabisan na kung maliligo pa siya, baka kung ano pa ang isipin ni Tyler sa mga kilos niya.
Nang sa palagay niya ay presentable enough na ang kanyang pagmumukha, lumabas na siya sa silid.
Wala na sa kusina si Tyler. Natagpuan na niya ito sa sala. Komportableng nakaupo sa sofa, sa center table ay may nakapatong na nakasarang Styrofoam boxes na alam niyang pinaglalagyan ng pagkain mula sa Chinese restaurant, sa ibabaw niyon ay ang chopsticks na kanyang pag-aari.
Aba, feeling at home na siya!
“Hope, pinaki-alaman ko nang gamit mo,” sabi ni Tyler na tumingin sa kanya nang mapansin ang pagpasok niya sa sala.
“No, okay lang,” aniya na muling nakadama ng paghilab sa sikmura, hindi lang dahil sa gutom kundi dahil sa nasilayang chow mein nang buksan ni buksan ni Tyler ang Styrofoam boxes. “Paborito ko iyan,” hindi niya mapigilang sabihin.
“I know,” nakangiti namang wika ni Tyler na saglit lang siyang nilingon at pinagpatuloy ang ginagawa. “Halika kumain na ta’yo” anito at pinagpag ang kamay sa tabi.
Hindi na siya nagtanong kung paano nitong nalaman ang paborito niya, numero at address. Hindi man nito sabihin alam na niyang ang ama niya ang may kagagawan. Ito lang naman ang maaaring magsabi ng lahat ng impormasyon tungkol sa kanya sa binata. But then again, nakakaluwag ng loob ang palangiti at masayahing mukha ni Tyler.
“Let’s dig in!” masiglang wika nito, itinulak sa tapat niya ang pagkain. Ngiti lang ang iginanti niya rito. Magsisimula na sana siyang kumain ng itaas nito ang DVD sa harap ng mata niya at iwinagayway. “Movie?”
Marahan siyang tumawa. “Okay, movie too,” pinatitirik ang matang sabi niya at iminuwestra ang kinaroroonan ng DVD machine na agad tinungo ng binata at pinasok ang disk.
Habang kumakain at pinanonood niya ang pelikula, naisip niyang hindi masamang mapanood niyang muli ang pelikula kasama ng ibang tao. She knows she have to move on sooner or later, at magandang simula ang pagpapalit niya ng alaala sa mga bagay na nagpapaalala sa kanya kay Joey.
-----------
AN:
Salamat po sa mga readers na patuloy na sumusubaybay ng kuwentong ito, please don't forget to vote if you like it, o kaya naman ay mag-comment. :)

BINABASA MO ANG
I'm Not Gonna Cry (Filipino romance) [complete- to be edited]
RomanceShe has it all… or so she thought. Isang bagay na lamang ang hinihintay ni Hope at iyon ay maganap ang nakatakda nilang kasal ni Joey, ang long time boyfriend niya since high school. Subalit ganoon na lang ang pagkawasak ng mundo niya nang matagpua...