NAUDLOT ang paglalagay ni Hope ng mga tinuping damit sa luggage nang may kumatok sa nakabukas na pinto ng silid niya. Nilingon niya ang ama at ngumiti.
Linggo noon kung kaya wala ito sa opisina. Nang dumating siya kaninang umaga mula sa tahanan ni Tyler. Agad itong nagtanong kung anong nangyari nang makita siya. Subalit sinabi lang niyang wala at nais lang niyang mapag-isa. Susundan pa nga sana siya nito sa silid ng umiiling itong pigilan ng asawa, na alam niyang nakakaunawa na may nangyaring hindi niya nagustuhan.
Nakangiti man ay sigurado siyang nababasa pa rin ng mag-asawa na may dinadala na naman siyang mabigat na problema, kung kaya kahit na labag man sa kalooban ng mga ito ay nagpumilit siyang babalik na sa Pilipinas, sa ayaw man o gusto ng mga ito.
“May kailangan ka ‘Pa?” tanong niya sa ama at tinapos ang paglalagay ng mga damit.
“Nasa ibaba si Tyler,” malungkot ang mukhang sagot nito, “gusto ka raw niyang makausap.”
Nanigas naman ang mukha ni Hope. “Paki-sabi pong umalis ako at wala rito,”
“At sa palagay mo ay paniniwalaan ko ‘yan?”
Sabay na napatingin si Hope at ang ama niya sa binatang sumandal sa pintuan na naka-kross ang mga braso, naka-ekis ang mga binti, and like always, looking cool with his wavy blonde hair hanging down half of his face.
This jerk! Bakit siya pa yata ang galit? Inis na isip ni Hope, sinara ang luggage bag at ibinaba paalis sa kama. Walang imik siyang naglakad patungo sa pinto. Nilampasan niya ang ama at ganoon rin sana ang balak niyang gawin kay Tyler subalit hinawakan siya nito sa braso.
“Bitiwan mo ako! Bakit ka ba narito!” Nagpapalag na wika niya pero hindi man lang niya ito naigalaw sa kinatatayuan. She felt like a kid being hold on the neck by adult guy.
“Sam, pwede ko bang makausap ng sarilinan ang dalaga mo?” tanong ni Tyler sa ama niya sabay salo sa kamay niyang patungo sana sa pisngi nito.
Napatango naman ang ama niyang litong napatingin ng pabalik-balik sa kanila ni Tyler bago sila nito iniwan.
“Now then,” wika ni Tyler ginapos siya at binuhat pabalik sa loob ng silid. Tapos ay binagsak siya sa kama.
“Ouch that hurts!” sigaw niya at nagulat pumaibabaw sa kanya ang binata. “G-get off!” Sinubukan niya itong itulak pero mas lalo lang itong dumagan sa kanya.
“Bakit ka umalis kahit na tawag ako ng tawag sayo?”
“Bakit naman hindi? Your wife was there for you,” nanunulis ang ngusong bulong niya, umibis ng tingin.
“I have no wife!”
“Yes you do! In case you forgot, Britanny ang pangalan niya.”
“Nagkakamali ka at alam mo ‘yan!”
“Pero—”
“Yes, it true that she was my wife.” Umalis si Tyler sa ibabaw niya at naupo sa gilid ng kama na sapo ang mukha.
“See, see!” Nakaturo kay Tyler na wika ni Hope. “So, ngayon masaya ka nang bumalik na siya?”
“No!” Nilungon siya ni Tyler pumaibabaw muli sa kanya, “Kung may babae man akong gustong mapasa-akin walang iba kundi ikaw!” With his face so tender Tyler continued, “Hope, I love you.”
Napamulagat siya sa narinig ngunit agad rin siyang napapikit ng inangkin ng binata ang labi niya.
As I thought making love rather that only sex is the best, Hope thought as she melt into Tyler’s warm embrace.
*****
“SO sino sa inyo ang unang nakipag-hiwalay?” Tanong ni Hope habang nakahiga at nakayakap sa baywang ni Tyler.
“Si Britanny,”
Tumingala siya kay Tyler. “So, paano kong masisiguro na talaga ngang hindi mo na siya babalikan? From the way I saw it, she pretty much in love with you.”
Ngumiti si Tyler. “Relax Hope. I swear that will never ever happen.” Hinalikan siya nito sa noo bago nagpatuloy. “Ginamit ako ni Britanny para makaalis ng bansa at hiniwalayan matapos ko siyang matulungan na immigrate ang buong pamilya rito sa Australia. Now tell me, akala mo ba ay isang akong tanga para makipagbalikan sa kanya, ngayong gusto niya?”
Nakadama ng pagka-awa sa binata si Hope. Noon niya naunawaan kung bakit hindi siya nito pinabayaan noong nalulungkot siya dahil kay Joey, dahil ito man ay dumaan sa mismong sakit na dinanas niya.
Inabot ni Hope ang pisngi ni Tyler at marahang hinipo. “Tyler, I—” Naantala ang pagsasalita niya nang tumunog ang cell phone niya. “Excuse me,” Dinukot niya ang cellphone sa bulsa ng kanyang pantalon na nasa sahig.
Tiningnan niya ang caller ID at nakitang si Ara ang tumatawag. “Ara, sobrang bad timing naman ang pagtawag mo!” pabulong na singhal niya sa pinsan at nakangiting nilingon si Tyler.
“Sorry Hope, pero may natuklasan lang akong agad mong dapat malaman.” Nagpapanic ang tinig na wika ni Ara.
“At ano naman yan?”
“Ang dahilan kung bakit ni Joey pinakasalan si Charity!”
BINABASA MO ANG
I'm Not Gonna Cry (Filipino romance) [complete- to be edited]
RomantizmShe has it all… or so she thought. Isang bagay na lamang ang hinihintay ni Hope at iyon ay maganap ang nakatakda nilang kasal ni Joey, ang long time boyfriend niya since high school. Subalit ganoon na lang ang pagkawasak ng mundo niya nang matagpua...