“MY BOY, she’s right under your nose.”
Damn! Mura ni Tyler nang muli ay maalala ang sinabi sa kanya ng tiyahin. Kasalukuyan siya noong nasa cockpit ng eroplano at pauwi na sa Australia mula sa Dubai.
It’s been three months mula ng magkahiwalay sila ni Hope sa Pilipinas at siya ay bumalik sa Australia kasama ng mga magulang, pero hanggang sa kasalukuyan ay hindi man lang mawala-wala sa isipan niya ang dalaga. Lagi niyang naiisip ang mga masasaya at nakakatawang bagay na naganap ng sila ay magkasama. Minsan matatagpuan nalang niya ang sariling nag-i-imagine na ito ay nagpapakita sa kanya.
This is all Auntie Pearly’s fault! Kung hindi na sana niya binanggit sa akin si Hope ay hinding-hindi ako ngayon nagkakaganito!
“—tain, Captain.”
“Hmm? Yes, what is it?” tanong niya sa first officer.
“Are you okay?” balik-tanong nito na alam niyang ang tinutukoy ay ang pagiging absent-minded niya.
“Yes, Justin, is that all?”
“No, Captain. The stewardess asked if you want some lunch,”
“Yes please,” aniyang saglit na nilingon ang stewardess.
*****
SAMANTALA gabi na nang makarating ang eroplanong sinakyan ni Hope sa Sydney, Australia. Alas-onse na at kahit na isa sa mga magulang niya ang balak niyang bisitahin ay nahihiya siyang abalahin ang mga ito sa ganoong oras ng gabi.
Sakay ng taxi, nagpahatid siya sa pinakamalapit na pension house. Wala siyang malaking pera kung kaya isang simpleng silid na may shower lang ang kinuha niya, doon siya nagpalipas ng gabi at kinaumagahan ay agad sumulong sa tahanan ng ama.
Maalab ang naging pagtanggap sa kanya ni Penny, kung tratuhin siya nito ay walang boundary, pakiramdam niya ay mas parang tunay siya nitong anak kung umasta.
“You missing something sweetie?” ani Penny sa kanya na siguro ay napansin ang kanina pang nanghahaba niyang leeg.
“Ah no. I’m just—” alangan siyang napangiti at hindi maituloy ang sasabihin.
“Come on, don’t be shy,” pilit nito sa kanya, tapos ay naupo sa katapat niyang armchair sa sala. “Your father just got out for a while to—”
“No, M-Mom,” antala niya sa stepmother gamit ang nais nitong pagtawag niya. Medyo nakakapanibago pa ring tawagin ito sa ganoong pangalan pero masasabi niyang nakakataba ng puso ang kabaitan nito. “Actually, I’m just wondering if Tyler was around,” patuloy niya.
Narinig niya mula sa ama na pabalik mula sa Dubai ang binata sa araw na iyon. Kung kaya nga sinigurado niyang sa araw na iyon ay naruruon na siya para sorpresahin ito.
Sa pagtungo niyang iyon sa Australia ay nagbabakasakali siyang mabigyan ng kasagutan ang mga katanungan sa puso niya. Gusto niyang makompirma kung tama nga ba ang hinala niya sa sarili na si Tyler na ang nagmamay-ari ng puso niya o baka naman ay nabubulagan lang siya dahil sa ito ang sumagip sa kanya noong siya nasa state of depression siya.
“Oh, I’m sorry Hope but Tyler’s not living with us anymore,” sagot ni Penny sa katanungan niya.
“Is that so…” hindi maitago ang pagkadismaya na sabi niya.
“But I’ll tell him to come!” masiglang wika ni Penny tumayo mula sa pagkakaupo at bago pa niya ito mapigil ay hawak na nito ang wireless telephone at dumadayal. “Let’s have dinner together!” dugtong pa nito bago lumabas ng silid at kinausap ang anak sa telepono.
*****
“WHAT did you said mom?” humihikab na tanong ni Tyler sa sinabi ng ina. Alas-tres na ng umaga bago siya makarating sa apartment niya kung kaya hindi masyadong malinaw sa kanya kung ano ang pinagsasabi ngayon ng ina.
“I said. Can you come over soon?”
“Mom you woke me up for that? I’m still sleepy. I can’t—”
“Hope is here and she’s looking for you,”
“I’ll be right there!” walang gatol na balik niya sa ina, binaba ang telepono at agad na naghandang umalis. Naglaho lahat ng antok na nadarama niya pagkarinig sa pangalan ng dalaga.
Pagkatapos lang ng ilang minuto ay nasa harap na siya ng bahay ng mga magulang at kumakatok sa pinto ng mga ito.
“Coming!” Narinig niyang tinig ng ina at ilang sandali pa ay binuksan na nito ang pintuan at binabati siya. Subalit matapos niyang halikan sa pisngi ang ina ay nagmamadali na siyang pumasok at hinanap sa loob ang dalagang naging palaging laman ng kanyang isipan.
Sa sala niya natagpuan ang hinahanap.
“Ty!” Nagliliwanag ang mukhang tumayo sa pagkakaupo si Hope.
“H-Hi” Natitigilang balik niya. Noon niya nabatid sa sarili na labis nga palang talaga ang nadarama niyang pananabik kay Hope. At sa kasalukuyan ay para itong nagniningning sa paningin niya.
*****
LARAWAN ng isang perpektong pamilya ang naganap sa harap ng hapagkainan na pinalilibutan ng mag-anak. Masaya, masigla at puno tawanan at biruan habang kumakain ngunit isang bagay ang halatang iniiwasan ng lahat, at iyon ay ang lovelife ni Hope at Tyler.
Mabilis na lumipas ang mga sandali at natapos din ang hapunan, dessert at nang mas lumalim pa ang gabi, nauna nang namaalam na matutulog si Penny, agad itong sinundan ng asawang si Samuel.
Nang sa wakas ay silang dalawa nalang ang naiwan sa loob ng sala, nakadama ng pagkailang si Hope sa nagharing katahimikan sa pagitan nila ni Tyler. Kapwa sila nagmamatyag sa kilos ng bawat isa. Nang hindi na siya makatiis sa palitan nila sulyap nagpasya na lang siyang tumayo.
“Matutulog ka na ba?”
“Umm...not really,” aniya, lihim ngumiti bago lumingon kay Tyler na noon ay nakaupo sa sofa at umiinom ng kulay berdeng liquor. “Naisip ko lang na magpahangin muna sa labas, alas-otso pa lang naman.”
“Oh! Sasamahan na kita,” ani Tyler na mabilis nakalapit sa pintuan matapos ilapag ang liquor glass sa center-table.
BINABASA MO ANG
I'm Not Gonna Cry (Filipino romance) [complete- to be edited]
RomanceShe has it all… or so she thought. Isang bagay na lamang ang hinihintay ni Hope at iyon ay maganap ang nakatakda nilang kasal ni Joey, ang long time boyfriend niya since high school. Subalit ganoon na lang ang pagkawasak ng mundo niya nang matagpua...