BONGGA at napaka-elegante ng ayos ng simbahan nang araw ng kasal ni Joey at Charity, namumuti ng bulalak ang magbilang gilid aisle kung saan marahang nagmamartsa ang ring bearer, mga abay na nakasuot ng purple gown at sa likuran ng mga ito ay ang bride na may malapad at matamis na pagkakangiti habang inaabot ng ina ang kamay ng anak sa lalaking naghihintay sa harap ng altar.
Samantala sa unahan ng mga nakahilirang upuan sa loob simbahan ay walang expression na nakaupo si Hope. Mataman niyang pinanonood ang bawat kaganapan sa buhay ng kapatid, na dumudurog sa kanyang buong pagkatao. Gayunpaman ay walang ibang nakikita ang mga tao sa kanyang mukha kundi ngiti.
Alam niyang tinatawag na siyang tanga ng marami dahil sa kanyang pagdalo sa kasalang nagaganap, lalo na ng mga nakakaalam na siya ang unang pinangakuan na pakakasalan ng lalaking ngayon ay nangangakong mabubuhay kasama ng nakababata niyang kapatid, pero kailangan niyang naruruon, gusto niyang itatak sa puso’t isipan ang sakit na dinulot sa kanya ng pagmamahal at ang kinalabasan ng sobra niyang pagtitiwala sa mga taong kanyang minahal. Kaya maluwag niyang niyayakap ang mga tagpong patuloy na nangyayari sa harap ng kanyang paningin, nang ganoon ay matanggap niya sa sarili na sa mundong ibabaw ay wala siyang mapagkakatiwalaan, gaano man niya katagal na kilala ang isang tao ay hindi pa rin iyon magiging sapat.
“Umm...Hope, bakit ka pa dumalo? Sigarado ka bang okay ka lang?” Nasa mukha ang pag-aalalang tanong sa kanya ng pinsang si Ara Grace ngunit sa kanyang isipan ay naisip niya, na malamang na natatawa na ito ng todo sa kanya dahil sa mga kagagahan niya sa paningin nito.
“Okay lang ako Ara,” malambot ang tinig na wika niya na hindi inaalis ang ngiting nakapaskil sa kanyang labi. “At bakit naman ako hindi magiging okay? My little sister is getting married! And soon they are... going to build a family.”
“Hope...” naawang kumurba ang kilay ni Ara habang nakatingin sa pinsan. Alam na alam ni Ara Grace kung gaano kamahal ni Hope si Joey. Sa tuwing nagkakausap sila noon ay ito ang pinagmamalaki nito. “Nasaan nga pala si Tito Samuel?” biglang iba niya sa usapan, sinikap na pagsiglahin na rin ang tinig. Close si Hope sa ama at matatawag nilang papa’s girl ito kung kaya sigurado siyang kahit papaano ay maaalis ang ng ama nito ang atensyon ng pinsan sa paligid, pero parang walang gana lang siyang sinagot ni Hope.
“Hindi pa sila nakakarating ng asawa niya,” anito, tumingin sa kanya. “Bakit nagtataka ka ba kung bakit hindi siya ang naghatid kay Charity sa altar?”
“Hindi, nagtataka lang kasi ako kung bakit hindi ko siya nakita,” alangan niyang sagot sabay ngiwi. Shit! Nag-backfire ang sinabi mo gaga! Lihim na mura ni Ara Grace sa sarili at mas pinili na manahimik na lang. Sa katunayan hindi lang ang ama ni Hope ang wala roon, marami sa mga kapatid ng tiyuhin niya ang hindi dumalo sa kasal nang mabalitaan ng mga ito kung sino ang lalaking ikakasal kay Charity. Lahat ng mga ito ay iisa ang opinyon, masyadong malupit ang ginawang pag-agaw ni Charity sa dating fiancé ng nakatatanda nitong kapatid, at hayagang pag-suporta ng ina ng mga ito sa bunso.
Ang totoo maging siya ay wala ring balak na dumalo ngayon sa kasal, ngunit nang malaman niya mula sa Tiya Layla niya na dadalo daw sa kasal si Hope, hindi na rin siya nagdalawang isip na lumuwas ng Manila. Hindi niya malaman ang dahilan ng mga ginagawa ni Hope pero hindi maganda ang nararamdaman niya.
Napatingin siya mga ikinasal na noon ay palabas na ng simbahan at sinasabugan ng mga flower petals.
Charity, Joey. Paano ninyong nagagawang ngumiti? Lihim niyang tanong sa dalawa na tila nais na niyang kamuhian nang bigla ay napansin niyang habang naglalakad ay saglit na sumulyap si Joey sa kinaroroonan nila Hope. At sa mga sandaling iyon ay nakita niya ang napakaraming damdamin na lumarawan sa mata ng lalaki habang nakatitig kay Hope, at isa na roon ang labis na galit. Damdaming mabilis rin na naghalo nang lumipat ang tingin nito sa kanya at magtagpo ang kanilang mata.
Wha—What the heck was that?! Takang-taka na saloob niya, at sinundan niya ng tingin ang kotseng sinakyan ng mga ito na patungo sa reception venue.
*****
SA WAKAS ay napatigil na rin sa paikot-ikot na paglalakad ni Samuel sa loob ng hotel suite na pinanatilihan nilang mag-asawa simula ng dumating sila galing Australia. Naupo siya sa isang silya malapit sa night table at malalim na bumuntong-hininga nang muling makita ang wedding invitation na kanyang natanggap mula sa bunsong anak na si Charity.
Patayo na naman sana siya nang maunahan siyang idiin ng asawa sa kanyang kinauupuan.
“Stay still, Sammy dear. I get dizzy looking at you,” malambing na wika ng Autraliana niyang asawa, naupo ito sa kanlungan niya.
Nakangiti niyang niyakap sa baywang ang asawa. “Your right Penny,” sang-ayon niya rito. Talagang ibang-iba si Penny kompara kay Almida—nauna niyang asawa—yun nga lamang nakaklungkot na sa pitong taon na pagsasama nila ni Penny ay hindi sila nabiyayaan ng kahit isang anak. Subalit hindi naman iyon labis na nakapagtataka, dalawang taon lang ang tanda niya rito at kwarenta’y singko na ito nang sila ay magpakasal, limang taon matapos nilang mag-divorce ni Almida.
“Teka nasaan na pala ang binata mo?” tanong niya sa asawang nakatangang napatingin sa kanya. “Sorry. I tend to forget English when I’m in the Philippines,” paumanhin niya sa asawang nakakaunawa lang siyang ngitinian. “Your son?” ulit niya sa katanungan na ang tinutukoy ay ang binatang anak ni Penny sa nauna at yumao na nitong asawa.
“Oh! You know Tyler! He’ll come, he’s just late probably. Which you are too!” Binalingan ni Penny ang hawak niyang invitation card. Alam na nito ang kuwento at dahilan ng pag-aatubili niyang dumalo. “My dear, she’s still your daughter! You should at less congratulate and let her know that you came for her.”
Nakayukong siyang hindi sumagot sa asawa, alam niyang tama ito sa sinabi pero hindi pa rin niya maiwasang sumama ang loob sa bunsong anak. Talagang gulat na gulat siya nang malaman na ang binatang nakahanda nang pakasalan ng panganay niya ay ikakasal kay Charity. Pakiramdam niya ay magiging traidor siya sa panganay kapag siya ang maghatid rito sa altar, kaya nga sinadya niyang hindi pumunta sa simbahan pero ngayong nakahanda na siyang tumungo sa reception ay tila ayaw pa rin sumunod ng mga paa niya.
Karga ang asawa siyang tumayo. “Go with me Penny,”
“No Sammy. It’s your family and I’m not sure your ex-wife would be so happy to see me,” tanggi nito na bahagya niyang kinalungkot. “Don’t worry! I’ll send Tyler after you.”
“Okay,” sumusukong makumbinse ang asawang wika niya at naghanda ng umalis.
_____________
AN: Maraming po salamat sa patuloy na pagbasa, please vote or comment, bad or good. As I always love to read feedbacks.
BINABASA MO ANG
I'm Not Gonna Cry (Filipino romance) [complete- to be edited]
RomanceShe has it all… or so she thought. Isang bagay na lamang ang hinihintay ni Hope at iyon ay maganap ang nakatakda nilang kasal ni Joey, ang long time boyfriend niya since high school. Subalit ganoon na lang ang pagkawasak ng mundo niya nang matagpua...