Chapter 15

2K 44 0
                                    

“GOODNIGHT Hope,” bulong ni Tyler at banayad na hinalikan sa pisngi ang dalagang nakatulog sa braso niya. Medyo masyado niya itong napagod sa mga pinaggagawa pero ano ba ang kanyang magagawa? Dalawang araw siyang mawawala simula bukas dahil sa Dubai siya mag-o-overnight at sinusulit lang niya ngayon ang pagkakataon para makatiis siyang hanggang sa sunod nilang pagkikita.

Marahan siyang kumilos at maingat na inilipat ang ulo ng dalaga sa unan bago umalis ng kama. Isinuot niya ang maong na pantalon at bitbit nalang ang polo na humakbang nang marinig niyang umungol si Hope.

May ngiti sa labi niya itong nilingon, ngiting napalitan ng lungkot ng malinawan ang katagang binanggit nito.

“Bakit… Joey… alam mo… mm…” ani Hope na bumalik sa ordinaryong pag-ungol.

Medyo sadsad na ipinagpatuloy ni Tyler ang paglalakad.

Maraming araw na ang nakalipas mula ng maunawaan niya ang damdamin para kay Hope ngunit hindi niya iyon magawang ipagtapat sa maraming dahilan; isa na roon ang katutuhanang nakikita niya na hanggang sa kasalukuyan ay hindi pa niya naagaw ang pagmamahal nito sa dating nobyo. Sabi nga mismo ni Hope, “friend with benefits” lang ang relation nila para rito.

Damn! Mabigat ang loob na mura niya matapos makalabas ng silid.

Imbis na umuwi sa sariling tahanan at maghanda sa muling pag-alis, ipinarada lang niya ang kotse sa garahe at tumungo sa isang malapit na bar. Hindi na niya matandaan kung gaano karaming inumin ang nainom niya pero bandang alas-singko ng umaga nang pasuray-suray siyang umuwi sa apartment, kung saan may isang pamilyar na babaeng naghihintay sa kanya sa may pintuan ng gusali, nais sana niyang magprotesta ng nagmamadali siya nitong alalayan ngunit habang hawak nito ang braso niya ay tuluyan na siyang nakatulog sa kalasingan.

*****

NANGANGAPANG napaungol si Hope at tuluyang nagising nang madama niyang wala na siyang katabi. Napatingin siya sa orasan at nakitang mag-aala-sais na ng umaga. Kinuha niya ang unan na ginagamit ni Tyler sa tuwing sa silid niya ito nagpapalipas ng gabi at iyon ang niyakap.

“Hmmm...smells like Tyler,” bulong niya at muli sanang babalik sa pagtulog nang marinig niya ang pagtunog ng telepono. Tinakpan niya ng unan ang tainga, subalit agad din naman niyang inalis ng madinig na binanggit ni Penny ang pangalan ng anak.

Inaantok man ay tinuluyan na rin niya ang pakikinig.

“What do you mean your at home?” tanong ni Penny sa binata. “If you know that you’re suppose to be back on the job why did you make yourself drank?”

Napabangon si Hope. Nagsuot ng bathrobe at humihikap na lumabas ng silid. Nginitian naman siya ni Penny nang siya ay makababa bago nito salpok ang kilay na bumalik sa pakikipag-usap sa telepono.

“You want me to come to help you? Are you crazy? No way, you stupid son!”

Mahinang napahagikhik si Hope, nakikini-kinita na niya ang hitsura ni Tyler na nasisigawan ng ina, pero agad ring napalis ang ngiti niya ng mapansin ang biglang pagseryoso ng mukha ni Penny habang nakikinig kay Tyler.

“Okay, I understand. Yeah, I will be there don’t worry.” Mahinahong wika ni Penny bago ibaba ang telepono. Naulinigan pa niyang mahina itong napamura.

Bigla siyang nag-alala. “M-mom Penny is something wrong with Tyler?” Penny paused then looked back to Hope with an evil grin.

“M-Mom P-Penny?” nag-aalangang napatingin si Hope sa stepmother niya na bigla siyang hinawakan, nakangisi pa rin.

“Hope, I need you to do something!”

“Yes?”

“Oh my poor son, suffering from too much drinking yet...” kunwari ay nagpahid ito ng luha gamit ang sleeve ng suot na blouse, “Hope, could you dress up nicely then go and help Tyler?”

“Yes, I could but do I have to dress up—”

“Just do it!”

“Yes!” malakas naman niyang sagot sa babae bago ito natatawang sinunod.

*****

SA TULONG NG MAP na binigay ni Penny, natagpuan ni Hope ang tahanan ni Tyler sa Australia na kahit minsan ay hindi pa siya nakapupunta. Hindi dahil sa hindi siya naimbita ni Tyler kundi dahil na rin sa wala pa siyang oportunidad para magtanong.

“Well, today might as well be the day,” bulong niya sa sarili habang hinahanap ang pangalan ni Tyler sa doorbell button ng kaharap na gusali. Di tulad ng tahanan nito sa Pilipinas, sa Autralia ay sa isang simpleng apartment building lang nakatira si Tyler.

Natagpuan niya ang pangalan ng binata at pinindot iyon.

Isang pagod na boses ng lalaki ang sumagot, “Mom is that you? Hurry and come up.” ‘Yun lang at ibinaba na ni Tyler ang intercom tapos ay narinig na niya ang buzzing sound ng na-unlock na main door ng gusali.

Nakasimangot niya iyong binuksan at nagmamadaling tumungo sa apartment floor ni Tyler at imbes na muling mag-doorbell ay kinatok na niya iyon.

“I’m not your mom!” Bungad ni Hope pagbukas na pagbukas ng pinto, ngunit gulat na napaurong siya ng makitang isang magandang babae na may mahabang buhok, at matangkad lang ng kunti sa kanya ang nagbukas ng pintuan. “Sorry, I might be on the wrong door,” wika niya tumingin sa labas ng pintuan na walang tatak na ano mang pangalan. “Do you know where Tyler Green’s apartment door? It should be in this floor” aniya, pinagmasdan ang babae. Elegante ang dating nito sa suot nitong knee-level pencil skirt na pinaresan ng white long sleeve blouse.

Bigla tuloy siyang na-insecure sa suot na jeans and t-shirt, siguro ay dapat ngang nagbihis siya ng mas maganda tulad ng sinabi ni Penny.

Umuwang ang labi ng babae pero bago pa man ito makasagot ay may narinig na silang lumagapak sa corridor.

Lumingon ang babae at naglakad pabalik sa loob ng apartment “Tyler! Sinabi ko nang manatili ka sa kama!” narinig niyang wika ng babae na pinangunot ng noo niya.

Did she just say Tyler?

“Bakit ba naglasing ka? Alam mo namang wala kang tolerance pagdating sa alcohol.” Wika muli ng bababe.

“Shut up! Mom is that you?” narinig niyang tanong ng isang tinig lalaki, sa pagkakataong iyon ay nasiguro na ni Hope na hindi nga siya nagmakali sa kinatok na pinto, nasa harap nga siya ng apartment ng binata.

Walang atubili siyang pumasok sa loob ng apartment at nakita si Tyler na mukhang lasing na lasing pa rin, ni hindi ito makatayo ng tuwid habang nakakapit sa pintuan ng isang silid. Naka-robe lang ito.

“H-Hope?” wika ni Tyler ng malingunan siya, sabay waksi sa kamay ng babaeng nagtatangka itong hawakan. “Pabayaan mo na ako Britanny! Hanggang kailan ka ba—” biglang napahawak si Tyler sa sikmura at natumba.

“Tyler!” sabay na tawag ni Hope at Britanny, sabay rin silang lumapit sa binata ngunit tinabig siya ni Britanny. “Stay away from him!” sigaw nito habang nagsusumikap na itayo si Tyler. “You stay away from my husband!”

Parang kutsilyong lumipad patungo sa dibdib ni Hope ang huling sinabi ni Britanny. “I-I see, so that’s how it is.” Naluluhang naapaatras siya habang nakatitig sa braso ni Tyler na noon ay nakahawak na rin kay Britanny.

“W-Wait, Hope, it’s not what you think,” sabi ni Tyler, pinipilit ang sariling magsalita.

“Ang tanga ko, bakit ba inakala ko pang maari na akong magma—” dinaan niya sa tawa ang biglang pagpiyok ng tinig, at tila walang naririnig na tumalikod. “Okay, the third-wheel will now make her exit.” She said waving her hand without looking back.

I’m not gonna cry, sabi niya sa sarili habang tuloy-tuloy na humakbang palabas ng apartment na may nakapaskil na ngiti sa labi at nagbingi-bingihan sa kung ano mang sinasabi ni Tyler.

I'm Not Gonna Cry (Filipino romance) [complete- to be edited]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon