NAIILING na isinandal ni Tyler ang ulo sa headrest ng upuan sa kotse. Hindi pa rin nagbabago ang Manila, simula nang una siyang sumama-sama sa stepfather niya five years ago, mainit, mausok, maingay at ma-traffic pa rin ito.
Nang huminto ang mabagal na pag-usad ng mga sasakyan ay mas pinalakasan pa niya ang aircon ng kotse.
“Oh god! This is going to take forever,” nasa tinig ang Australian accent na bulong niya habang pilit na pinapahaba ang pasensiya sa maiingay na kotseng panay ang pagpapalitan ng busina.
Hindi lang naman ang mga ito ang nagmamadali, siya man ay ganoon din. Kailangan niyang makarating sa wedding reception, hindi man ayon sa kagustuhan niya ngunit nakapangako na siya sa ina na susundan doon si Samuel, ang stepfather niya.
Pagkalipas ng ilan pang minuto ay muling umabante ang mga sasakyan sa unahan at unti-unti ay nakalabas rin siya sa traffic. Hindi nagtagal ay nakarating rin siya sa harapan ng isang five-star hotel at naiparada ng maayos ang kotse.
Pagpasok niya sa reception hall ay agad niyang natanaw at nilapitan si Samuel. “Hi Sam!” bati niya sa stepfather na parang magkaibigan lang kung sila ay magturingan mula ng ito ay ikasal sa ina niya.
“Ah! Tyler its good that—just a minute,” itinaas nito ang hintuturo sa kanya at nilingon ang babaeng kausap nito kanina ng papalapit siya, na noon ay tumalikod para lumayo. “Hope! Halika rito,” dikta ni Samuel.
“'Pa, tama na ang sermon! This is a happy occasion, kaya dapat magsaya tayo! Happy!”
“Ikaw talagang bata ka, sino naman ang maysabing se-sermonan pa kita? Halika gusto kong ipakilala sa’yo ang step-brother mo,” sabi ni Samuel sa babaeng sinalubong ang tingin niya. Her sad dark-brown eyes was overshadowed by her bright smiling face. “Tyler meet Hope. Hope siya ang stepbrother mo, si Tyler.”
“Hi!” nakangiting bati niya kay Hope na madalas marinig sa mga kuwento ni Samuel. At hindi nga nagsisinungaling ang lalaki ng sabihin nito sa kanyang maganda ang panganay na anak. Sa simpleng white mock dress na suot nito at buhok na hanggang ibabaw ng balikat ang haba ay para itong life-size doll kung tingnan.
“Hello!” masigla namang balik ni Hope sa kanya, halata sa palimbag-limbag na pagkakatayo ang sobrang pagkalango sa kung ano mang alak na nainom. “Gusto mo bang sumayaw?” ani Hope na iniabot ang kamay sa kanya.
“Sure...” Alangan niyang tanggap sa imbitasyon ng dalaga matapos siyang tanguhan ng ama nito.
“Blonde hair, bright grey eyes, and really tall. Hindi ka Filipino step-bro pero marunong kang magtagalog. Sa Pilinas ka ba lumaki?”
“Not really,” simpleng sagot niya sa tanong ng dalaga na medyo nagpasama sa takbo ng mood niya. Nagpasalamat na lang siya ng hindi ito gaanong nag-usisa pa.
Nang marating nila ang gitna ng dance floor ay noon naman napalitan ng love song ang rock music na tumutugtog, tila ba sinasadya ng pagkakataon na slow dance ang gawin nila ni Hope. Napatingin siya sa dalaga. Matagal-tagal na panahon na rin siyang hindi nagkikipagsaway sa isang babae kaya medyo nag-aalangan siya. Isa pa, isang ala-ala na ayaw niyang maisip ang kanina pa patuloy na sumisiksik pabalik sa isipan niya nang dahil sa pagtungo niya sa wedding reception na ito.
Kung bakit naman kasi ay nagpakumbinse pa siya sa Mommy niyang sundan si Samuel.
Buntong-hiningang tatalikod na sana siya nang pigilin siya ni Hope. “What’s the matter, Ty? Ayaw mo ba akong isayaw?” nakatingala sa kanyang tanong nito, ikinawit pa ang braso sa batok niya.
Hindi na nga siya nakatanggi pa sa ginawa ni Hope, banayad niyang idinantay sa maliit nitong baywang ang kamay at sinimulang umindayog sa tugtugin.

BINABASA MO ANG
I'm Not Gonna Cry (Filipino romance) [complete- to be edited]
RomanceShe has it all… or so she thought. Isang bagay na lamang ang hinihintay ni Hope at iyon ay maganap ang nakatakda nilang kasal ni Joey, ang long time boyfriend niya since high school. Subalit ganoon na lang ang pagkawasak ng mundo niya nang matagpua...