Chapter 11

2.1K 41 0
                                    

“WELCOME to Pampanga!” masigla at malapad ang ngiting wika ni Tyler kay Hope nang pumasok ang sinasakyan nilang kotse sa border ng probinsyang nabanggit.

“Thanks,” kaswal ang pagkakangiting balik niya kay Tyler na saglit lang niyang nilingon at muling ibinalik ang tingin sa labas ng bintana.

Kaasar ka.

Dalawang Linggo na rin ang nakaraan mula ng magka-usap sila nito sa cell phone at imbitahan siya nitong muling lumabas. Akala niya noon dahil sa medyo romantic atmosphere na namagitan sa kanila ni Tyler ng nagdaang gabi ay sa daytime date naman siya isasama ni Tyler. Yun pala ay para lang maka-usap ay ama niya.

Hindi sa naiinis siya rito dahil may maganda namang naging resulta. Sapagkat nalaman sa Papa niya na walang katutuhanan ang narinig niyang sinabi ng kinalakhan at kinilalang inang na si Almida, na siya ay isa lang nitong anak sa labas. Ang totoo ay anak siya ng ama sa pagkabinata, namatay daw ang tunay niyang ina bago pa ito mapakasalan ni Samuel at isang taon siya nang maisipan ng ama niyang muling mag-asawa, na wala ngang iba kundi si Almida at ito na rin ang naging ina niya sa kanyang birth certificate.

Well the past is the past, wala na siyang paki-alam roon, ang pinagtatampo lang niya kay Tyler ay ang pa-secret-secret nito na siyang, well, aaminin niya, medyo nagpaasa sa kanya, na maybe...

Stop it! Right now! Sigaw ng isip niya na agad naman niyang sinusod, tinigil nalang niya ang kaiisip.

“Hope, I’m saying this honestly. Talagang natutuwa ako at sa wakas ay pumayag kang samahan akong magbakasyon rito,” sabi ni Tyler sa kanya nang lumiko ito patungo sa isang privadong daan na sigurado siyang sakop na ng lupang kinatitirikan ng malaking bahay na natatanaw niya sa unahan.

“Pumayag?” sinabayan niya ng mahinang tawa ang binigkas at nilingon si Tyler. “Ang sabihin mo pinilit mo ako! Nagpatulong ka pa nga kay Papa!”

“Oh come on! Isipin nalang natin na talagang kusa kang sumama. Isa pa seryoso ako sa sinabi kong makakatulong ang lugar na ito para mas lalo kang makapag-relax.” Kumindat pang sabi ni Tyler bago inihinto sa harap ng gate ang kotse, bumaba at nakipag-usap sa intercom.

Nakangiting pinatirik na lang niya ang mata sa mga tinuran nito. Mahigit isang linggo din siyang walang tigil na kinulit ni Tyler na samahan itong tumungo sa Pampanga at napapayag lang siya nito sa tulong ng ama na tila atat na atat siyang ipagtulakang sumama sa stepson.

Kung sabagay may punto rin naman ang binata. Matapos ng mga nangyari sa pagitan nila ni Tyler ay biglang napawi ang galit niya sa mundo, sumasakit pa rin ang damdamin sa tuwing sumasagi sa isipan niya ang ginawang panluluko sa kanya ni Joey at Charity, ngunit kahit papaano ay nagagawa na niyang tunay na ngumiti sa tulong ni Tyler, saka kapag kasama lang niya ang binata noon lang siya nakakadama ng kakaibang kapayapaan.

*****

“TYLER!”

Awtomatikong napalingon si Hope sa sumalubong na isang middle age na babae sa kanila ng binata, matapos nitong iparada ang kotse sa harap ng isang mansion. Tulad ni Tyler ay blonde din ang buhok ng babae, hindi nga lang maalon at may bahid na asul ang kulay ng mga mata nito.

“Hi, Auntie!” balik ni Tyler kumaway habang lalo pang lumapit sa kanila ang babae.

“My, I’m so happy when you called to visit! How long has it been?”

“Nine, Auntie, it’s been nine years,”

“Oh my! That long?” Nakatakip sa labing wika ng babaeng ewan niya pero pakiramdam niya ay hindi siya nakikita. “How are you? Did you finally recover from—”

I'm Not Gonna Cry (Filipino romance) [complete- to be edited]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon