“TAKOT ka talaga ha?” sabi ni Tyler mas sa sarili kaysa sa dalagang katabi sa kotse.
“May sinabi ka?” ani Hope na noon lang nagsalita mula sa sobrang na pananahimik habang nakatingin sa labas ng bintana ng kotse. Talaga ngang totoo na kapag may hinihintay ka ay kay bagal tumakbo ng oras. Ilang minuto pa lang siyang nakasakay sa kotse ni Tyler ngunit wari niya ay buong araw na siyang nagbibiyahe.
Nang manatiling tahimik si Tyler ay napatingin na siya sa binata at muling inulit ang tanong, na binalikan lang nito ng ngiti saka inihinto na ang kotse sa isang underground parking lot sa isang hindi kalakihan pero kilalang hotel.
“We’re here,” nakangiti pa ring wika ng binata sa kanya. Nagmamadali nitong pinatay ang makina ng kotse at mabilis na lumabas. Ganoon din ang ginawa niya ng mahalatang balak siya nitong pagbuksan, kung kaya muntik na niyang tamaan ng bumukas na pinto ng kotse dibbib nito, mabuti nalang at maliksi itong napaatras, magkagayunman ay walang paki-alam siyang nagpatuloy sa pagbaba ng sasakyan at hindi humihingi ng despensa itong muling kinausap matapos isara ang pinto.
“Please lead the way,” aniya.
“Sure,” nakaangat ang kilay na tugon naman ni Tyler at gamit ang remote control na ini-lock ang kotse.
*****
KAPWA tahimik na naglakad ang dalawa papasok sa bumukas na elevator, pinindot ni Tyler ang button patungo sa floor number na kinaruruonan ng magulang nila, nasa fifth floor iyon ngunit hindi doon dumeretso ang elevator. Mula sa underground parking space huminto ito sa first floor kung saan maraming mga tao ang biglang isa-isang pumasok.
Awtomatikong ihinarang ni Tyler ang sarili kay Hope nang makita na isa sa mga lalaking pumasok ay na-outbalance at babangga sa dalaga.
Habang nakatukod ang braso niya sa magkabilang gilid ng katawan ni Hope ay nakita niya ang pagkabalisa sa mukha nito, pero wala naman siyang magawa, ayaw niyang umalis sa harap nito dahil sa maiipit ito sa pagitan ng mga tao.
“Ty, hindi mo na kailangang gawin ito,” ani ni Hope na hindi nakatiis sa pag-po-protekta niya.
“Wala ito, it’s the least I could do.”
“Tyler..? Anong ibig mong sabihin?” nakatingalang tanong sa kanya ng dalaga.
Lihim na nangunot ang noo niya nang mapunang nasa mata nito ang interes na usisain siya. Kaya laking pasalamat nalang niya nang huminto ang elevator at bumukas.
“Ah! Nandito na tayo!” aniyang hinawakan ang kamay ng dalaga at nakipag-siksikan palabas, bago pa ito muling makapagsalita. Nauna siyang humakbang sa malawak na corridor patungo sa numero ng silid ng ina at ng stepfather.
*****
NARATING nila ang dulo ng hallway at kakatukin na sana ni Tyler ang pintuan ng hotel suite nang matigilan siya sa narinig na sigaw mula sa loob ng silid.
“Alam kong mas mahalaga siya para sa’yo, pero pati ba naman sa kasal ng anak natin ay ipapakita mo pa rin kay Charity na si Hope ang pinapaboran mo? Ni hindi mo man lang kinamayan si Joey!” galit na sigaw ng hindi pamilyar na tinig.
“Mama…?” usal ni Hope na nasa likuran niya.
“Your Mom?” baling ni Tyler sa dalagang marahang tumango.
Itutuloy sana niya ang binalak na pagkatok ng pigilin siya ni Hope. Nakikiusap ang itong tumingin sa kanya kung kaya pinagbigyan niya ito. Nanatili silang nakatayo sa labas ng pinto at nagkinig sa mga pag-uusap sa loob.
BINABASA MO ANG
I'm Not Gonna Cry (Filipino romance) [complete- to be edited]
RomanceShe has it all… or so she thought. Isang bagay na lamang ang hinihintay ni Hope at iyon ay maganap ang nakatakda nilang kasal ni Joey, ang long time boyfriend niya since high school. Subalit ganoon na lang ang pagkawasak ng mundo niya nang matagpua...