Chapter 10

1.9K 39 0
                                    

SA HINDI mabilang na pagkakataon muling bumalikwas si Hope sa pagkakahiga at mariing ipinikit ang mga mata. Matagal na niyang sinusubok matulog pero talagang ayaw siyang dalawin ng antok. Buntong-hininga siyang bumangon bumaba sa kama.

Can’t sleep! Naiiritang isip niya, lumabas ng silid at nagtungo sa kusina. Nag-init siya ng gatas at pagkatapos ay dumeretso sa sala. Sinubukan niyang manood ng kung ano mang palabas sa telebisyon ngunit muli’t-muli ay sumasagi sa isipan niya ang mukha ni Tyler. Ito ang ugat na dahilan kung bakit kahit na lampas alas-kwatro na nang madaling araw ay hindi pa rin siya makatulog.

Lumagok siya ng gatas, pagkapos ay dinampot ang cell phone. Hinanap niya sa phonebook ang numero ni Tyler, nang matagpuan ang hinahanap tumungo siya sa message box at sinimulang mag-type ng sms.

“Kasalanan mong lahat kung bakit ‘di ako makatulog” iyon ang una niyang sinulat, tapos ay binura. Nag-type siya ulit at tulad ng nauna binura na naman niya, ubos na niya ang gatas na iniinom at type-erase pa rin ang ginagawa niya sa cell phone. Nang huli ay ipinasya niyang mas maging honest sa sinusulat.

“I can’t sleep thinking of U.”

Nakangiting binasa niya ang text, gumaan ang pakiramdam niya kahit na wala naman talaga siyang balak na iyon ay iparating kay Tyler. Pipindutin na sana niya ang erase button ng madali ng kanyang daliri ang OK button, at sa isang iglap nakita niya sa LCD screen ang katagang message sent!

“No,no,no!” Nagpapanic na pinindot-pindot niya ang cellphone at hinanapnap sa sentbox ang mensahe, nagbabakasakaling imahinasyon lang niya ang pagkakamali ngunit nabigo siya, malinaw niyang nakita na naroon nga ang pinadalang mensahe.

I-o-off sana niya ang cell phone ng bigla iyong tumunog, may reply mula kay Tyler. Tinatambol ang dibdib na binuksan niya ang mensahe nito.

“Me 2, can’t sleep thinking about U.”

Biglang nag-party ang mga paru-paro sa sikmura niya sa nabasa.

He’s awake and thinking of me! Tahimik niyang tili. Ta-type palang siya nang muling may sumunod na text sa kanya si Tyler.

“Want me to come over?”

“Heeh! Tigilan mo ako! Wala ako sa mood makipagbiruan sa’yo!”

“Sinabi ko bang nagbibiro ako?”

Natigilan si Hope sa na-imagine na seryosong mukha ni Tyler.

“Oh? Bakit di ka na nag-reply?” si Tyler ulit.

“Well... hindi pa ako handa sa ganyan, not without love,”

“Huh?...without love?... anong ibig mong sabihin?”

Nanulis ang nguso na muli siyang nag-type. “Alam mo na! Ang mga bagay na mangyayari kapag pupunta ka rito!”

“Huh? Hindi kita maintindihan ...”

Inis na hinagis ni Hope ang cellphone sa sofa. Kung nasa harap lang niya si Tyler talagang sasakalin na niya ito sa pagpapahirap sa kanyang magpaliwanag, alam naman niyang nakuha na nito ang punto niya.

Muling tumunog ang cell phone at muli ay binasa niya ang bagong mensahe ni Tyler.

“Kanina ko pang naisip na dahil sa hindi ako makatulog, siguro ay magandang manunood ng dvd kasama mo. Kaya nang mag-txt ka, naisip ko na, bagay rin lang na hindi ka pa rin tulog ay itutuloy ko na ang una kong naisip.”

Nag-init ang buong mukha ni Hope matapos basahin ang mensahe ni Tyler. Totoo nga namang naiisip siya ni Tyler pero siya itong masyadong nagbibigay ng kahulugan sa lahat. So what if he kissed her? It was so light, it doesn’t maybe even count for kiss. But still...

Biglang tumunog ang cell phone na muntik pa niyang mabitawan. Sa pagkakataong iyon ay hindi na txt kundi tawag mula kay Tyler.

Pikit-mata niyang pinindot ang answer button at alangang inilapit ang cell phone sa tainga. “Hello?” imbis na kaswal ay mas naging arogante ang dating ng pagbati niya.

Argh! Why am I so nervous? It’s just Tyler.

“Hello Hope, galit ka ba?”

“Ha? H-hindi. Bakit mo naman naitanong?”

“Dahil sa tono nang— never mind,” ani Tyler tapos ay iniba ang sinasabi, bagay na kinaluwag ng paghinga niya.

“So Hope, pwede na ba akong tumungo d’yan?”

Napatingin siya sa orasan na nakasabit sa dingding. “Pero five-thirty na, it’s very late.”

“So what? And it not late, it’s early.”

Nangiti siya.

“Nangiti ka ano?” wika ni Tyler sa kabilang linya na para bang nakikita siya, and for a second, naisipan niyang tumungo sa beranda ng condo para tingnan kung sakaling nasa kabilang building lang ito, na katapat ng condo niya at may hawak na teleskopyo habang nakikipag-usap sa kanya.

“Hindi ah!”

“Liar,”

“Hmph!” paisnab na ingos naman niya.

Tumawa ito.

“Seriously Hope, can I come over?”

“No,”

“Why?”

“Dahil nakakadama na ako ng antok eh,” hindi iyon pagsisinungaling, talagang namigat ang talukap niya ngayong nadinig na niya ang boses ni Tyler.

This is bad! Tigilan mo na ang kagagahang ito, Hope bago pa mahuli ang lahat! Think about what Joey did! Nag-aalburutong sigaw ng isang bahagi ng isip niya na hindi naman binigyang pansin ng natutuwang niyang puso.

“Oh, is that so,” nasa tono ang pagkadismayang wika ni Tyler, para naman siyang nakadama ng pagbabago ng isip pero pinigil niya ang sarili.

“Yes, so... goodnight?”

“Yeah, goodnight,” may katamlayan na sunod ni Tyler. Puputulin na sana niya ang linya nang marinig niya ang muli nitong paghirit. At kahit anong pang red-alert sa isipan niya ay binaliwala niya. Muli niyang inilapit ang cell phone sa tainga.

“Paki-repeat ng sinabi mo, Ty. Hindi kita narinig eh,”

“Hindi naman masyadong mahalaga, pero gusto kong malaman kung may oras ka bukas?”

“Bakit?” Not like I have a job to attend.

“Well, gusto sana kitang imbitahan,”

“Saan?”

“Saka mo na malalaman,”

“Tyler!” pinadyak pa niya ang paa, hindi siya ang tipong nakakapaghintay sa sorpresa.

“Sagutin mo nalang ang tanong.”

Tumabingi ang labi niya. “Yes, wala akong plano bukas.”

“So, sasama ka na sa akin?”

“Kulit! Oo na,”

“Okay, susunduin kita...would four pm do?”

“That’s fine,” napahikab na sagot niya.

“Goodnight Hope.”

“—night” parang sombie na niyang balik habang naglalakad patungo sa kama. At pabagsak na nahiga.

Hindi na narinig ni Hope malambing na pagbulong ni Tyler ng katagang. “Sweet dreams.”

I'm Not Gonna Cry (Filipino romance) [complete- to be edited]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon