Chapter 12

2.1K 52 0
                                    

NANG mga sumunod na araw ginawa nang hobby ni Hope ang pagsunod-sunod kay Tyler.

I know it’s driving him mad somehow, and that’s what makes it so fun! Pilyang saloob niya isang umaga nang hanapin niya ito at hindi makita sa paligid ng mansion.

“Hello, Hope, sweetie. May hinahanap ka ba?” tanong sa kanya ni Pearly ng isulpot niya ang ulo sa pinto ng mini library na kinaroroonan nito sa pagbabasakaling naroroon ang binata.

Tumiwid siya ng pagkakatayo at nakangiting pumasok sa loob ng silid, at lumapit sa babaeng may hawak na libro at nakaupo sa harap ng mesa.

“Auntie, si Tyler?” may kalambingan sa tinig na tanong niya sa babaeng ngumiti, ito ang naging taga-inform niya sa kinaroroonan ng binata, magaan ang loob niya at kasundo si Pearly dahil dito ay para lang siyang nagbabakasyon sa Tita Layla niya. Sa tulong nito ay madali para sa kanyang mataymingan si Tyler at makulit ng kung anu-ano.

“Sweetie, are you by any chance in love with my nephew?” tanong sa kanya ni Pearly na mabilis na itinanggi, pinaliwanag na ang tanging dahilan ng pangungulit niya sa binata ay dala lamang ng kuryosidad. Dahil sa pagka-broken heart niya sa fiancé, na sinundan nang pagkatuklas niyang anak pala siya sa pagkabinata ng ama; isang bagay ang hindi niya naisip o naoobserbahan kay Tyler simula ng una silang magkakila. At iyon ay ang pagiging sarado nito pagdating sa sarili, alam na nitong halos lahat ng kuwento sa buhay niya ngunit ngayon lang niya naisip na wala nga pa pala itong naipapaalam tungkol sa sarili maliban sa anak ito ng ikalawang asawa ng ama niya.

Minsan kapag sinusubukan niyang buksan ang topic tungkol sa buhay nito ay madalas namamalayan nalang niyang nagawa na nitong iliko sa ibang direksyon ang paksa ng usapan nila.

“Gusto mo bang ikuwento ko sa’yo ang kuwento ng buhay ni Tyler?” tanong ni Pearly sa kanya

“No, no Auntie, okay lang sa akin na kulitin siya, that way, may napaglilibangan ako,” nakangising wika niya.

“Very well.” Itiniklop ni Pearly ang binabasang libro. “Samahan mo nalang akong mag-tea sa gardin, umalis si Tyler, pero sigurado akong maya-maya lang ay babalik yun. Nagpaalam siya sa akin kaninang aalis para ipaayos ang kotse niya. May sira daw.”

“Hmm…” tanging reaksyon nalang niya at sinundan ang babae palabas ng library.

*****

“SO, nandito ka lang pala!”

Napapiksi si Tyler sa narinig na tinig ni Hope at pansamantalang inangat ang mukha sa pagkakayuko sa ilalim ng manubela ng kotse niyang nakaparada sa isa sa mga garahe ng tiyahin.

“Oh, hello, Hope,” bati niya at agad na binalik ang atensyon sa ginagawa. Kasalukuyan niyang pinapalitan ang fuse ng direction light ng pumasok si Hope sa loob ng garahe at tumayo sa labas ng nakabukas na pinto ng driver’s side.

“Anong ginagawa mo?” usisa nito.

“Oh nothing, may pinapalitan lang,” aniya muling itinakip ang cover ng fuse box at naupo ng maayos sa driver seat saka ito hinarap. “Tapos na rin ako, bakit hinahanap mo ba ako?”

“Hindi,” nakangiting sagot ng dalaga. “Nag-a-afternoon tea lang kami ni Auntie Pearly nang makita kong dumating ka kaya naisipan kong lumapit.”

Tumango siya at pinagmasdan ang dalagang saglit na natahimik.

Tama ang naisip niyang pilitin itong isama patungong Pampanga, nakikita niya ngayon sa mukha nito ang pagbabago. Mas madalas na itong ngumiti nang walang halong pagkukunwari, mas malambot na tinig at hindi na ito gaanong maiikli kung magsalita, minsan ay lumalabas na rin ang pagiging malambing nito na noon ay madalas lang niyang marinig kay Samuel. At masasabi niyang mas gusto niyang makita sa ganoong sitwasyon si Hope. Hindi lang dahil sa mas bumabagay iyon sa pangalan ng dalaga kundi mas nakakatuwa itong masayang tingnan.

I'm Not Gonna Cry (Filipino romance) [complete- to be edited]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon