Chapter 14

2K 45 0
                                    

“SA BAHAY na ito ka ba lumaki?” tanong ni Hope ng makalabas na sila sa bahay.

“Yes.” Tumingala si Tyler sa maaliwalas na langit na may mabilog na buwan. “Hope, why did you come?”

Sa pagkakataong iyon ay napatatingala na rin siya sa langit. Sa isipan ay isang tanong ang lumitaw. Dapat ba niyang aminin sa binata na ito ang tunay na dahilan?

No, hindi pa oras. Sagot niya sa sariling katanungan.“Naisipan ko lang na pagbigyan sila Mom Penny at Papa”

“Oh,” tanging katagang namutawi sa labi ni Tyler, tapos ay bagsak ang balikat na itong humakbang patungo sa front bench ng bahay at tila nanghihinang umupo.

Siya naman ay hindi masyadong binigyan ng kahulugan ang nakita, tahimik siyang sumunod sa binata at naupo sa tabi nito. Hindi naman kasinungalingan ang sinabi niya. Matagal na talaga siyang iniimbita ng mga itong tumungo sa Australia at doon na manirahan kung magustuhan niya ang lugar, kaya lang ay palagi niya iyong tinatanggihan noon, hindi lang dahil sa may stable siyang trabaho sa Pilipinas kundi dahil sa hindi niya maatim na iwanan ng matagal si Joey. Subalit ngayong wala na siyang pinangangapitan sa Pilipinas ay wala na rin siyang makitang dahilan para ipagpaliban ang pagdalaw sa Australia. Isa pa, nasasabik na siyang makita ang binatang gumulo sa mga panaginip niya sa gabi-gabi. But then again, thanks to him she can said that she sleep well at night the last five months—from the night they met—without crying her heart out.

“Hope,”

“Huh? Ah!” pasigaw na hiyaw niya sa gulat nang muntik nang maglapat ang labi nila ni Tyler nang ito ay lingunin niya at makitang masyadong malapit ng mukha nito sa kanya.

“Shhh…” ani Tyler na pagtataasan sana niya ng kilay kung hindi lang nakapatong ang daliri nito sa labi niya habang titig na titig sa mata niya.

“Ty—

“Shhh…” ulit nito, habang ang tingin ay unti-unting inalis sa mata niya, patungo sa bibig niya kung saan nakapatong pa rin ang daliri nitong nagpapabilis sa tibok ng puso niya at nagpapatuyo ng kanyang lalamunan, lalo na nang parang slow motion nitong inalis ang daliri at pinalitan ng labi.

Nang una ay padampi-dampi lang ang paglalapat ng labi ni Tyler na parang tumitikim, ngunit ng ipikit niya ang mga mata at gantihan ang ginagawa nitong paghalik, naging mas mapusok ang binata.

Her mind spin, as if she was experiencing first kiss all over again. Nang tumayo si Tyler at buhatin siya papasok sa bahay ay isinubsob niya ang mukha sa dibdib nito, nilanghap lahat ng panlalaki nitong perfume habang pinakikinggan ang musikang likha ng pagtambol ng dibdib nito.

Umakyat si Tyler sa second floor ng bahay at patayo siyang inilapag sa harap ng guest room kung saan siya pansamantalang matutulog.

Nang ipinihit ng binata pabukas ang seradura ng pinto at nakahawak sa kamay niyang pumasok sa kwarto, alam niyang oras na pumawag siya sa tiyak na plano ni Tyler ay wala nang daan pabalik sa dati, pero magkagayunman walang protesta pa rin siyang nagpati-ayon.

Sinara nila ang pinto at hiyaan niyang igaya siya ng binata patungo sa kama at maingat na ihiga. Habang tila pareho silang nauubusan ng oras na dinama ang katawan ng isat-isa.

*****

NAGING mabilis ang paglipas ng mga sumunod na araw at mas dumalas ang pagdalaw ni Tyler sa bahay kanilang mga magulang sa tuwing ito ay nasa bansa at sa bawat pagkakataong naiiwan silang mag-isa ay muling ulit-ulit na may pisikal na namamagitan sa kanila.

It seems to be the only way for them to communicate. No speech only wild sex.

“Ty, what are we really?” minsan ay tanong ni Hope sa binata. Noon ay katatapos na naman nilang magtalik at magkatabing nakahiga sa malambot niyang kama sa guestroom ng mga magulang.

Nilingon ni Tyler ang dalagang naghihintay sa sagot niya. Hinawi niya ang ilang hibla ng buhok ni Hope sa gilid ng mukha at sinabit sa likod ng tainga. Habang nakatitig siya rito ay damang-dama niya ang pagnanais na ito ay yakapin pero pinigil niya ang sarili. Bumangon siya at naupo sa kama saka napabuntong-hininga. Wala siyang mahagilap na kasagutan sa isip.

Sa nine years niyang pagiging single matapos ang divorce nila ni Brittany ay maraming babae na rin ang dumaan sa buhay niya pero lahat ng mga ito pampalipas oras lang, mga taga-tugon sa tawag ng laman at hindi niya pinahahalagahan. Wala isa man sa mga ito ang seryoso sa kanya at ganoon din naman siya. Samantalang mahalaga sa kanya si Hope, iyon ay tiyak niya ngunit gaano, at sa anong direksyon ay hindi niya alam. Ang nasisigurado lang niya ay kinauuhawan niya ito. Hinahanap sa mga gabing siya ay mag-isa, na malamang ay dahil lang iyon sa alab ng katawan na tanging si Hope ang nakapagbibigay sa kanya.

“Ty, kung naiisip mong masasaktan ako sa ano mang sasabihin mo, don’t worry! Matatanggap ko kahit ano. Gusto ko lang malinawan kung saan ba talaga tayo nakalagay,” si Hope muli na kumilos na rin paalis sa kama at dumiretso sa banyo.

Pagbalik nito ay may dala na itong suklay at nakasuot na ng silver blue night dress na umabot lang sa kalagitnaan ng hita sa haba, labas ang cleavage.

Kay sarap hubarin! Kinukontrol ang sariling isip niya at ibinalik rito ang katanungan. “Ikaw Hope saan ba sa tingin mo tayo nakalugar?”

“Hmm…” kunwa ay napaisip din na ungol ni Hope, tumabi sa kanya dinampian siya ng halik sa pisngi. “Well, we’re legally stepsiblings,” anito at nakangiting tinungo ang side-table saka sinuklay ang buhok sa harap ng may kalakihang salamin ng mesa.

“Hey! Hindi ta’yo magka-dugo at hindi ako inampon ng Papa mo! Come on. Sumeryoso ka naman,” hindi kontentong sabi niya sa dalagang tiningnan siya sa salamin bago hinarap.

“Gusto mo talagang malaman?” anito na tinanguhan niya kung kaya nagpatuloy ang dalaga matapos ilapag ang suklay sa mesa. “Hindi ko rin alam Ty, kaya nga kita tinanong dahil hindi ako sigurado. I know I like you as a friend pero hindi ako sure kung ano ang talagang damdamin ko sayo bilang babae. So, isang bagay lang ang naisip kong description sa relasyon natin—”

“And that is…?”

“We’re friends with benefits” ani Hope na parang ikinabingi niya. At dahil sa sinabi nito, for the first time na-realize niyang higit pa sa kaibigan ang pagpapahalaga niya sa dalaga, sa katunayan hindi niya iyon agad nasukat dahil sa sobrang laki.

I'm Not Gonna Cry (Filipino romance) [complete- to be edited]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon