Chapter 18 (ending)

3.1K 74 11
                                    

HILA-HILA pa rin ang luggage na marahang naglakad si Hope sa corridor ng ospital. Tiningnan niya ang wristwatch, it indicated  six in the evening, ibig sabihin ay alas-nuwebe na sa Australia.

“Pero sigurado akong gising pang loko-lokong ‘yon,” aniya sa sarili at hinugot mula sa bulsa ang cell phone. Idadayal na sana niya ang numero ni Tyler nang bigla iyong nag-ring.

‘Aunt Pearly’ ang naka-display sa LCD screen. Pinindot niya ang answer button at bahagyang kunot ang noo na binati ang tiyahin ni Tyler.

“Hope, my dear, bakit mo hinayaan na makawala pamangkin ko?” wika agad nito sa kanya, nasa tunong English pa ang pananagalog.

“Anong ibig mong sabihin Auntie?” nagtatakang tanong niya.

“Well tumawag kanina si Tyler, ang sabi dumating daw siya ng Pilipinas.”

“Talaga ho?” natutuwang wika niya. Sabik na siyang makita ang binata para tanggapin ang marriage proposal na inalok nito.

“Yes my dear, pero ang sabi kasama daw niya si Britanny at—”

“Ano pong sabi mo?” Nabibinging napahinto sa paghakbang.

Inulit naman ng kausap ang sinabi at idinagdag na dahil tinalikuran daw niya ang proprosal nito, nagpasya si Tyler na makipag-balikan sa ex-wife nito at muli magpapakasal ang mga ito sa Pilipinas.

“Hindi ko sinasabing nagsisinungaling ka Auntie, pero baka naman pinag-ti-tripan ka lang ni Tyler. You know him, he’s a joker,” natatawang sabi ni Hope, hindi makumbinse na magagawa iyon ni Tyler. Anyone but Tyler, he won’t hurt me.

“Yes, it true my dear,” giit ni Pearly. “Ang sabi niya ni hindi mo pa nga daw nasasabing mahal mo siya.”

Natigilan siya, well, it true, hindi pa pala niya nasasabing mahal na niya ito. “Pero dapat ay alam niya ‘yun!” rason niya.

“Anyway,” wika ni Pearly na parang gusto nang tapusin ang usapan. “Napatawag ako dahil inimbita niya akong dumalo sa pag-celebrate daw nila ng panibagong buhay, gaganapin daw ang party sa isang bar diyan sa Manila.”

“Saang bar Auntie?”

Sinabi naman ng babae ang pangalan ng bar at para siyang pusang handang makipaglaban na tindig lahat ng balahibo nang kanyang marating ang nasabing bar.

Papasok na sana siya nang harangin siya ng security guard.

“Let me in! I have business with someone inside!” masungit na wika niya.

“Sorry ma’am fully booked po ang buong bar, invited guest lang ang pwedeng pumasok. Sino po ang pangalan nila?”

“Hope Regala! At sa palagay ko ay si Tyler Greene ang nag-booked nitong bar.”

“Tama po kayo ma’am.” Sagot ng guard. Tumingin sa listahang hawak. “Pero sorry po, wala kayo sa guest list.”

“What?” Nagiinit na ng husto ang dugo niya kung kaya itinulak na lang niya patabi ang guwardya at pumasok ng walang permiso. “Tyler you jerk!” sigaw niya at nagulat nang mapasukan ang isang napakadilim na lugar. Nangangapa siya pabalik sa pinanggalingan ng may biglang may spotlight na tumama sa lalaking naka-upo sa isang mataas na bangko ng bar. Si Tyler, dress in red summer jacket, white shirt and creamy pants, holding a microphone. “Hope, this song is for you.” Nakaturo ito sa kanya bago ipnitik ng daliri. Umalingaw ang lumang musika na kinanta ng Everly Brothers na may pamagat Devoted To You.

“Darlin’ you can count on me,

Till the sun dries up the sea,

Until then I’ll always be devoted to you,” wala sa tunong kanta ni Tyler habang marahang patungo sa kanya.

“I’ll never hurt you,

I’ll never lie,

I’ll never be untrue.

I’ll never give you reason to cry,

I’d be unhappy if you were blue.” Hinawakan ni Tyler ang kamay niya habang patuloy na kumakanta,

“Through the years my love will grow

Like a river it will flow,

It can’t die because I’m so devoted to you.”

Itinaas ni Tyler ang kamay niya at hinalikan, nilapag nito ang microphone tapos ay lumuhod sa harap niya. “My Hope, would please forget about the past and marry me?”

Nanlalabo ang paningin siyang lumuhod sa harapan ng binata.

“You jerk! You really made me panic you know that!” Mahina niyang binabayo ang dibdib ni Tyler at nagpatuloy sa pagluha.

Hinawakan naman ni Tyler ang pisngi niya at hinalikan siya. “It’s all your fault. Kung hindi ka lang sana suwail at sinunod ang sabi kong huwag uuwi ‘di sana hindi na kita pinarusahan. Revenge ko ito, kasi nauna mo akong pinag-panic.”

“Sadist!”

“But you love this sadist.”

“Yeah, I love you.” Nakangusong wika niya, hindi kontento sa pag-isa nito sa kanya.

“Will you marry me?”

“Tinatanong pa ba ‘yan!” pakipot niya at ngumiti ng makita ang uncontented look sa mukha ng binata. “Yes, I will marry you.”

Akma sana niyang yayakapin ang nobyo nang may mahinang kinikilig na hagikhik siyang narinig. Kung galing man ‘yun sa kanya masyado namang naging malinaw na sumitsit na tila sumaway roon.

“Tyler?”

“Hm?”

“Tayo lang bang dalawa rito?”

“Aray!” sigaw ng isang pamilyar na tinig. “Uncle Sam, ‘bat ka nambabatok!”

Napatayo si Hope. Inaninag ang madilim na bahagi ng bar kung saan nanggaling ang tinig. “Ara?”

“Shh! Masyado kang maingay!” pasitsit na wika naman ng kanyang ama.

Pinalakpak ni Tyler ang kamay at unti-unting nagka-ilaw sa loob ng bar. At noon niya nakita ang magandang dekorasyon sa loob niyon, at apat na taong nakaupo at nakangiting nakatingin sa kanila. Ang ina ni Tyler, ang ama niya, si Ara, at pati na rin si Pearly.

“I see,” nilingon ang nobyong wika niya. Kasabwat nito ang kanilang kapamilya para sa naging plano nito. Ang pagsundo ni Ara sa kanya, at ang pagtawag sa kanya ng tiyahin nito.

“Hindi sila kasama sa plano ko, I mean kasama sila dahil kasabwat sila pero gusto kong mag-isa na mag-propose sa’yo ngunit mapilit sila kaya—”

Tinakpan ni Hope ang bibig ng nagpa-panic na nobyo. “Pakakasal ka sa akin, dapat wala nang urungan yan!”

Tyler beamed up. “Of course not.”

“By the way,”

“Yes,” sagot ni Tyler habang dinudukot ang kahon ng singsing sa bulsa.

“You’re a bad singer,” ani Hope na kinatawa ng mga nakarinig.

Pinamulahan naman ng mukha si Tyler. Totoo, talagang walang talent sa pagkanta si Tyler pero kung may magtatanong sa kanya sa oras na ‘yun. May pagmamalaki niyang sasabihin na iyon ang pinakamagandang pagkanta na kanyang narinig.

 “But I won’t mind hearing it again and again.” Kinawit niya ang kamay sa braso ni Tyler, “Thank you for loving me.”

Hinatak siya palapit ni Tyler at buong pagmamahal na hinalikan. “I love you,”

“Yeah, me too.”

I'm Not Gonna Cry (Filipino romance) [complete- to be edited]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon