Chapter 21

238 8 0
                                    

Chapter 21

Replaced

"Señorita, hinihintay na po kayo ng iyong nobyo sa ibaba."

Masiyahin akong sumunod sa kaniya matapos ngitian ang ganda ng aking sarili sa salamin. Kagabi lang namin napag-usapan ni Admiral na sasama ako sa pag-uwi niya sa kaniyang ama. Noong una ay nag-alangan pa siya na pumayag ngunit sa huli ay napilit ko rin.

I wore a simple gray shirt and fitted white jeans paired with a casual slip on shoes. Itinali ko paitaas ang aking buhok at nagsuot ng cap. Naisipan ko na huwag na lamang magdala ng kung anong gamit dahil isang buong araw ay doon ako mananatili.

Sa paghakbang ko sa huling baitang ay natigilan ako nang makita si mama kasama sina Aunt Prescilla at ang anak niya na si Titanus. Kaagad sumama ang timpla ng umaga ko.

"Where are you going?" Mama asked, she stood upon seeing me.

Lumapit ako kay Admiral at matamis itong nginitian. He smiled a little, batid kong alam na niyang balak kong iwasan sila mama sa pamamagitan ng presensiya niya.

Kumapit ako sa braso ni Adi at tinignan sila sa aming harapan. "Didn't my boyfriend tell you?" Balik kong sagot.

Aunt Prescilla's expression darkened. "You, ungrateful kid. Answer your mother."

"Who are you?" I innocently asked. "I'm sorry po, I forgot your name. Hindi ko inaalala ang pamilya na wala namang ibinigay sa akin mula pagkabata. If you'll excuse us, we have to go. Admiral is back to his duty tomorrow."

Nang tumalikod ako ay sumabay rin sa akin si Admiral. Naramdaman ko na hinalikan niya ako sa tuktok ng aking ulo. "Good morning, love." Usal niya.

"Good morning. Inaway ka ba ng pamilya ko habang nasa kuwarto pa ako?"

"No." He simply said. "We're fine. She just... told me to stay away from you."

I stopped walking and faced him, my eyes wide in surprise. "She did?" Pakiramdam ko ay nag-akyatan ang dugo ko sa ulo dahil sa narinig. "What else did she say?"

Iniisip ko pa lamang na pinagsalitaan nila si Admiral habang wala ako ay sapat na upang muli akong mainis sa mama ko.

He gently caught my hand. "Hey, it's fine. Hindi naman ako pumayag." He assured.

Umiling ako. "No." That's not what I meant. Alam ko naman na hindi siya pumapayag doon pero... "What else did she say?"

"Adira, let's go now. My father's waiting."

I sighed and intertwined my fingers with his. "Okay. We'll talk about this later. You have to tell me, okay?"

He nodded. "I like you, Adira. You should know that I'll never do anything to hurt you."

Here he goes again. "Kasi isa ako sa pinoprotektahan mo?"

"Yes." He bit his lip, trying to hide a smile. "But this is not just about me being a soldier. I am your boyfriend, right?"

Ngumiwi ako. Where is this conversation heading? Nagsimulang bumilis ang tibok ng puso ko habang hawak ang kamay niya.

Last night, I slept peacefully. Huling nasa isipan ko ang sinabi niya sa akin kahapon. I didn't even get a chance to react dahil ibinaba na niya agad ang tawag. Matagal kong inisip ang sinabi niya, buong maghapon ay tulala ako. Mabuti na lamang ay pinatulog ako nito kinagabihan.

Maybe the reason that I got a peaceful sleep was because it created an assurance for me. My heart was overjoyed, it got tired. The series of uncertain thoughts fumbled down when he said that he may or may not love me.

Forlorner: Fill The Space #Wattys2019Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon