Chapter 32

222 8 0
                                    

Chapter 32

Approval

Kahit sinabi ko na pagod ako at gusto ko na agad magpahinga ay nanatiling maingay ang isipan ko. Hindi ko nagawang makaidlip man lang sa sasakyan. Naririnig ko ang pag-uusap ng mga pinsan ko tungkol kay Admiral.

They are talking about his job and the war in Lanao. Ayokong pakinggan iyon dahil lalo lamang nitong dinaragdagan ang kabang nararamdaman ko ngunit hindi ko magawang patahimikin ang utak ko sa kaiisip.

Naramdaman ko na pumarada na ang sasakyan namin at natahimik na ang mga pinsan ko, senyales na nakarating na kami sa Andreadis manor. Nagkunwari akong pumungas na bagong gising. Naramdaman ko ang tingin sa akin ng kung sino.

I opened an eye and saw Kosmos looking at me, his brows furrowed. "What?" Bugnot kong tanong. "I really slept." Defensive ko pa na dagdag.

Napailing na lamang ito at binuksan na ang pinto sa tabi niya. Sumunod ako roon at nagmamadaling tinahak ang daan papasok ng malaking bahay.

Malinis pa rin ito kahit na isang taon kaming nalagi sa Greece. Sa pagkakaalam ko kasi ay umuuwi rito si Mama, kasama sina Uncle Vasilios at Uncle Santos upang makita ang Papa ko at si Marilyn para asikasuhin ang kaso nila. Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin inaalam ang nangyayari sa pagitan ng naganap na kaso sa kanila.

"I'll send you your baggage later. You can go to your room now." Val offered, walking beside me.

Nagpasalamat muna ako bago tumungo sa kusina upang kumuha ng inumin. I'm thirsty after the corndog that Vog bought for me. Idagdag pa ang pag-aalala ko sa balitang nalaman ko mula kay Julianna.

Remembering Admiral, I quickly fished my phone out of my bag. I tried dialling his phone number, silently praying that he's gonna answer it. Dahil tuloy sa pag-aalala ko ay natatakot na akong tawagan siya dahil baka nasa kasagsagan sila ng kaguluhan at makaistorbo pa ako sa kaniya.

I am playing with the last drop of water on my glass when the dial tone stopped. He answered!

I uttered praise when I heard his voice.

"Love," Hinihingal niyang bati.

Nabalewala ang pag-alala ko sa kaniya nang marinig ko ang tinig niya. Nagsimulang maluha ang mga mata ko. Rinig ko ang hindi maipaliwanag na tibok ng puso ko. Ibinaba ko agad ang baso na hawak ko sa sink upang hindi ako makabasag.

My knees wobbled as I searched for a chair near me. I breathed a hundred times before finally having the courage to answer him.

"Admi—Adi..." My voice, foremost, cracked, I didn't get to finish my sentence.

My tears flew continuously.

Napapikit ako ng mariin. Humigpit ang hawak ko sa aking telepono. Nag-iingat na hindi ko ito mabagsak dahil sa pamamagitan lamang nito ay nagkakalapit kami kahit paano. I started to shake, my insides are shaking.

Tumingala ako upang makasagap ng hangin na tila nawawala sa dibdib ko. God, I badly want him home!

"Adira, how are you? Have you safely arrived, love?" tawag nito sa akin.

I sighed. I breathed. I calmed myself before answering. "I—I'm fine. Where are you? Are you still safe? Sabi ni Julianna, nasa Lanao ka pa rin daw. Please, sabihin mo sa akin na ligtas ka riyan at hindi ka nasugatan, nasaktan, o—"

""Love," He chuckled. I heard an explosion near him. Napadilat ako ng mata at napatayo sa narinig. My heart almost exploded in fear. "Capt, may sugatan! They're fcking moving! Move! Get your fcking firearms and go, go, go! Captain!"

Forlorner: Fill The Space #Wattys2019Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon