Chapter 17

240 6 0
                                    

Ikalabing-pito na Kabanata
Excited

"Wha—what?" Hindi mapigilang pagtaas ng boses ko.

Dismayado ang tingin na ibinigay ko kay Mama at sa pamilya niya. Tila hindi natitinag sa kinatatayuan ang mga ito lalo na ang nagdeklara ng kaso ni Papa kanina, si Uncle Vasilios.

"Mama, akala ko ay magiging maayos na ang lahat sa pag-uwi mo." Napangiti ako ng mapait bago umiwas ng tingin at humawak sa braso ni Papa na ikinagulat nito. "May pag-asa pa ba ang pamilya natin, Papa?"

"Maeve, anak." Naawang tingin ni Papa sa akin. Bakas dito na hindi niya alam ang kaniyang isasagot.

I swallowed the tears forming inside. Pinillit ko ang magsalita kahit nagsisimula nang mamuo ang luha sa aking mata. "Ikaw na ang sumagot, Papa. Hindi ba ikaw naman ang nagsimula nito?"

"Maeve, anak, let's talk about this, dear." Mama called.

Lumapit ito at hinawakan ako ngunit malakas kong itinaboy ang kamay niya. Hindi makapaniwalang umangat ang tingin nito sa akin at sa luha kong sunod-sunod na nagsipatakan sa biglang haplos niya.

"Mama, why are you so brave but also weak at the same time?" I asked.

"Ikóri mou den eínai adýnami!" Grandma Atlanta interrupted from her seat. "Pós tolmás na milás étsi me ti mamá sou?" Walang nagtangkang pumansin sa kaniya.

Lahat sila ay nakaabang sa mangyayari.

"No..." Napailing ako, pabilis nang pabilis.

I took a step away from everyone and grabbed my father's arm. "Hindi niyo puwedeng gawin iyon." Saad ko sa matigas na tinig.

They looked at each other, completely bewildered. They are trying hard not to laugh at my stupidity. Hindi ako makapapayag na makukulong ang Papa ko sa pamamagitan ng pamilyang wala namang itinulong sa pagbuhay sa amin.

"Over my dead body." I stated. "You won't touch the Samonte. Papayag ako na maikulong si Marilyn pero hindi ang Papa ko! Mama!"

Nilingon ko si Mama upang manghingi ng tulong. I am hoping she is also against this. Mahal niya pa rin ang Papa ko sa kabila ng mga pasakit na binigay nito sa kaniya. Kung mayroon man na dapat maikulong rito ay si Marilyn iyon! I will not let my father's name be in vain!

Tanging mga luha ang sagot sa akin ni Mama at umiwas ng tingin. Nagpayakap it okay Aunt Eura na malamig kung tumitig sa amin ni Papa. Nanibago ako bigla sa paraan ng pagtingin niya. Kanina lamang ay mainit ang pagtanggap nito sa akin.

I feel like the Andreadis clan are very family-oriented. Pinahahalagahan nito ang pamilya, higit pa sa lahat ng bagay na mayroon. They are crazy rich and their businesses are still intact and running wild on their country. Kung natatamasa mo nga naman ang lahat ng bagay, marami silang oras para sa pamilya na pinahahalagahan nila ngayon.

"You shouldn't be protecting your father, Maeve." Mama said, her eyes looking sincerely hurt.

For a moment, I am torn by those piercing eyes. Humigpit ang hawak ko kay Papa upang panatilihin ang desisyon ko. I am a Samonte all my life. I grew up seeing my Samonte grandparents. Hindi ako maaaring kumampi sa mga taong ngayon ko lang naman nakilala at mukhang hindi pa ako ginugusto.

"Your mother's right. Your father is a filthy man who only cares about himself. You shouldn't protect a man who can't protect you ever since you were a baby in your mother's womb." Uncle Vasilios continuously butted in.

"I believe your words have no place in this conversation, Vasilios." Papa sternly told him. "My daughter doesn't need to be protected all the time now. She is a grown up woman and I believe she is capable of protecting herself. My mistake in the past doesn't invalidate my rights as her father."

Forlorner: Fill The Space #Wattys2019Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon