Chapter 33

208 8 0
                                    

Chapter 33
Ouzo

"The number you have dialled is out of coverage area. Please leave your message after the tone."

Napapikit ako nang marinig ang nakakairitang tunog. My mood changes when I started telling my message to the person I admired the most.

"Hi, Adi! How are you? It's the... fourth month since I visited Philippines. I have something to tell you. It's important and I don't think I can wait any second to tell you this."

Tumayo ako mula sa aking higaan at dumiretso sa aking balkonahe upang pagmasdan ang mga pinsan ko na nagkakatuwaan sa poolside. Malayo ang kinaroonan nila mula sa puwesto ng aking silid kaya hindi ko marinig ang ingay ng mga ito.

"Remember Tyrone? 'Yung kinukwento ko na kapatid ng asawa ni Kosmos? Si Kai Leventis? Si Tyrone Leventis ang nakatatanda niyang kapatid. Nasabi ko na rin naman sa iyo na nahahalata ko na gusto kami ipagkasundo ng pamilya namin."

I shrugged while talking to the cold thin air. Tumingala ako sa kalangitan at huminga nang malalim. Kahit wala akong kausap ay napapangiti pa rin ako. Ini-imagine ko lang kasi na sumasagot sa akin si Admiral.

"Kanina, may lunch buffet kasama ang pamilyang Leventis. I don't know if you can remember but today is my twenty-fifth birthday. By the way, may gift ka ba? Ipunin mo muna, saka na kapag nagkita tayo, okay?" Parang tanga na natawa ako sa sariling banat.

"Anyway, today's my birthday. I've told you that the Leventis were my grandma's favourite family friend, right? Of course, they were invited. They asked Tyrone to be my escort for the whole event. Tyrone is the definite heir of their patriarchy. He is always willing to oblige to his parents' orders. Hindi siya tumanggi na maging escort ko."

"That's why I'm calling you. I want to apologize for what I've done. I should have said that I am already engaged to you. Dapat maaga pa lang ay ipinaalam ko na. I'm sorry, Adi. I am afraid to admit it alone. Gusto ko kasama kita kapag ipapaalam ko na. I am waiting for the ring, you know? Malamang ay magtatanong sila kung nasaan ang pruweba ko."

Nanghihina na napaupo ako sa rocking chair at natulala sa kawalan.

Kauuuwi lang namin mula sa munting salu-salo na naganap para sa kaarawan ko. Ako ang nagpumilit na hindi na bonggahan ang kaganapan at huwag na masyadong mag-imbita ng marami dahil dinahilan ko ang pagiging abala ko sa trabaho. I am working in the executive department of European Goldfield and Petroleum Holdings owned by my Grandma's side of the family. Part time executive staff din ako sa Eldorado Minings Corporation na mula naman sa ancestors na naipamana kay Granpa Urion.

Kilala ang Greece sa number one export nila na mga natural resources at petroleum kaya hindi na nakapagtataka na napakayaman ng Andreadis dahil sa industriya at uri ng negosyo na sinimulan nila. The second biggest export of the country is Aluminium, kung saan ang mga Leventis ang naghahari sa bahaging iyon ng indsutriya. Isa siguro iyon sa naging dahilan kung bakit nagkasundo ang dalawang pamilya namin sa negosyo.

Wala namang kaso sa akin ang trabaho ko ngayon. Hindi ako magrereklamo sa pamilyang tinanggap ko mula noong nalaman ko ang katotohanan. Ang hindi ko lang gusto ay kung maaapakan ang pribado at pinakapersonal na pagdedesisyon ko nang dahil sa kayamanan na isinusubo sa akin ng pamilyang ito.

"Huwag ka mag-alala." I tried assuring him. "Kapag ipinagpilitan nila kaming dalawa ni Tyrone ay ako na mismo ang magsasalita na hindi ko siya gustong pakasalan. Nga pala, kumusta na ang war sa Lanao? Balitang-balita na ang nangyayari riyan kahit sa international news. What is happening there? Totoo ba lahat ng scoop ng media? Hindi ko na tatanungin kung kailan ka makakauwi dahil alam ko naman na alam mo kung kailan ka dapat umuwi, hindi ba? We'll always wait for each other, I know. Be safe, love. Be safe, Captain."

Forlorner: Fill The Space #Wattys2019Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon