Chapter 24

214 7 0
                                    

Chapter 24

Basura

The tension between the Andreadis family and I are very evident in the atmosphere. No one, even the maids, attempted to make such a noise that will break the silence.

Si Kosmos ay pinipigilan ang kaniyang ina na saktan ako. Naramdaman ko ang malakas na paghatak ni Mama sa braso ko. Nang magbaba ako ng tingin sa aking braso ay malapit na itong mamula.

"Ma, nasasaktan ako." Giit ko at pilit na kumakawala.

I saw Virgo curiously followed us hanggang sa makarating kami sa staircase. Doon ay binitawan ako ni Mama at nangungusap ang kaniyang tingin.

"Hindi mo na dapat ginawa iyon, Maeve. You already got my attention, you don't have to create a scene like that!" She said, raising her tone at me.

Hindi makapaniwalang tinignan ko siya. "I created a scene?" I faked a laugh. "Tingin niyo ba ay para sa mga Andreadis, gagawin ko iyon? Manghingi ng atensyon mula sa kanila? Sa iyo? Mula pagkabata nga ni hindi ko sila nakita kaya wala akong pakialam sa p-t-nginang atensyon na maibibigay nila sa akin!"

I earned a hard slap from my ever-loving mom because of what I said. I didn't regret it.

"You don't have the right to say that to your—"

"Ang gusto ko lang naman ay galangin nila ang bahay na ito, Ma! Wala ka na ba talagang pakialam kay Papa? Paano mo nagagawa ito sa amin? You didn't ask them to pay even a slightest respect for the Samontes! Ayaw ko sanang papiliin ka, Ma, pero ang sakit sakit na para sa akin, para sa amin ni Papa."

My eyes started to cry. Nag-iinit ang pakiramdam ko at gusto ko na lamang masabi lahat ng gusto kong sabihin. At that moment, I didn't care. Nanunuod man sa amin si Virgo o ang kahit sino, I will say what I have to say.

"Maeve, don't do this, please." Biglang naging malambot ang tinig ni Mama.

So this is how it goes, huh. When push comes to shove, blood will prevail? I don't think so.

"No." Umiling ako. "You have to choose, Ma. Hindi ko na kaya ang ginagawa mo. For us, para rin sa iyo... kami ni Papa o... ang mga Andreadis?"

She let out her tears. For a moment, I want to apologize and hug her for doing this. Gusto kong bawiin ang sinabi ko pero gusto ko rin naman malagay sa tahimik ang buhay ko. Gusto kong malaman ang mas matimbang sa kaniya.

"Choose, Ma. Samontes or the Andreadis? I just need one answer, isang sagot lang, Ma. Nakasalalay roon kung sino ang aalis sa bahay na ito." I bravely said, my tears are threatening to flow.

"No one has to choose someone." Vitalis' authorative voice interrupted us and walked to my mother.

His eyes landed on me, making me feel like a stupid and heartless daughter. Para bang isinusuka niya na ako ang pinsan niya at ang anak ni Deianira Andreadis.

Hindi ko pinansin ang lukot sa puso ko nang hilahin niya ang Mama ko at ibinigay kay Virgo. Umalis ang dalawa, nag-iwan ng nag-aalalang tingin sa akin si Mama hanggang sa mawala sila sa paningin ko.

What was that? Bakit hindi siya nakapagsalita kay Vitalis? We were talking and she was about to choose when this man suddenly walked in to our conversation. What a jerk! Bakit hindi magawang magsalita ng Mama ko?

"That answers your question, young Samonte."

Ang malamig na tinig ni Vitalis ang gumising sa akin. Lumapit ito at nakipagtitigan sa maluha-luha kong mata. Tuluyang naglandas ang luha mula roon. Kahit nanlalabo na ang aking paningin ay hindi ko siya nilubayan ng tingin.

Forlorner: Fill The Space #Wattys2019Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon