Chapter 15

236 7 1
                                    

Ikalabing-lima na Kabanata

Selfish

Umalog ang lupa na kinaroroonan ng sasakyan dahilan upang mahilo ako sa lakas nang pag-alog nito. Napakapit ako sa hawakan at hinawakan ang ulo ko.

A sudden fear enveloped me as I sensed that this is not only a mine explosion. Nang tignan ko ang paligid namin ay isa-isang naghanda ng kanilang sariling armas ang mga sundalo at nagtutungo sa iisang direksyon.

Nagtahip ang dibdib ko sa kaba sa kung anuman ang nangyayari kay Admiral. I badly want to get to him to make sure he's fine and unwounded.

"Oh God..." usal ko habang nakikipagbanggaan sa mga malalaking katawan ng sundalo.

One grip on my shoulder made me flinched. I looked behind to see one soldier armed in his clothing, gravely looking at me. Napangiwi ako sa hiya. Mukha akong paslit na hindi dapat nandito sa ganitong klaseng lugar.

"I'll escort you to a safe place, Ma'am Samonte." He said, pulling me.

"Fall back! We have a civilian with us!" Sigaw nito habang ikinukumpas ang kamay sa mga kasamahan.

"Sergeant, where is the Captain?" Private Macaron in his sweats came into the view.

Naalala ko ang dahilan ng paglabas ko sa sasakyan kaya nagtangka akong kumawala sa hawak ng sundalo. "Let me go! Your Captain is in danger! He was on the mines earlier!" Malakas kong sigaw at tinuro ang direksyon na iyon.

Natigilan silang lahat at nabibiglang nilingon ang tinuturo kong direksyon. The Sergeant holding me passed me to Private Macaron. "Escort the girl to safety, Private. We are under attack!" Pagkasambit nito ay umalis na ito, binabawi ang naunang utos.

"Under attack?!" Histerikal na sigaw ko. "Oh God, mama!" I shrieked on top of my lungs when I heard long gunshots.

My knees trembled. I almost stumbled down upon hearing the terrifying gunshots. Parang malapit lang ito sa kinaroroonan ko at anumang oras ay matatamaan ako nito na siyang ikinatatakot ko.

"Ma'am!" Pinangko ako ni Private Macaron at tumakbo siya palayo sa ingay na iyon.

"Bring her to safety." Utos nito sa driver ko at ipinasa ako rito. Anong tingin nila sa akin, bagay na madaling ipasa?

"Wait, si Admiral!" Sigaw ko at nagpumiglas.

"Ma'am Samonte, halina po kayo. Mas makabubuti kung aalis na tayo rito."

"This place is under attack! Nasa delikadong sitwasyon ang boyfriend ko and you think that I can leave this place just like this?!" Hindi napigilan na nasigawan ko ang tauhan ko.

Tumakbo ako patungo sa direksyon ng ingay. Kahit pa todo ang panginginig ko at ang takot ko para sa sariling buhay ay hinanap ng mata ko si Admiral sa gitna ng kaguluhan.

Muling nayanig ang lupa sa sunod-sunod na pagsabog. Bumagsak ako at kumapit sa kung anuman ang makakapitan ko upang makatayong muli. Nabibingi na ako sa ingay ng mga baril. Hindi na ako nakigulo sa kumpulan ng mga sundalo sa likod ng isang barikada bagkus ay umikot ako sa kung saan ay ako lang ang nandoon. Pakiramdam ko ay bigla kong nakabisado ang lugar na ito dahil sa adrenaline na nararamdaman ko.

"Admiral, please be safe..." I whispered unto the thin air while clenching my fists to my chest. "I'm sorry, please be safe."

The next thing I heard was the loudest explosion I have ever heard. Pumikit ako upang hindi makita ang pinsala na dulot nuon sa buong lugar. Naghalo ang ingay ng mga baril sa sigawan ng mga sundalong nakikipaglaban sa hangganan upang hindi tuluyang mapasok ang buong syudad.

Forlorner: Fill The Space #Wattys2019Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon