Chapter 22

206 10 0
                                    

Chapter 22

Choices

"Mason, behave!"

Pumailanlang ang malakas na boses ni Admiral nang masanggi ako ni Mason, dala ko ang mga natitirang iihawin. Mason, like a lost boy, sits beside his owner.

Admiral squatted to feed Mason his treats. "Good boy, buddy!" He praised him.

Nang makalapit ako sa grilling station nila rito sa likod-bahay ay tumayo si Admiral upang kuhanin ang dala kong plato. He is grilling meat and a little of veggies for about an hour now. I felt his eyes on me kaya sinalubong ko iyon. I gave him a contented smile.

"Pagod ka na ba?" He asked.

Umiling ako, nakangiti pa rin. Pinunasan ko ang mukha niya gamit ang likod ng apron ko. Tila awtomatikong napangiti ito sa ginawa ko.

"You can make our juice now. Malapit na rin itong matapos. Did you steam rice?"

I nodded. "Akala ko ba mabilis lang ang Papa mo sa Corral. Isang oras na, ayos lang ba siya roon?" Nag-aalalang tanong ko.

"Huwag ka mag-alala. Hindi niya tayo iniisip sa ngayon. Napaligiran ba naman siya ng mga manok niya roon." He laughed. Nahawaan ako ng pagtawa niyang iyon.

"Ihahanda ko na ang lamesa." I volunteered.

Binuklat ko ang malaking tablecloth at inilapat sa lamesa. The backyard of their house really suits a backyard party style. Kumpleto ang kagamitan sa grilling station, may mga lamesa at upuan. Matatayog ang mga puno kaya naman mahangin. Kung palagi lang sigurong may tao rito ay nagkaroon na ng swimming pool sa gitna ng bakuran nila.

"Mason, the food is grilled!" Nasisiyahang sabi ni Admiral sa aso na biglang napatayo at sinundan ang amo tungo sa mesa.

I finished setting the table and provided a space for the grilled food. Agad akong natakam nang makita ang mga inihaw na meat. I wrapped a piece of pork inside the lettuce leaf and feed this sweating man beside me.

"Ikaw naman ang napagod kaiihaw, you can have the first bite, Captain." Itinapat ko sa labi niya ang pagkain.

His hand rested on my waist as he leaned closer. Tinawanan ko ito nang pagkasyahin niya sa kaniyang bibig ang inihain ko. Nakatingin lamang siya sa akin habang maingat iyon na nginunguya.

"Mainit pa ba?" I asked.

Umiling ito. He continued chewing.

Inulit ko ang paglagay ng pork sa dahon at sinubuan ang sarili. Tinikman ko ang ginawa niya.

"Hmm!" I moaned in satisfaction and gave him a thumbs-up.

Bahagya kong tinakpan ang bibig dahil lumobo ito sa laki ng pagkain. It was Admiral's turn to laugh at me. Mahina ko itong hinampas sa braso.

"Shall we wait for your father?"

"I'll call him."

Mason barked, almost yipping behind us. Sabay kaming napalingon ni Admiral. His father is already standing by the back door, letting Mason welcomed him.

"'Tay!" Bati ko rito at lumapit. It was his request that I should call him 'Tay. Almost all of Admiral's colleagues are calling him by that name so I guess there's no harm in doing his request.

"Nakapaghain na pala kayo. Iniwan ko na nga kayo para makapag-solo tapos—"

"Pa, kain na tayo, 'Pa." Pagputol ni Admiral sa sinasabi ng kaniyang ama, umiiwas ng tingin.

He suddenly looked awkward.

Sinundan ko siya nang maupo ito sa bangko. Hinintay ko munang makaupo ang mag-ama bago naupo sa tabi ni Admiral. I passed the bowl of rice to Adi's father habang si Admiral naman ay nilalagyan ng ulam ang plato ko. He is carefully wrapping the leaf around the pork.

Forlorner: Fill The Space #Wattys2019Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon